Part 1

8 2 1
                                    

"Students, please be quite!" sigaw ni Ms. Tuazon, agad naman kaming napa ayos lahat dahil sa lakas ng boses nito. Nilingon ko si Aya na ngayo'y naka ngisi, napangisi rin ako nang makita ko ang mukha niyang pulang pula.

"Ms. Perez, Ms. Aranda. Is there something funny?" aniya, mahina lang ito pero may riin sa kanyang boses. Natigilan kaming dalawa sa pag tawa, halos lahat ay napatingin sa aming dalawa ni Aya. Napa iling na lamang kami sa takot.

"Ok, so this following week will be challenging for you guys. So better be prepared for the exams." napa singhal ang lahat sa kanyang anunsyo. Nakita ko si Aya na napakamot na lamang ng ulo.

"Are we clear?" dagdag niya.

"Yes ma'am!" sagot ng lahat sa kanya.

Pag sapit ng aming breaktime ay nag tungo kami ni Aya sa canteen para bumili ng makakain. Wednesday ngayon kaya ang daming estudyante sa loob nito, nagtungo kami sa dulo ng linya para pumila. Mabilis lang umusad ang pila kaya naka bili kami agad. Habang naghahanap kami ng lamesa ay nakita namin si Clyde at Nate na lumalamon—este kumakain.

"Hoy!" sambit ni Aya sabay batok kay Nate na akmang kakagat pa lamang sa kanyang sandwich. Napatingin ito ng masama sa kanya.

"Ang galing, masaya ka dyan Aya?" inis na sabi nito, napangisi na lamang si Aya nang makita ang mayonnaise na nagkalat sa bibig niya.

"Hayaan mo na, gwapo ka pa rin naman Nathaniel. Baka crush ka lang ni Aya kaya niya ginagawa yan sayo," pang-aasar ni Clyde sa kanya, tumingin naman ng masama sa kanya si Aya. Childhood bestfriend ni Aya ang magpinsan na si Clyde at Nate, so saling gitgit lang talaga ko sa kanila joke, nakilala ko sila nung elementary ako, si Clyde talaga una kong naging close sa kanila. Ewan ko kung bat naging best friend ko tong si Aya (charot)

"Ready na ba kayo for midterms?" sambit ko pagka-upo namin, napalitan naman ng pagka-dismaya ang kanilang mga mukha, si Nate ay parang walang alam sa sinasabi ko.

"Midterm?" aniya.

"Ayan, tulog pa Nate. Susumbong talaga kita kay tita pag mababa nanaman ang mga grades mo." sambit ni Aya. Arts and Design ang kinuha naming strand kaya hindi pwedeng mag pa-petiks petiks lalo na't halos lahat ng mga professors namin ay mahigpit tuwing exams.

Ang kasunod na subject namin ay yun na rin ang huli kaya naman masaya ang lahat dahil malapit nang mag-uwian. Nang matapos na ang huling klase namin kanya kanyang ayos ng mga bag ang lahat, pagka labas namin ng aming eskwelahan ay nag watak watak na kami patungo sa aming sariling direksyon, dumaan muna ko sa mall na katapat lang nito, kailangan ko kasing bumili ng bagong paint brush naluma na kasi yung ginagamit ko. Nang makarating ako sa store, dali dali akong nagtungo sa paint section, pagtingin ko rito ay nakita kong isa na lamang ang natitirang set nito, nang akmang kukunin ko na ito ay may biglang humablot dito.

"Oy ako nauna diyan!" reklamo ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Sorry, but I touched it first," aniya at iwinagayway ito sa ere na para bang nang-aasar, hindi ko siya mamukhaan gawa nang naka cap at mask siya pero base sa kanyang postura ay gwapo ito, ang kanyang suot ay tulad ng mga suot ng mga kpop idols na napapanood ko sa TV.

"Kitang kita naman na ako unang lumapit eh." tugon ko.

"Ibibigay ko to in one condition," inangat nito ang kanyang ulo na parang nagyayabang.

"Himasin mo yung ulo ng nasa harap mo." aniya na parang natatawa, tinignan ko ulit siya ng masama. Pano ba naman eh kalbo yung nasa harapan ko, kung hindi lang ito ma-ooffend gagawin ko talaga yun.

Yours, OliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon