CHAPTER L

6.9K 123 8
                                    

COLET'S POV

"Mukhang hindi talaga nakalimutan ng puso ni Mikha si Aiah ah" Biglang usap ni Stacey ng tignan ang isang picture na nasa table ni Mikha. Picture ni Aiah at Mikha.

Nandito kami ngayon sa opisina ni Mikha. Kadalasan na namin ginagawa ito kapag may mga libre kaming oras o hindi kaya kapag hinihintay namin matapos si Mikha sa mga meetings niya bago kami kumain sa labas ng sabay sabay. Ceo things. Walang kasawaan na meetings haha.

Tulad ni Mikha ay hawak ko na rin ang sarili kong oras dahil simula ng macomatose siya ay nagresign na rin ako sa pagiging piloto at sa akin na pinahawak ng mga magulang ko ang ilan pa namin mga business dito rin sa Metro Manila. Ayoko naman na magpalipad na lang mag isa, hindi kumpleto pakpak ko roon kung wala si Mikha.

"Ayon din naman ang bilin niya non hindi ba?" Usap ko pa sa kanilang lahat.

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag niyong papapalitan tong puso ko ah, gusto ko kahit na anong mangyari, maaalala pa rin nito si Aiah" Sabay-sabay namin usap apat kaya natawa na lang din kami.

"Hindi man maalala ng isip niya kung sino ba talaga si Aiah sa buhay niya, naaalala pa rin naman niya yung pakiramdam na mayroon Aiah sa puso niya" Nakangiting usap ni Sheena.

"Ang alam niya magkaibigan lang sila pero bakit naisipan niyang maglagay ng picture dito sa opisina niya na silang dalawa lang?" Takang tanong ni Jhoana habang hawak hawak ang picture ng Mikhaiah.

"Oo nga tas tayong apat wala" Dagdag pa ni Stacey. Kaya natawa na lang naman kami.

"Meron naman daw tayong magkakasamang anim hahahahah" Tawang tawa naman na usap ng future fiancè ko. Yeah. Tama. Future Fiancè, bigyan niyo lang ako ng oras magpalakas ng loob huhu.

Maya-maya lang ay may pumasok na sa opisina ni Mikha at doon namin nakita si Mikha na seryoso at halatang pagod sa kung saan man siya nang galing na meeting.

"Baba mo yan baka mabasag pa yan" Usap naman ni Mikha kay Jhoana ng makitang hawak hawak nito ang picture nila ni Aiah. Napabilog na lang naman ang mga bibig namin dahil sa pagkakagulat kaya umiwas na lang kami ng tingin kay Mikha at mga pasikretong mga natawa.

"Nga pala, Sheena. Kailan ko nga pala mamimeet yung mga Architect at Engineer na gagawa ng bahay ko sa Siargao?" Tanong niya kay Sheena na busy sa laptop niya.

"Tangina! Ano?! Magpapagawa ka ng bahay sa Siargao?!" Gulat na gulat na tanong ko sa kaniya, umiwas lang naman siya ng tingin at umupo sa swivel chair niya.

"Kilala mo naman si Matthew, hindi ba? yung may ari ng restaurant doon" Tanong niya sa akin, tumango naman ako. Malamang alam ko yon dahil minsan na namin napag usapan yon.

"May pinadala siyang titulo sa bahay ko, binili ko raw yon 2 years ago, alangan sayangin ko lang yon" Sagot niya. Well, alam naman talaga namin yung dahilan. Si Aiah. Dahil parehas sila ni Aiah na gustong magkarest house sa Siargao.

"Hindi ko alam na ganyan kalakas tama niyang kaibigan niyo kay Aiah. Tangina! wala ng maalala lahat lahat pero yung ginagawa niya para pa rin kay Aiah" Natatawang bulong ni Jhoana sa amin. Napailing na lang naman ako habang hinarap naman ni Sheena si Mikha

"Mukhang isesend ko lang sayo yung presentation ng mga Architect, pero bukas, mamimeet mo na yung bago kong Engineer" Todo ngiting usap pa ni Sheena

"Bukas?!" Sabay-sabay na tanong namin ni Jhoana at Stacey.

"Magiging mahaba ba discussion natin? Magpapa cancel na ba ako ng ilan meetings?" Takang tanong pa niya kay Sheena.

"Umabsent ka na lang kung ako sayo" Usap pa ni Jhoana

"Oo nga tas doon na lang tayo sa bagong bahay mo" Todo ngiti pang dagdag ni Stacey, natawa na lang naman ako at napailing.

"Makinig ka na sa kanila, bro. Don't worry, hindi sayang ang iaabsent mo sa sarili mong kumpanya" Nakangiti ngunit seryosong usap ko pa kay Mikha. Seryoso para naman makumbinsi ko diba, tangina haha

"Okay, sa bahay mo na lang kami didiretso bukas at take note hindi ka papasok dito bukas, kailangan din namin ng oras mo" Nakangiting usap pa ni Sheena kay Mikha bago tuluyan magpakabusy ulit sa laptop niya.

Nagkaroon naman din ng biglaan meeting si Jhoana at Stacey kaya nanahimik na rin sila sa kabilang gilid habang ang may ari naman ng kumpanya ay naka upo lang sa swivel chair at tulala sa isang litrato. Agad naman akong lumapit sa kaniya at umupo sa harap ng mesa niya.

"Baka matunaw" Saway ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin at umayos ng upo

"Sigurado ba kayong hindi ko pinormahan to noon?" Usap niya habang nakatingin pa rin sa litrato nila ni Aiah.

"Sobrang ganda niya, corny man pero aaminin ko, iba tibok ng puso ko sa isang to" Pag amin niya sa nararamdaman niya. Napangiti naman ako at napailing.

"May gusto ka sa kaibigan natin?" Tanong ko sa kaniya, agad naman siyang napatingin sa akin.

"Dati ba, wala?" Taka pang tanong niya, nagkibit balikat lang naman ako bilang sagot.

"Okay lang naman siguro yon? Crush lang naman hindi ba? Tsaka mababago pa naman siguro yon, hindi ko pa siya ulit namimeet mula ng magising ako e" Nag aalangan pang sabi niya. Tumango na lang naman ako at humarap sa kaniya.

"Maari ngang mabago pa yon" Nakangiting sagot ko sa kaniya, taka naman siyang tumingin sa akin pero umiwas na lang naman ako ng tingin. Mabuti na lamang ay nagyaya na sila Jhoana at Stacey na kumain sa labas kaya agad din akong tumayo at lumayo sa kaniya.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon