"Nasaan na si itay?"
"Nasaan na sila?"
"Anong ginawa mo?"
Ang narinig koMinulat ko ang aking mga mata. Kahit pa man mabigat ang aking ulo at masama ang aking pakiramdam.
Tinaas ko ang aking kaliwa't kanang braso at tinignan ang mga ito upang malaman kung mayroon ba akong sugat. Napansin ko ang iilang mga damit na nakatakip sa aking mga braso at naramdaman ko rin ang isang papel na nakalukot sa aking kamay.Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita ang iba pang mga tao. Nakasuot sila ng iba't-ibang mga damit ngunit hindi sila nakasuot ng mga Rayadillo o mga damit pang-mayaman na madalas kong nakita noong ako'y nasa Maynila pa.
Napansin ko rin ang mga bahay kubo sa kanilang mga likuran. Nakita ko na puno ito ng mga tao ngunit sila lahat ay sugatan din.Matapos ko iyon makita ay tumingin naman ako sa aking kanan. Bigla na lamang ako nakakita ng isang simbolo na sabay nakakabighani at nakakatakot, ang watawat ng Himagsikan.
Hindi ko inakalang makakarating din ako sa wakas sa isang base militar ng Himagsikan matapos ng lahat ng aking dinaraanan. Ngunit, magtatagal lamang ang kasiyahan kong ito ng halos iisang sandali lamang. At doon ko biglang nakita si Sofia, kausap si Raymund.Ngunit, bago pa man ako makatayo at kausapin sina Sofia, bigla na lamang dumating ang isang babaeng manggagamot sa kampo. Sinabi niya:
"Huwag na huwag ka muna tatayo, nakakasama ito sa iyo. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka."Umalis din ang babaeng manggagamot at bumalik sa kanyang gawain. Tinignan ko muli ng mabuti ang aking mga sugat ngunit hindi ko maibangon ang sarili kong ulo para tignan ito ng mabuti.
Bigla na lang narinig ulit si Sofia, at sinabi niyang:
"Bakit hindi sila nakabalik?"
Akala ko na ako ang tinatanong ni Sofia ngunit nang tignan ko ang aking kanan, nakita ko si Raymund pala ang taong kinakausap ni Sofia.
"Anong kinalaman ko doon?" ang tanong ni Raymund
"Pinagtiwalaan kita." ang sagot ni Sofia
"Ano namang magagawa ko?" ang sabi ni Raymund
"Iniwan mo sina Jaime at Itay, ikaw 'yung inatasan ko para tulungan sina Miguel." ang sabi ni Sofia sa isang mataas na tono
"Hindi ko sila iniwan, si Miguel mismo ang dahilan kung bakit pumalpak ang plano." ang sagot ni Raymund
"At sa tingin mo, sino ba 'yung inutil na piniling kumain ng almusal kahit alam niyang alas-nueve na at alas-sais na nakaalis na dapat para tulungan sina Miguel." ang sabi ni Sofia
"Problema mo ba kung nagugutom ako. Mas maganda nga rin na nakakain ako ng almusal." ang sagot ni Raymund
"Kung 'yan lang ang kagustuhan mo habang ika'y naririto, hindi na kita pipigilan pa. Umalis ka na." ang sabi ni Sofia
Matapos sabihin ni Sofia 'yon ay nagsihiwalay ang dalawa. Pumunta si Raymund sa aking kaliwa habang si Sofia naman ay nanatili at tinulungan ang iba't ibang mga tao.Ipinikit ko ang aking mga mata para makapag-hinga...
"Miguel, nasaktan ka ba?" Ang narinig ko sa isang babae na malapit sa akin
Hindi ko alam kung sino ito, at mas hinding-hindi ko bubuksan ang aking mga mata para malaman kung sino 'to. Kung kaya't sinagot ko na lamang ang simpleng: "Sino ka?""Si Sofia ito, Miguel." ang sagot niya
Binuksan ko ang aking mga mata at totoo nga na si Sofia ang naroroon. Ngunit, di ko magalaw ng masyado ang aking katawan kahit pa man ipilit kong i-upo ng matuwid ang aking sarili, kaya't nanatili akong nakahiga."Hindi, hindi naman 'to sobrang sakit." ang sagot ko
"Hindi masakit ang dalawang tama sa kanang balikat mo at sa kaliwang hita mo? Hindi ka na nga makalakad pero ''di daw masakit'" ang sabi ni Sofia
"Oo na, masakit nga. Pero nasaan ba ako napadpad?" ang tanong ko
"Kawit." ang sagot ni Sofia
Nagulat ako dahil hindi ko inakala na talagang nakarating sila sa Kawit.
"Totoo ba?" ang tanong ko
"Oo, totoo." ang sabi ni Sofia
BINABASA MO ANG
El Primer Presidente de Filipinas
Przygodowe[FIL] Si Ethan at ang kanyang barkada ay sumulong sa isang paglalakbay na hindi nila makakalimutan dahil sa isang mumunting tanong: "Sino ang unang pangulo ng Pilipinas?" [ENG] Ethan and his friends venture out to a journey that they will never for...