MIKHA'S POV
"Ang aga mo naman" Napalingon naman ako sa likod ko ng makita ko si Stacey. Nandito ako ngayon sa garden ng bahay ko. Kadalasan pagkatapos kong mag ayos sa umaga ay dito agad ako dumidiretso para magkape kapag hindi ko naman kailangan magmadali papasok ng kumpanya o kung hindi naman ako makakapasok.
"Good Morning, Mikhs" Bati pa muna niya sa akin atsaka humalik sa pisnge ko
"Good Morning, My Nurse Stacey" Bati ko rin sa kaniya at hinalikan ang sentido niya.
"Oh saan sila?" Tanong ko sa kaniya tsaka uminom ng kape.
"Yung dalawa, nasa garahe mo pa tas si Sheena nasa kusina mo na para magluto" Sagot niya at umupo sa tabi ko.
"Kamusta puso mo?" Tanong niya sa akin, taka naman ako napatingin sa kanya at napangiti.
"Nurse Stacey, hindi mo na ako kailangan icheck lagi sa tuwing magkikita tayo, promise, okay na ako, kasi kung hindi, ako na mismo magsasabi sayo" Nakangiting usap ko sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
"Thank you" Nakangiting usap ko pa sa kaniya. Ngumiti lang naman siya.
"Good Morning, Ceo" Biglang bati sa akin ni Jhoana
"Good Morning bro, aga mo ah" Bati rin sa akin ni Colet ng makita kami ni Stacey sa garden.
"Maaga talaga, excited e" Usap pa ni Jhoana, taka naman akong tumingin sa kanilang dalawa
"I mean, syempre magagawa na bahay mo sa Siargao. May bakasyunan ka na, sino ba naman hindi maeexcite don, di ba?" Dagdag pa nito. Tumango na lang naman ako.
"Anong oras ba darating yung bagong engineer ni Sheena? Dapat pala pumasok na lang ako" Usap ko pa sa kanila.
"Hmm, sabi niya before lunch, kaya makakasama pa natin siya sa lunch pagtapos ng meeting niyo" Sagot ni Colet, napatango na lang naman ako at inenjoy na lang ulit ang kape ko.
Matapos ng ilang oras na paghihintay ay sa wakas, pinuntahan na rin ako ni Colet sa kwarto ko para sabihin na nandiyan na nga ang bagong Engineer ni Sheena na mag aasikaso ng bahay ko sa Siargao.
Nauna naman siyang bumaba para asikasuhin daw muna ang kakainin namin ngayon tanghalian na mayroon napaka lapad na ngiti sa labi.
"Ano ang kinatuwa niya sa pag aasikaso ng tanghalian?" Takang tanong ko sa sarili ko tsaka sumunod sa kaniya pababa. Nang makababa ay nakarinig pa ako ilang sigawan sa bandang kusina kaya naman ay agad akong naglakad papunta roon para sana tignan sila ng bigla naman ako nakarinig ng iyak ng bata sa sala kaya agad ko naman tinignan yon at naglakad papalapit doon.
"Hey, baby" Nakangiting bati ko sa batang babae habang umiiyak, tumigil naman siya sa pag iyak ng makita ako
"Bakit mag isa ka lang dito? Nasan ang mommy mo?" Tanong ko sa kaniya pagkabuhat na pagkabuhat ko sa kaniya. Nang ngumiti ako sa kaniya ay ngumiti rin siya kaya naman ay natawa ako.
"Mas bagay sayong nakangiti kaya huwag ka ng iiyak ah" Nakangiting pakiusap ko sa kaniya. Ngunit hindi naman niya ako pinansin at nagpaka busy lang siyang laruin ang kwintas ko.
"Oh hi!" Rinig ko pa kaya napalingon ako. Gulat naman ako sa nakita ko kaya hindi naman ako nakapag salita agad at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. She's beyond beautiful.
Natauhan lang ako ng biglang tinaas ng bata ang kaniyang kamay ng makita ang babaeng nasa harap ko, babaeng matagal ko ng gustong makita sa hindi ko malaman na dahilan. Hanggang sa kinuha na niya sa akin ang bata at nahihiyang ngumiti sa akin.
"Sorry kung pati ikaw kinulit" Paghingi niya ng paumanhin, umiling naman ako at ngumiti.
"Ah no, narinig ko kasi siyang umiiyak dito kaya nilapitan ko na para patahanin" Sagot ko sa kaniya.
"Thank you" Nakangiting sabi niya kaya ngumiti na lang din ako.
"Dito na kayo mag meeting, hintayin na lang namin kayo doon sa dining area para sabay-sabay na tayo mag lunch" Nakangiting usap pa ni Colet at inakbayan ako
"Make me proud, bro" Bulong pa niya kaya napailing na lang ako.
"I'm rooting for you, Ceo!" Usap din naman ni Jhoana sa tabi ko.
"Let's go, QUEEN. Kay tita Stacey ka muna" Usap naman ni Stacey habang nakatingin sa akin at kinuha na ang bata.
"Queen?" Takang tanong ko sa sarili ko, Nakangiti naman humarap sa akin si Sheena at hinila na ako paupo sa sofa.
"Just do your best" Bulong pa niya, taka naman akong tumingin sa kaniya. Hindi ba dapat sinasabi niya yon sa bago niyang Engineer?
"Ahm. Aiah, si Mikha Lim, siya yung sinasabi ko sayong client ko na kaibigan ko rin na magpapagawa ng bahay sa Siargao" Todo ngiting pakilala niya sa akin kay Aiah.
"Hi! I'm Maraiah Queen, Aiah for short" Nakangiting sabi niya tsaka nilahad ang kamay niya. Agad ko naman tinanggap yon at ngumiti.
"I know, I mean, nakwento ka na sa akin nila Sheena, nakwento nila na kaibigan ka nga raw namin" Nakangiting usap ko sa kaniya, tumango naman siya atsaka tumingin kay Sheena.
"Kaibigan?" Usap pa niya, ngumiti lang naman si Sheena at umiwas ng tingin.
"Btw, I'm Mikha. Mikha Lim" Pakilala ko at nilahad ang kamay ko. Tinanggap naman niya yon at nakipag shake hands
"I know, we're FRIENDS, remember?" Usap pa niya at tinignan ulit si Sheena.
"I hope you don't mind kung makakakita ka ng mga pictures natin dalawa dito together, nakita ko kasi sila sa room ko dati sa condo at naisip ko na siguro importante sa akin yung mga yon kaya kineep ko talaga" Nahihiyang sabi ko sa kaniya habang hinahaplos haplos ang batok ko. My god Mikha!
"Don't worry, it's okay" Nakangiting usap niya kaya ngumiti na lang din ako. Bakit parang bigla ko na lang siyang gustong yakapin ng mahigpit?
"Ehem! gutom na ako kaya pwede bang simulan na natin tong meeting natin na to?" Nakangiting tanong ni Sheena sa amin, nahawa naman ako sa ngiti niya kaya napangiti na lang din ako.
"Cute mo" Nasabi ko na lang sa kaniya.
"Sus! Ako ba talaga?" Mapangasar na usap pa niya bago ako lagpasan.
Nang napag usapan na namin ang dapat pag usapan patungkol sa pagpapagawa ng bahay sa Siargao ay agad ng tumayo si Sheena kaya ganon na rin ang ginawa namin ni Aiah.
"So, goods na tayo? Every weekend pupunta kayong dalawa roon para icheck ang bahay mo at ang trabaho ng mga trabahador mo" Usap ni Sheena sa amin dalawa.
"Well, minsan wag niyong isipin na trabaho o yung bahay mismo ang pinunta niyo roon, minsan isipin niyong bakasyon rin yon para marelax naman kayo" Nakangiting dagdag pa ni Sheena.
"Mabuti na lang talaga maganda ganda takbo ng kumpanya ko dahil kung hindi, hinding hindi talaga ako papayag sa plano mong nasa Siargao ako every weekend" Reklamo ko pa sa kaniya.
"Your welcome, Lim" Sagot lang naman niya sa akin kaya napailing na lang ako.
"Excited na ako sa bahay niyo!" Excited na sabi pa niya. Nakita ko naman na pinandilatan siya ng mata ni Aiah kaya nakangiti siyang humarap sa akin.
"Excited na ako sa bahay mo, bahay mo, Mikha hehe" Todo ngiting usap pa niya tsaka tumakbo na papuntang dining area.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...