CHAPTER 41
Ara's POV
1 week.
2 weeks.
3 weeks...
And finally... Sunday na ngayon. Tomorrow, chill chill na lang. One week vacation tho!
How are we?!
Fine! Super fine! As in fine!!!
Sobrang saya lang ng feeling na worth it lahat. Lahat ng pakikinig sa seminar though napakaboring. Worth it lahat... Lahat ng pag-eexplain sa maraming tao about sa Unix. Worth it.
They accepted it.
Commercially, they will offer Unix into the market soon... Officially....Officially, Philippine brand na ng kotse ang Unix. At ang saya saya ko lang na part kami sa success nito. Nagkaron ng public offering kanina. And gosh, sa almost 27 new brands, top 2 ang unix sa pinakamaraming bid.
Magandang balita ito para sa kumpanya. Kasi success! We succeeded our mission here.
Finally! Finally nasuklian na lahat ng dugo at pawis na binuhos nila Daddy, Tito Manuel at ni Tito Fred sa Unix. Finally, natupad na ng UNIX ang prime objective nito. Ang makilala sa buong mundo.
Finally!
Kaya naman walang pagsidlan ang kasiyahan namen nila Mika, kuya Lucas at Shiela sa achievement na ito, na kami, personally ang naging major medium para makamit ng Unix.
Thanks God. Super thankie.
I just can't imagine na ako, as in ako na walang kapakipakialam sa Unix before, ay magiging part ng success nito sa ngayon. Ng greatest success nito. Sa generation namen. This, indeed ang pinakamalaking achievement ko sa buhay ko.
Again. I want to thank you God. All for you. I love you. Hehe.
Anyways, nakapagcelebrate na naman kami nila Mika last night, konting kasiyahan, konting party party, at konting inom... Yes. Uminom kami, konti lang. Actually, hindi nga ako nakainom, dahil itong babaeng kasama ko ngayon aysus! Makapagparty lang, akala yata simpleng inumin lang yung iniinom kung makashot. Though shot glass lang lakas kaya ng tama nun. So ayun, medj plakda kagabi...
And.... as usual...
Nakayakap na naman po ang Moo ko sa akin kagabi... Siyempre... Da moves din yun... I-I mean ano.... diba kasi, siya naman may gusto... Di naman chancing yun diba? Diba?!
This past few days, ok naman kami, nagwowork naman ang plano. Yeah, mukhang napapaniwala naman namen sila up until now na ito, going strong kami.
Hindi na din naman kasi kami nahihirapang magpanggap kasi obviously, we're kinda enjoying it. Enjoying it in a sense na parang natural lang naman yung ginagawa namen, though yung mga akbayan moments eh kelangan talagang pilitin at artihin, other that follows, very innate na lang.
Maybe we're getting used to it that's why.
Speaking of the angel....este ...basta si Mika...
Ayan na, sa wakas nagising na din. At as usual, gaya ng inaasahan ko, masakit ang ulo niya. Kailangan ko bang itanong? Eh nakahawak na po siya sa ulo niya at halos hindi na maipinta ang mukha.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa ...
"Anong nakakatawa?" Pagsusungit nito habang nakahawak pa din sa ulo.
"Good morning din" nakangiting bati ko habang nagtitimpla ng kape for me, at ng orange juice for her. Effective to I know, subok ko na. Hahaha!
"Awww!" Sabi nito habang nakasapo pa din sa ulo at umupo sa upuan saka nagpangalumbaba. "Sakit" maiyak iyak na sabi nito.
BINABASA MO ANG
MEET MY PSEUDOLOVE (Ara Galang and Mika Reyes)
FanfictionPaano mo aaminin sa sarili mo na siya na talaga, yung taliwas siya sa pinapangarap mo? Paano mo masasabing siya na kung halos hindi nga kayo magkasundo? Siya ba ang pipiliin mo na, the one that you false to love, or that someone you used to loved f...