Matapos ang pangyayari na yun ay dito na ako tumigil sa Tondo kasama sina Tita Lira,nakakalungkot lang dahil wala dito yung Astrid na nag papangiti sayo tuwing umaga,yung mga tawang kahit kailan hindi mo kayang burahin sakanya.Gusto kona syang puntahan pero wala akong sapat na pera para umuwi at kunin sya kay Mama.
Minsan nahihirapan din ako sa trabaho ko dahil malayo eto sa pinapasukan ko,sinabi ko din kay Tita Bea ang nangyari sakin gusto nya akong patirahin sa bahay nila pero hindi ako pumayag dahil nakakahiya na sakanila.Ang laki na ng tulong nila sakin tapos dun pa ako titira.Si Jasmine ayun sinabi nya kay Chester na nandito ako sa Tondo,dahil dun ay pumupunta na sya dito kasama si Jasmine para bisitahin ako.
Masaya ako dahil kahit malayo ako sakanila hindi parin nila ako nalilimutan,inaalala parin nila ako.Minsan pinatanong ko rin kay Chester si Astrid ang sabi naman ng kapatid nito ay okay naman daw sya pero minsan nalang daw ito ngumiti sa mga tao at kaibigan nya.
Dahil sa nalaman ko parang gusto konang puntahan si Astrid,gusto konang yakapin sya,tabihan sa pag tulog..Pero hindi ko kaya dahil alam kong magagalit sya sakin,at ayokong makita yun.
"Okay kana ba talaga hija?" Tanong sakin ni Tita Bea na may pag-alala sa muka.
"Opo,okay na po.." I fake smiled to her.
"Maaga kitang papauwiin mamaya,dahil bukas nang madaling araw ang alis ng anak ko papuntang amerika..,"sabay tapik nya sa balikat ko,"sayang hindi kayo nagkita."
"Okay lang po yun Tita Bea,madami pa naman pong araw para magkita kami ng anak nyo,ingat po sya sa flight nya."
"Vi!" Sabay kaming napalingon ni Tita Bea sa paparating na Chester.
"Ang ingay talaga ng pamangkin ko.." Reklamo ni Tita Bea,sabay alis sa tabi ko.
"Vi..." Pagtawag ulit ni Chester sa pangalan ko.
"Po?" Patanong kong sagot.
"Aalis na ang pinsan ko..." Naiiyak nyang sambit.
"Hey,don't cry..." Sabay tapik ko sakanya,agad nya akong hinila para yakapin ako.
"Parehas na kayong malayo sakin.." Pabulong nyang saad,agad naman akong napatigil dahil ramdam kong nasasaktan na si Chester.
"Kakayanin naman diba?Kakayanin naman natin diba?So don't worry okay?Anjan lang naman ako..Andito lang ako.."
Agad syang bumitaw at tumingin sa mga mata ko,agad akong nakaramdam ng init sa muka dahil sa lapit nya sakin.
"I know..Pero mas masarap parin sa feeling yung kasama ang mahal mo.."
Matapos sabihin ni Chester nun ay natamaan ako sa sinabi nya,tama nga sya..
"Ingat ka hija.." Paalam sakin ni Tita Bea,agad naman lumapit sakin si Chester at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Take care Vi..Sakin lang ang tingin wag sa iba." Sabay halik nya sa noo ko,i smiled at niyakap sya ng mahigpit.
Magiging busy narin kase si Chester ngayon dahil kailangan daw muna nyang mag focus sa pag aaral,para sa nalalapit nyang exam.
"I-pasa mo ang exam mo Ches.."
"Pano kung hindi?Pano pag kahit anong aral ko wala parin?" Malungkot nyang saad.
"Oh tingnan mo nag o-overthink na naman,pag nakapasa ka sasagutin nakita pero pag hindi..Hinding-hindi nakita kakausapin.." Pananakot ko sakanya.
"Syempre ipapasa ko!Mapunta ka lang sakin." Sabay wink nya,agad akong natawa at hinampas sya sa braso.
"Good to hear that..Good luck Chester Neil!!"
Pagkatapos nun ay agad na akong pumunta sa sakayan ng bus para umuwi,sa tagal ng byahe ay nakaidlip na ako.Nagising lang ako nang may mag tapik sa pisngi ko..Agad akong napaatras dahil sa gulat ng makitang si Hasher ang katabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko,sya ang kaibigan ni Chester hindi ko lang sure kung totoo nga.
"Baba na.." Walang emosyon nyang saad,hindi nya pinansin ang sinabi ko at agad na bumaba.
Isang malakas na hangin ang tumama sakin sanay na ako sa ganito,dahil nga ilang oras ang byahe papunta sa Store ni Tita Bea umuuwi na ako ng hating gabi.
Hindi ko alam kung bakit andito si Hasher siguro may bahay din sila dito,nauna na akong maglakad sakanya at hindi na sya pinansin.Binagalan ko lang ang lakad ko dahil ine-enjoy ko ang tahimik na daan at ang buwan na nag bibigay liwanag sa daanan ko.
Agad naman akong napatigil nang biglang hinablot ang braso ko at madiin akong niyakap,hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat.
"Hasher.." Pagtawag ko sa pangalan nya,hindi ko alam kung ano tong nararamdam ko pero na miss ko 'tong yakap na 'to sobra.Kahit hindi ko alam kung ano ko sya sa buhay ko..
Agad akong pumikit at niyakap sya pabalik..Hindi ko alam pero nasasaktan ako ngayon dahil feeling ko aalis na naman sya sakin,iiwan na naman nya ako,at lalayo na ulit sya sakin.Hindi ko alam tong nararamdaman ko.
"Sino kaba talaga?.." Nanghihina kong saad.
"Ganito muna tayo..Kahit ilang minuto lang please..Dahil pagkatapos nito malalayo na naman ulit ako sayo.."
Dahil sa sinabi nya parang ayoko nang bitawan pa sya..Ano bang nangyayari sayo Vien?Bakit ganito ka?Hindi magugustuhan ni Chester ang ginagawa mo.
Gusto ko na syang itulak pa palayo sakin pero ayaw ng puso ko,parang mas gugustuhin pa ng puso ko dito sa tabi nya kesa sa iba.
Pagkatapos ng ilang minuto naming pag yayakapan ay umupo muna kami sa kalsada at sabay tumingala sa kalangitan.Nakikita ko ulit rito ang half moon at isang maliwanag na bituwin na lagi kong nakikita sa tuwing maglalakad ako tuwing gabi.
Bigla kong binaba ang tingin ko sa lalaking katabi ko,bakit nakikita ko sakanya si Tonton?Bakit parang umuulit na naman yung sakit na iiwan ulit ako ni Tonton?
"Si Tonton kaba?" Wala sa sarili kong tanong,agad naman syang tumingin sakin na may ngiti sa labi.
"Ikaw lang ang makakasagot nyan Czereena.."
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi nya,dahil pilit ko paring pinapasok sa isip ko kung sino ba talaga sya..
"Let's look at the moon together Czereena,hanggang sa dumating ang oras ng aking paglisan."
Parang piniga ang puso ko nang sabihin nya yun,dahil yun din ang sinabi sakin ni Tonton nung gabing nasa labas kami dahil kinabukasan nun ay aalis na sya..
"P-please don't say that.." Naiiyak kong sambit.
Agad syang lumapit sakin at pinatingala ako,gamit ang hinlalaki nya ay pinunasan nya ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.
"Nasasaktan ako..Nasasaktan ako sa tuwing nakikita-kitang umiiyak,please kahit ngayon lang..Kahit bago ako umalis walang luhang pumapatak sa maganda mong muka.."
Dahan-dahan naman akong tumango dahil sa ganda ng mga mata nya,at dahil rin nakikita ko rin dun ang taong una kong minahal..
Saktong 12:51 ay dun nya ako hinalikan,alam kong mali 'to..Sobrang mali 'to pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi tumugon dahil lahat ng alala namin ni Tonton nung nakaraan ay bumabalik ngayon..Kasabay nun ang mga luhang dahang-dahang pumapatak sa pisngi ko.
Dahil sa ginagawa nya dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko,yung bawat dikit ng balat nya sakin..Parang ayoko nang umalis sa tabi nya.Agad syang humiwalay at pinagdikit ang mga noo naming dalawa.
"Let's meet again Czereena,sana pag nagkita ulit tayo kilala muna ako.."
BINABASA MO ANG
That Night(That Series #1)
RomanceThat Series #1 COMPLETED Vien,Isang matapang,mabait,masipag at mapagmahal na kapatid ngunit kailangan nyang gampanan ang mga pagsubok sa buhay.Sa dami ng iniisip nya ay nagawa parin nyang mag mahal..Pero pa'no kung hindi lang pala sya ang nag mamaha...