Ang Lihim na Prinsipe

168 2 0
                                    

Naamoy mo ang halimuyak ng mabangong bulaklak. Ito ay napupunta sa hangin. Kumakalat ang halimuyak hanggang sa hindi mo na ito maamoy. Hanggang sa mamatay ang bulaklak, Ang halimuyak ay nanatiling nakakalat sa hangin. Sa hangin na walang amoy.

Ang Lihim na Prinsipe

 May mga araw na may tinawag na lihim na prinsipe. Sa mga oras na ito hindi siya magiging lihim. Usang araw ay nabuhay siya bilang munting prinsipe. Sinayawan ng kakaibang kapalaran. Sa mga paglalakbay ay may na kilalang iba’t ibang uri ng nilalang. Isang matalinong bata, isang alien at isang tinatawag niyang idol. Yung matalinong bata ay di nauubusan ng tanong, yung alien naman pakiramdam nya iba siya sa lahat ng nilalang sa universe at yung idol naman ay masyadong balanse sa mga bagay sa mundo. Ikalawang araw, may natutunan ang prinsipe sa batang matalino. Ikatlong araw, may natutunan ang prinsepe sa alien. Ikaapat na araw, may natutunan ang prinsipe sa kanyang idol. Ikalimang araw, tinawag siyang lihim. Ikaanim na araw, natulog ang lihim na prinsipe. May naiwan na liham ang lihim na prinsipe. Isang liham na di sa kaniya galing ngunit ito ay sumalamin sa isang masalimuot na buhay.

“Ano ang sentro ng kalawakan?”

        Mayroon akong tatlong bagay na natutunan. Una, ako, ikaw at sila ay mga sentro ng kalawakan. Pangalawa, ako, ikaw at sila ay pawang magkakaiba dahil tayo ay magkakaibang kalawakan. Pangatlo, ako, ikaw at sila - bilang mga kalawakan ay magkakatulad kahit maraming sentro dahil maraming kalawakan. Maaring mawala ako ngunit di talaga ako tunay na mawawala. Ako ay magiging parte ninyo. Isang parte kung saan tayong mga kalawakan ay may pagkakatulad. At ayon ang pinaka magandang bagay na nalaman ko bago ako mawala. Dahil doon, ako ay hindi magiging lihim.

Unang Araw; Ang Muting Prinsipe ay naging Lihim

Sa isang bahay na may kalumaan ay may isang munting prinsipe. Ang kanyang silid ay di tulad ng sa isang palasyo. Walang maningning na ilaw, sariwang bulaklak at malawak na bintana. Sa kanyang silid ay may tinatawag na malamig na hangin.

Tuwing gabi, kaniyang binubuksan ang isang lampara. Nakaupo sa isang upuan, nakikinig sa musika habang isinusulat ang kaniyang damdamin.

“Sa bahay na may kalumaan, may malamig na hangin na pumapasok sa aking mga mata. Walang bintana ngunit may malamig na hangin. Walang bulaklak pero may halimuyak. Walang mang maningning na ilaw ngunit may isang lampara. Sa aking silid, wala ding pinto kaya nananatili itong bukas. Dahil wala akong bintana, di ko natatanaw ang katotohanan. Ang mga bagay na aking pinaniwalaan ay mga iginuhit kong bagay sa mga haligi ng silid. Malamig ang sahig para sa mga taong nasa itaas at ako ay madalas na nasa sahig. Ako ay lagging naiiwan kasama ng malamig na hangin.”

Ang munting prinsipe ay hindi nagtataka. Hindi nagtatanong. Hindi nga ba din ba nasasaktan? Isang araw, dumating ang mga bisita na galing sa malalayong lugar at galing sa malalyong panahon.

Matapos ang isang araw ay nagsulat ulit ang munting prinsipe.

“Umalis na ang aking mga panauhin. Akala ko ay magtatagal sila sa aking silid. Bawat isa ay nagpaalam dala ang ilang bagay na mahahalaga sa akin. Ako ngayon ay nasa sahig na lamang. Wala man ang aking lampara ngayon, maliwanag pa din ang aking nakikita. Tahimik man ang gabi, ito ay isa pa ding uri ng musika. Sa aking mga bisita nawa’y ingatan ninyo ang aking upuan, lampara at musika. Ang pintuan ko’y mananatiling bukas at ako’y mananatili sa aking silid hanggang sa inyong pagbabalik. Sana dumating ang araw na ang malamig na hangin nama’y sa akin ang kuhain.”

Nang gabing iyon ay tumunog ang kampana sa malayong panahon. Ang tunog ay naging sanhi para malaglag ang ibang bituin na nakadikit sa kalangitan. Nasaksihan ito ng munting prinsipe sa kaniyang bintana na kasing liit ng kahon ng posporo. Isa, sampu, isang daan, isang libo at di mabilang na mga bituin ang nawala sa kalangitan. Ang kadiliman ay nangibabaw at ang malamig na hangin ay unti unting nawala. Sa kaniyang pintuan ay pumasok ang mas mainit na hangin na bumubulong.

Ang Lihim Na PrinsipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon