three

1 0 0
                                    

"Misha, saan tayo pagkatapos ng school?" Tanong ni Regatta sakin habang nasa canteen kami ngayon. Lunch time na kasi napili naming kumain nalang sa school kesa sa labas. Ang init kaya!

"I don't know...sa bahay? grounded parin kasi ako." Nakangusong sagot ko sa kanya habang iniikot ko yung tinidor ko sa pasta ko.

"Takas ka kaya uli?" Anak ng- demonyang to! Ang hirap kaya tumakas ngayon! Sigurado akong papagalitan na naman ako ni ate... At ni Zyair.

"Sige sa bahay niyo nalang. Nood tayo kdrama or Netflix! You know Netflix and chill kasi wala naman tayong jowang pwedeng ka cuddle." Napasimangot pa siya pagkatapos niyang magmaktol. Tsk. Edi kami na single. Pero seryoso namimiss ko na magka-boyfriend.

"Mag hanap kaya ulit ako ng boyfriend? It's been 2 weeks or a month naman siguro bago kami nag break ni Lucas?"

"Duhh! Where's the 3 months rule, Misha?! Ano? Diba nga advice sayo ni Zyair na wag ka munang mag boyfriend kasi daw distractions?" Kinwento ko sa kanya yung pag-uusap namin ni Zyair last week noong hinatid niya ko kaya ayan alam na niya.

"I won't take his advice Reg. Ano naman sa kanya kung mag boyfriend ako? Alam ko naman limitations ko. " Tsaka hindi rin naman ako nagseseryoso. I'm just ahmm... bored?

"Baka naman...gusto mo lang siyang galitin para parati mo siyang nakikita." Taas-baba pa yung kilay niya habang papalapit ang mukha niya sakin. Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain. Duhh! As if! Naiirita nga ako sa pagmumukha ng lalaking yun eh!

Well hindi naman siya ganun sakin dati pero nagbago yun ng malaman niyang may gusto ako sa kanya...pero hindi na ngayon. Naging mas strikto siya sakin at parang kinasusuklaman na niya ko pero kahit naman ganun parati rin naman niya akong pinakikialaman.

Nang matapos ang Lunch Break ay dumiretso na kami sa next class ko, papasok pa lang kami ni Reg sa room namin ng makita naming may kumakaway sa malayo.

"Misha!Reg!" Sigaw ni Stephen sa malayo. He's also our Friend but he's from STEM kaya hindi namin siya masyadong nakakasama. He's the best definition of Tall, Dark and Handsome tsaka pwede narin siyang maging long lost brother ni Einstein. Matalino eh!

Tumatakbo siyang papalapit samin habang may malaking ngiti sa mga labi. Hays, gwapo rin to eh! Kaso kaibigan Kaya hindi pwedeng jowain.

"Tapos na kayong kumain?" Tanong niya samin habang hindi parin nawawala ang mga ngiti niya. Tumango nalang kami ni Reg kaya napanguso nalang siya.

"Ano ba yan! Mga Traydor kayo! Hindi niyo man lang ako hinintay!"

"Duh! Wag kami Stephen! Pag hinintay ka namin siguro mamamatay kami sa gutom ni Misha." Sagot naman ni Regatta sa tabi ko. Napakamot naman sa ulo si Stephen. Minsan kasi hindi yan kumakain ng Lunch dahil busy sa pag- aaral.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FascinatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon