Chapter 30: Stunley
Jeremy's Point Of View
Nang matanggal kona ang NerveGear sa ulo ko, inalis kona din kasunod yung eyeglasses at isinabit sa bulsa ng jacket ko.
"Wow! That was a very fast win, ladies and gentlemen. The Evil$aints clan dominates another battle! As always! It's really incredible. Wala naba talagang kayang tumalo sa hukbong to?"
Lumingon naman ako dun sa direksiyon kung nasaan si Kagiya at napansin kong iling-iling itong tinatanggal ang NerveGear sa ulo niya.
"Good game." Pagkatapos ay napunta naman sa direksiyon ni $even ang tingin ko. Nilahad niya ang palad dun sa isang clanmate ni Kagiya at tinanggap din naman nito at nagpalitan sila ng ngiti.
Ganun din naman ang ginawa nung iba at pagkatapos ay si Kagiya lamang ang hindi lumapit sakin habang yung apat kong kasama ay kinamayan naman niya.
Kaya't nung sandaling bababa na ito ay kaagad ko din naman itong tinawag at pinigilan. Nasa bandang bukana na kami ngayon ng back stage dahil dito lalabas si Kagiya.
"What is it?" Tanong niya at hinarap ako. "You won already. Ano pa bang gusto mo?"
Mukhang galit siya. Well, it's clearly understandable naman.
Hindi nalang din ako nakapagsalita pa dahil nga mukhang hindi na siya magiging matinong makausap sa lagay nayun kaya't hinayaan kona lang din siyang tuluyang makaalis.
Nung sandaling makabalik na ako sa waiting room ay kaagad din naman yung napansin ni $even. "So how did it goes?" Tanong niya na agad ko din namang ikinagulat. Nakita ba niya akong sumunod kay Kagiya kanina?
"Napansin mo pala yun." Saad ko naman at naupo sa chair na katabi niya.
"Hindi lang ako ang nakapansin nun dahil lahat kami nakita kang hinahabol si Kagiya kanina dun sa banda na ng backstage." Sagot din naman ni $even ulit.
So, I created a little scene i guess. Nakakahiya naman yun. Kung sakaling napansin din nila na inignora ako ni Kagiya malamang mas lalo talaga akong mahihiya dun.
"By the way, sino naba ang susunod na maglalaban na clans ngayon?" Napalingon ako kay Eerie nang sabihin niya yun.
"It's definitely the Demonward versus the RedSoul clan." Sagot din naman ni Eerie habang kanina pa nagso scroll sa phone ng screen niya. "Kahit na talo na sila, kailangan pa rin nilang maglaban for the last time para i-settle kung sino sa kanila ang magiging 3rd and 2nd placer sa Summer cup tournament nato."
That's true.
"Pagkatapos nun malamang championship match na. Hay naku, nakakamatay na kaba na naman to!" Komento naman ni Edrin at napangiti naman si Red habang napapatango sina Elfin at Hans.
"Kahit na malakas ang clan members natin, imposible pa rin sakin ang isiping nakaabot pa rin tayo sa climax ng tournament nato." Saad naman ni Reji. "Sayang nga lang at hindi ako masyadong nakapagbigay ng tulong para sa bagay nato."
Dahil dun ay mabilis din naman siyang kinurot ni Eerie sa pisnge niya na agad din naman nitong ikinagulat.
"It's part of the seniors of this clan to take that great responsibility the most. Kapag kayo din naman maging senior members at may bagong members nadin tayo, kailangan nyo talagang gawin din yun para naman sa kanila at sa clan." Paliwanag ni Eerie rito. "So cheer up and just watch us dominate this championship once more."
"Hindi..." Kaagad ko din namang sunod na saad kaya't gulat at litong napatingin sakin silang lahat. "...we need the junior members strength this time para manalo tayo."
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasíaThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...