*Open Locker*
*tingin sa gilid ng locker*
*Hinga ng malalim*
Hay! Ito nanamang sticky note. Araw-araw may nakadikit na sticky note sa locker ko. Pagkataposbasahin ang nakasulat doon ay nilagay ko sa paper bag ko na dala-dala ko. Dinadala ko tong paper bag na ito para lalagyan lang naman ng sticky note na lagging nakadikit sa locker ko. Halos mapuno na nga ito eh!
‘’Uy Alysse, Tara na!’’ Sigaw ni Faye sa akin at inayos ko na ang mga libro ko at sumunod na ako sa kanya
Well, first of all isa lang naman akong normal at ordinaryong tao at ang pangalan ko ay si Alysse Kyle Cerveza. 3rd year college student. Course ko ay Pharmacy. Yung tumawag sa akin kanina ay si Faye Marie Perez. Kaibigan ko tsaka pareho kami ng course.
‘’Pansin ko lang, lagi mo yang dala ang paper bag nay an pero ang tanging laman naman niyan eh mga papel.’’ Sabi niya. Hay! Paulit-ulit na naman siya! Lagi kasing niya sinasabi yun. Word for word talaga!
‘’Para matigil ka, ayan!’’ Sabi ko at binigay sa kaniya ang paper bag.
*Lunch*
‘’Bestie, sabi daw ditto sa sticky note na ito eh pumunta ka mamaya sa garden sa school.’’ Sabi ni Faye
‘’Weh?!’’ Sanong ko
‘’Oo nga!! Tsaka ang nakalagay na date ditto ay 4/6/15. Ibig sabihin eh ngayong araw na ito.’’ Sabi niya sabay tulak sa akin.
Hay! Ewan ko ng aba diyan s-------
‘’Oh my G!’’ bulong ko sa sarili ko
Grabe!!! Ang gwapo talaga niya. Ang tinutukoy ko lang naman eh si Charles Lawrence Cortes. Isa sa mga gwapo or hot na student sa school na ito. Isang engineering student and like me, 3rd year student too. Gwapo talaga niya!
*Wave sa kamay*
‘’Huy!!!’’
‘’Huh?! ‘’
‘’Tulala ka na naman!!!’’ Sabi ni Faye at tiningnan ang tinitigan ng mga mata ko
‘’Ah!! Si Kuya Charles!’’ Sabi niya at ngumiti pa na ng nakakaloko!
‘’Sabihin ko kaya mamaya kay Kuya!’’ Sabi niya! Paktay! Magkapatid pala ito sila sa ina!
‘’Huwag!!’’ Sigaw ko!!
‘’Hmm!!’’ Sabi niya at umalis na
Ano kaya ibig sabihin non? Nagring na at pumasok na ako sa class ko. After eh dismissal na. Maaga dismissal naming ngayon dahil may importanteng meeting daw. Lumabas na ako at pumunta sa locker ko. Binuksan ko at tumingin na rin ako sa gilid ng locker ko. Di nga ako nagkamali! May sticky note na naman! Kinuha ko yun at binasa. Nakalagay dun ay,
Hi Alysse,
Mr. Sticky note is signing in. Sana makapunta ka mamaya. Inaasahan ko ang pagdating mo dun. Malaman mo rin ako kung sino ako mamaya kung pupunta ka. Mr. Sticky note is signing out! =)
Love,
Your Mr. Sticky Note =)