The Guy on TV
(Prologue)
Its over..
Bakit mo pa ipagpipilitan ang isang bagay kung alam mo nang matagal nang tapos ang lahat. Matagal nang naisara ang mga pahina at tanging ikaw na lang ang nakakaalala. Ikaw na lang mag isang ngumingiti at nalulungkot sa mga pangyayari noon.
History repeats itself.
Ayan, ngayon nakahanap ka ng kakampi. Sasabihin mong tadhana na ang naglalapit sa inyong dalawa..
Nakalimutan mo ata na kaya ka pumunta sa lugar na yun dahil sa nabasa mong post niya na pupunta siya dun. At alam mo rin ang eksaktong lokasyon niya dahil sa entrance palang inabangan mo na siya. Incognito effect ka pa, nagfefeeling member ng C.I.A.
Kunwari magugulat ka kasi magkatabi ang table niyong dalawa. Ayan na ang walang kamatayang "What a coincidence!" kunwari balewala lang ang presence niya pero pinag aaralan mo ang reaction niya sa muli niyong pagkikita.
Bakit? Kasi nag aassume ka pa na baka di pa siya nakamove on, despite the fact halos walang araw na hindi niya pinost sa fb at twitter kung gaano niya kamahal ang present niya ngayon.
Ngayon, ayan medyo naoffend ka kasi dineretso ka niya na hindi siya at ease na magkasama kayo. Mind you, its not because hindi pa siya nakakamove on ayaw niya lang maging cause pa ito ng mis understanding nila ng bago niya ngayon...
Pero, iba ang nasa isip mo.. Para sayo It could the chance you'd been longing for.. Na muling maibalik ang nakaraan, na muling mabuksan ang mga pahinang naisara ng di inaasahan.
Sabi mo sa sarili mo...
"Its all or nothing"
Naramdaman mo ang pagtayo niya..
Maya-maya ay nakita mo siyang palabas na ng pinto..
Hindi ka papayag na mawawala ang chance na ito. Tumayo ka at patakbong humabol sa kanya. Wala kang pake kahit pa naka 6 inches steletto ka with matching skinny dress. Hinanap mo siya.. Mabilis ang bawat hakbang niyang tinatalunton ang pasilyong yun.
Finally, naabutan mo siya sa gitnang bahagi ng lugar na yun. Wala ka nang pakialam, ang yung mata ay puno ng luha..
Maraming tao, linggo kasi at premiere pa ng Diary ng Panget kaya nagkalat ang mga out this world teens na sabik na sabik mapanuod yung nabasa na nila.
Tinawag mo siya. Di ka niya narinig, maingay kasi.. Sumigaw ka.. Napatingin sayo ang karamihan, pero di siya lumingon, maaring sa mga oras na yun ay gusto niya nang matunaw sa hiya sa pinag gagawa mo.
Tumakbo ka...
Naabutan mo siya...
This is it! Hindi mo na mapapalampas pa ang sandaling ito..
Mula sa likod ay niyakap mo siya ng sobrang higpit. Nakasandal ang yung ulo sa kanyang likod habang impit na humihikbi. Humihingi ng tawad, sinabi mo sa kanya na pinagsisihan mo na ang lahat at handa kang magbago para sa kanya dahil sobrang mahal mo siya... Ngunit nananatili siyang nakatalikod. Hindi lumilingon... Naramdaman mong dumadami ang taong nakapaligid at may nakikita kang flash ng camera sa paligid. Ngunit wala kang pakealam, maya-maya ay naramdaman mo ang pag galaw niya at unti unting pag alis ang kamay mo sa pagkakayakap niya...
Tila slow motion...
Dahan dahan siyang pumihit paharap. Nanatili kang nakayuko. Narinig mo ang malakas na hiyawan sa paligid, ngunit ayaw mong tumingin..
"Miss, are you okay? You might be mistaken me to someone else"
Narinig mong mga salita. Magugulat ka, ibang boses ang naririnig mo, slang.
Unti unti ay rumerehistro ang mgaboses sa paligid mo..
Sino siya!?
I'm sure hindi siya si Nadine Lustre! Duh, hindi siya mukhang artista!
Di sa kanya bagay suot niya!
Teka, kilala ko siya! Schoolmate ko siya dati!
Talaga??
Magtataka ka...
Slow motion uli.. Mapapatingin ka sa kaharap mo ngayon..
Medyo nanlalabo ang mata mo, kumalat kasi yung mascara hindi siya waterproof.
Unti unti ay lilinaw ang paningin mo.
Freeze!
Yan... Stock up ang mukha mo sa sobrang gulat.
Maya maya ay mararamdaman mong mandidilim ang paningin mo. Hanggang tila nanikip ang paghinga mo at nanlambot ang mga tuhod. Bago ka pa tuluyang lamunin ng kadiliman, muli mong natunghayan ang mukha ng nilalang na isang iglap ay magpapabago ng iyong kapalaran!