Maaga akong nagising kasi ngayon ang interview ko sa pinasukan kong trabaho.
Inayos ko muna ang higaan ko at binuksan ang bintana para pumasok ang preskong hangin.
Nakangiti akong dumukwang sa may bintana. Ang ganda talaga ng katapat na bahay namin, ang ganda ng harden nila sa loob, kailan kaya ako makakapasok jan? Hmm, malabo.
Nangunot ang noo ko ng may makita akong lalaki na lumabas sa gate nila.
Hindi sya familiar sa'kin, Sino naman kaya? Baka iyong anak ng may ari. Usap usapan na may anak ang may ari kaso sa ibang bansa lumaki, do'n sa Lola.
Ang yaman yaman siguro nila, hayst. Ako din yayaman ako. I claim it!
"Anak! Gising ka na ba?"
"Opo ma, maliligo na po ako!" Sagot ko pa balik.
Sumilip ako ulit sa bintana at eksaktong nakaharap ang lalaki sa deritsyon ko.
Kitang kita ko na tinaas nito ang kamay niya at pinakyuhan ako.
Agad na uminit ang ulo ko. Aba gag*!
Padabog kong sinara ang bintana ng kwarto ko. Ang bastos naman ng lalaking 'yon. Ang sama ng ugali, aba kung siya nga ang anak ng may ari, nakakaawa yung magulang niya sama ng ugali ng anak.
Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay bumaba na ako.
"Anak, gusto mo bang ihatid na kita?"
Napatingin ako kay papa, nakabihis na ito at ready ng umalis.
Ngumiti ako.
"Mauna na kayo, pa. Malalate po kayo kung hihintayin niyo pa po ako" sabi ko,
"Okey lang anak, maaga pa naman"
"Nako papa, mag- aalas syete na. Late na po kayo"
"Ikaw talaga, sige na nga. Mag iingat ka ha, good luck sa interview mo anak"
Nag apir kaming dalawa, palaging namin iyon ginagawa.
"Ingat din po kayo, pa"
Nagpaalam na din si papa kay mama. Isang engineer ang papa ko, malayo ang site nila sa pinag applyan ko kaya hindi na ako nagpahatid.
Si mama naman ay isang midwife. Isa lang ang kotse namin kaya si papa ang gumagamit, kailangan niya kasi iyon.
"Anak, tubig mo oh"
"Thank you, ma"
Ngumiti lang si mama at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay sabay na kaming pumunta ni mama sa sakayan ng jeep, twenty minutes lang ang byahe papunta sa bayan kaya mabilis lang, ang problema kukonte ang jeep na dumadaan, ang tricycle naman ang mahal sumingil.
"Ma, dito na po ako. Update ko nalang po kayo kung anong results ng interview ko"
"Sige anak, ingat ka. Kaya mo yan"
Humalik ako sa pisnge ni mama bago bumaba sa jeep. Napatingala ako sa mataas ng hotel.
Nag apply ako bilang crew sa isang restaurant ng hotel. Nakapagtapos naman ako ng hotel ang management kaya malakas ang loob kong makakapasa ako sa interview.
"Good morning, manong guard!" Masayang bati ko sa guwardya.
"Good morning, ma'am"
"Kuya naman, bakit naman ma'am? Kina lang po manong"
Ngumiti ang guard at nag thumbs up.
"Ano pong sadya niyo rito, Kina?" Tanong ni manong guard.
"Interview ko po ngayon manong, wish me luck" sagot ko.
YOU ARE READING
MY NEIGHBOR, MY LOVER
RandomMay dadating sa buhay natin, na hindi nating magugustuhan pero may ganap pala sya sa buhay mo na ikakapagpabago ng lahat. Sya pala iyong mamahalin mo at sya pala ang dahilan bakit ka masasaktan. Darating ang panahon na masasaktan tayo sa naging part...