AFTER 2 YEARS...
"Ms. Lim, ready na po yung sasakyan" Usap ng Secretary ni Mikha kaya agad naman niyang sinuot ang coat niya at lumabas na ng opisina niya. Agad naman sumunod sa kaniya ang secretary niya para irecite ang sched ang magiging takbo ng buong araw ni Mikha at kung ano ang dapat nilang matapos sa araw na 'yon.
Mula kasi ng maaksidente si Mikha ay ang ulo niya ang lubhang napuruhan kaya naman pag gising niya pagtapos ng anim na buwan na pagkakahiga sa kama ay wala na siya halos maalala na bago lang sa memorya niya. Ang tanging naaalala na lang niya ay nag piloto na siya at nagdurusa pa rin siya sa kasalanan na buong buhay niyang dinala. Kaya laking gulat na laman niya ng makita niyang dumalaw sa kaniya ang asawa ng dating katrabaho ng daddy niya.
"Tita Amanda?" Gulat niyang sabi ng makita ang asawa ng taong namatay dahil sa pagiging selfish niya. Ngumiti lang naman ito at nilapag sa side table ang mga prutas na dala nito.
"Ako nga, Janna. Masaya akong gising ka na ngayon" Sabi pa ni Amanda habang hawak hawak na ang kamay ni Mikha. Taka naman nakatingin pa rin sa kaniya si Mikha ng biglang sumakit ang ulo niya.
"Huwag mong pwersahin ang sarili mong makaalala, basta ang masasabi ko lang sayo ngayon, nagkapatawaran na tayong lahat bago pa mangyari itong aksidente mo" Nakangiting usap ni Amanda sa dalaga, agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Mikha.
"Sorry ho, ulit" Paghingi niya ulit ng paumanhin, maya maya lang ay nagsidatingan na ang lahat ng kaibigan niya pati na rin ang buong pamilya ni Akira at Maloi na kasama ang Mommy niya.
"Oh kiss niyo na tita idol niyo" Biglang usap ni Akira sa mga bata kasama ang inaanak nito na pamangkin ni Mikha. Agad naman nagsisampahan ang mga bata sa kama nito at dahan dahan na humalik sa pisnge nito.
"Hindi mo na ako naaalala?" Nakangiting tanong ni Akira sa dalaga, umiling naman ang dalaga at tinignan ang mga kaibigan.
"Sila, naaalala ko, kaibigan ko sila at sila naman, pamilya ko sila" Usap pa ni Mikha at tinuturo ang mga ito.
"Ako si Akira, Kuya Aki" Nakangiting pakilala ni Akira sa dalaga, gulat naman napatingin sa kaniya si Mikha.
"Totoo ngang napatawad niyo na talaga ako? Dahil hindi naman kayo pupunta dito para dalawin ako kung hindi?" Taka pa rin tanong niya sa mga ito. Tumango na laman sila.
"Kung ganon, nasaan si Maya?" Tanong niya sa Tita Amanda niya. Maya= short for maraiah.
"May pamilya na siya sa abroad e" Sagot ni Akira sa dalaga, agad naman siya kinurot ni Gwen sa tagiliran
"Bawal pang pwersahin ang utak niyan" Gigil na usap nito sa asawa niya. Napatango na lang naman si Mikha sa pag aakalang napatawad na rin siya nito kagaya ng ibang miyembro ng pamilya.
"Tol? Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Colet at lumapit sa kaibigan.
"Oo nga, Lim. Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Sheena at niyakap mula sa likod si Colet, tinaas naman ni Mikha ang isang kilay niya habang nakangiti dahil sa pagtataka.
"Mag iisang taon na kami nitong si Vergara, hindi mo lang naaalala kasi ilan buwan pa lang ang nakakalipas noon naging kami" Nakangiting usap ni Sheena sa dalaga.
"Wait ibig sabihin hindi niya naaalala si ————
"Ano ba naman tong hospital natin, Jhoana! malamok" Usap ni Stacey matapos sampalin ang bibig ni Colet para pigilan ang kaibigan.
"Dahan dahan lang pwede niyong ipakilala pero wag ganon kabilis baka mapahamak si Mikha" Bulong ni Jhoana kay Colet at Sheena. Tumango lang naman ang dalawa at nilabas ni Colet ang cellphone niya.
"Nga pala, ito tol, naaalala mo ba siya? ito pa?" Tanong ni Colet habang tinuturo si Aiah na lagi niyang katabi sa picture nilang lahat.
"Ang ganda niya" Nasabi na lamang ni Mikha habang nakantingin sa litrato ni Aiah. Na siyang naging dahilan ng pag ngiti ng lahat ng tao na nasa kwarto niya.
"Hindi naman halatang nafall ka kaagad sa kaniya, ang layo ng sagot mo e" Asar pa ni Sheena sa kaibigan.
"Kaibigan ba natin yan? I mean, sorry kasi hindi ko talaga siya maalala e" Nag aalalang usap ni Mikha habang tinignan isa isa ang mga kaibigan niya
"Namin, kaibigan namin" Sagot ni Sheena sa dalaga, taka naman napatingin si Mikha sa kaibigan
"I mean, kaibigan ko na pinakilala ko sa inyo nung nag Siargao tayo non, kaya naging kaibigan na rin nila, naging ka i bigan mo" Usap ni Sheena at umiwas din sa huli niyang sinabi.
"Bakit wala siya rito?" Takang tanong pa ni Mikha sa mga kaibigan.
"Bakit miss mo na?" Asar pa ni Jhoana sa kaibigan, agad naman tumanggi si Mikha na siyang dahilan ng pagtawa nila pati na rin ng mga Arceta.
"Kailan naman ako nakamiss ng kaibigan? Kayo nga hindi ko namimiss e tsaka siguro naguilty lang ako kasi siya lang ang hindi ko maalala bukod kay kuya Akira" Sagot ni Mikha.
"Nasa Canada siya ngayon pero alam ko pauwi na rin yon kaya magkikita rin kayo non, soon" Sagot ni Sheena. Maya maya ay lumapit na rin sa kaniya si Maloi at ang mommy niya kaya agad siyang napangiti.
"Mom?" Hindi makapaniwalang usap ni Mikha. Nginitian lang naman siya ng mommy niya tsaka siya niyakap ng napaka higpit.
"Ibig sabihin ho din ba nito, napatawad mo na rin ho ako?" Tanong ni Mikha sa mommy niya.
"Hindi ho ako makahinga e" Usap pa ni Mikha kaya agad naman humiwalay naman sa pagkakayakap niya ang kaniyang mommy. Napangiti na lang si Mikha ng makita ng malapitan ang kaniyang mommy at hinalikan ang noo nito.
"I love you, Mom. And I'm sorry" Usap pa ni Mikha, umiling naman ang kaniyang mommy at maluha luhang umiling.
"I'm sorry, anak" Usap pa nito.
"Dahil sinise kita sa kasalanan na hindi mo naman talaga ginawa, patawarin mo ko at nagawa kitang tiisin ang loob ng ilang taon, patawarin mo ko bunso, patawarin mo si Mommy" Umiiyak ng usap ni Myrla sa anak. Hindi naman maiwasan na maluha ni Colet at Sheena dahil sa wakas ay nakahanap na ng kapatawaran ang puso ng mag ina.
"So? Mikha. I guess oras na para i pursue mo naman ang isa mo pang course" Biglang usap ni Jl sa hipag niya.
"Business Management?" Takang tanong pa ni Mikha. Tumango lang naman si Jl at inakbayan ang kaibigan na si Akira.
"Mawewelcome lang kita sa pamilya namin kapag
"Kapag?" Tanong pa ni Maloi sa kaibigan.
"Kapag! nakapagpatayo ka ng sarili mong company" Usap naman ni Akira
"Well, gusto ko pa rin naman maging maayos ang buhay ng bunso kong kapatid no" Bulong pa ni Akira na siyang narinig naman ni Maloi at ng iba pang kaibigan ni Mikha.
"Huwag kang mag alala, kayang kayang buhayin ng kapatid ko yan kahit mag anak pa sila ng sampu" Natatawang bulong pa ni Maloi sa kaibigan.
Ang araw na iyon ay napuno lang ng kwentuhan at pagplaplano kung paano magiging ayos ulit ang lahat. May mga oras na nagtatanong si Mikha patungkol kay Aiah at Maya. Dahil si Maya ay naaalala niya bilang kababata niya na anak ng Tito Mario niya na namatay dahil sa kagagagawan niya at si Aiah naman ay naaalala niya bilang kaibigan niya na pinakilala noon ni Sheena sa kanila.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...