Panaginip Lang Pala (One-Shot)

401 51 17
                                    

"Aminin mo na kasi you're blushing."

"Hindi kaya."

"Kapag hindi ka umamin, hahalikan talaga kita."

"..................."

He started carresing my cheeks. Pero ngayon, iba na. His other hand is grasping my neck. Papalapit siya ng papalapit.

"Okay. Okay. Oo na. I'm blushing. Masaya ka na?" Tanong ko sakanya

"Hindi. Hindi pa ko masaya. Mas sasaya ako kung hahayaan mo kong halikan kita."

"Ha-ha! Hindi ka na nakakatuwa James. Ano ba pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba talaga?"

A moment of silence. Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Halos limang minuto kaming nagtitigan. His dark brown eyes behind those nerdy glasses never fail to dazzle me. Yung perfect niyang mukha na hindi nakakasawang titigan.

"Anong iniisip mo? Ako ba? O nagdedaydream ka lang?"

"Wala. Wala akong iniisip." Yumuko na lang ako.

Bakit ba ganto? Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya, nakakausap. Pano pa kaya ngayon? Ngayong ang lapit-lapit ko na sakanya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Anong iniisip mo? Kilala kita alam kong may bumabagabag sayo. Pwede mo namang sabihin sakin." Those perfect smile.

"I like you. No! I love you!"

Hindi ako makapaniwalang sinabi ko yun. Sa tagal ng panahon na tinago-tago ko yung pagmamahal ko sakanya nasabi ko na rin. Takot ako. Takot ako na masaktan sa mga sasabihin niya.

"A-ano? Anong sabi mo?"

"I love you. Ang sabi ko Mahal Kita."

"Bakit? Bakit mo ko mahal?" Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Ha? Ewan. Tinatanong pa ba yun? Mahal kita as simple as that. Yan, yung mga mata mo ginayuma ako. Marinig ko lang boses mo kumpleto na araw ko. Yung mga kamay mo na kinuha yung puso. Ngayon na sabi ko na. Why do you think I love you?"

"Tama bang sagutin ulit ng tanong ang isang tanong? Uulitin ko, Why do you love me?"

"Sinabi ko na nga diba."

Arrrggghh! Ginagawa nya to dahil may purpose siya. Alam niyang hindi ako marunong at komportable magsabi ng nararamdaman ko. Arrrggghhh! Naman!

"Mahal kita kasi binago mo ko. Binago mo yung dating ako na walang self-confidence, mahina. Lagi mo kong sinusurprise but I guess I surprised myself. Alam mo bang pagod na pagod na kong magmahal? Hanggang sa makilala kita nawala lahat ng pagod na yun." Huminga ako ng malalim.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit ako nagkakaganto? Hindi ako to. Hindi ako makapaniwala na nagcoconfess ako sa taong mahal ko.

"James, I never knew what love meant until I met you. Until you held my hand and look into my eyes. Ang akala ko sa buong buhay ko pagod na ko, pagod na ko magmahal. Akala ko laro lang ang lahat at sinasadyang matalo at masaktan ako. Akala lang pala yun. Pero binago mo ko. You taught me what love is all about. And its all about me and you. The two of us. Only us!"

Bakit ganun siya? Ni isang word wala akong narinig galing sakanya. Tinitigan nya lang ako. Serves me right? Tanga ko kasi umamin ako kahit alam kong magmumukha lang akong tanga.

"Nadz I'm sorry. Nagsinungaling ako sayo nung sinabi kong gusto kita. Kasi ang totoo never kitang nagustuhan, I never even saw you as my friend."

Unti-unting nagsibagsakan ang luha ko. Traydor talaga tong luha ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit lang. Ngayon pa bang mahal na kita at handa kong igive-up ang lahat para lang sa pag-ibig. Alam mo yun? Yung ilang beses pinagtutusok yung puso ko sa sobrang sakit. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maranasan itong lintek na sakit na to.

Ayoko ng mapahiya ulit. Tinanggal ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Wala akong magagawa kung ayaw niya sakin. Tumakbo ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Kahit saan yung malayo sakanya. Gusto kong makatakas sa putapeteng nararamdaman kong to. Seeing his eyes that makes me dazzle, his long brownish black hair, his perfect face that would only cause me more havoc.

Gusto kong makalimutan tong araw na to. I wish I could fast forward the time. Itong araw na to na nagconfess ako at higit sa lahat nasaktan ako ng sobra-sobra.

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam kung nasan na ako. Pero wala akong pakelam. Ang gusto ko lang mapag-isa ngayon. But then I saw him. The man I dream of! The man who taught me how to love and lastly the man who taught me how to cry.

"Nadz hindi mo pa kasi ako pinapatapos sa sinasabi ko. Please? Makinig ka muna sakin."

He gripped me. Hanggang sa marealize ko na nasa tapat kami ng simbahan. Simbahan kung saan nakilala ko siya. Kung saan kinuha niya ang mga kamay ko. The place where I realized that he's the one.

"Nadz, I never saw you as my friend and I never even liked you. Nung una pa lang na nakita kita may goosebumps na nangyari. Naalala mo pa ba? Dito sa lugar na to una mo kong nakita na malungkot. Haha. Nilapitan mo ko para kausapin ng heart to heart. Pero nung mga panahong kausap kita feeling ko your my old friend way back then. Parang mas kilala mo pa ako kaysa sa sarili ko. From that moment, Mahal na kita. Impossible diba? Pero Love comes unexpectedly. Ayoko nga na umalis ka kaagad kaya kinausap pa kita, nagtanong tanong ako sayo kahit na alam ko yung sagot. Tanga ko ba? Haha. Pero ngayong nag-confess ka na ng feelings mo sakin, alam kong ito na yung pagkakataon ko para mag-confess ng feeling ko sayo." He said while carresing my cheek.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Kung kanina parang timutusok-tusok ngayon buong-buo na ang puso ko. Ang saya sa pakiramdam ng marinig ko lahat ng sinabi niya.

"Nadz, ikaw lang ang mahal kong babae. Sa totoo lang ngayon ko lang naranasan to. Kakaiba ka kasi ikaw lang yung babaeng laging sumasagi sa isip ko kahit minsan hindi ako makatulog dahil sayo. Everything about you make me challenged. The way you laugh, you smile, all of it. You had me gripped. Pero alam mo yung pinakamalala sa lahat? Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Sinubukan kong pigilan tong nararamdaman ko pero hindi ko kaya. Nadz, sayong-sayo lang ako tandaan mo yan. To have and to hold. Forever. Until the end. I love you so much Nadz."

Magsasalita na sana ako kaso bigla nya kong hinalikan pagkatapos niyakap ako ng mahigpit.

This is my happy ending...

Almost...

From that hug, nagising ako. Its seven in the morning. Ang sakit ng ulo ko pero iniisip ko pa rin yung panaginip ko. Panaginip lang pala. I wonder if we have the same dream? Is he awake right now? Pero kahit na paniginip lang ang lahat, nanaginip man siya o hindi. I know my dream will change everything.

------------------------------------------------------
Hi readers! Nagustuhan nyo ba? Yiiiiieeee :"> I dedicated to all of my fellow readers pati sa mga silent readers!

Love lots :* Hope you like it.

Comment. Vote.

Dream (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon