Chapter 18: We don't know what you're talking about

3.1K 98 4
                                    

SOHE

Naglalakad kami palabas sa airport, sinundo kami nila Chennel dahil inutusan sila ni Chris.

Habang may sari-sarili kaming mundo dito sa loob ng van, biglang nagsalita si Chris, "Parang napapa-lapit na kayo sa RSG."

We all stopped from what we are doing and looked at her, jaw-dropped. Pambihira talaga itong si Chris. How can she just say a BIG thing like that easily? Tapos in front of the twins pa.

"What? Kami ba?" Nakita kong wide-eyed si Aubrey habang nag da-drive.

"Sino pa ba ang tinutukoy ko?" Chris rolled her eyes, "'E, one month na kayong hindi active sa gang," she smirked. I saw the twins gulp. "It feels like you have a huge business with them, am I right?"

"We don't know what you're talking about," sagot ni Chennel.

CHRIS

Nandito kami ngayon sa abandoned club room habang nagpapalipas ng oras. As usual wala sila Aubrey.

Nang tignan ko si Jaz ay nakita ko na enjoy na enjoy siya sa paglalaro sa kaniyang PS4. Mapagtripan nga ang isang 'to.

"Jaz," pagtawag ko sa pangalan niya.

"Yes, leader?" Sagot nito ng hindi manlang ako binibigyan ng tingin.

"Puntahan mo ang RSG. I want you to confirm na nandoon sila Chennel."

Gulat na napatingin siya sa'kin, "Huh? Bakit hindi na lang si Bea? Siya usually pinags-spy mo ah."

I glared at her. Nakuha pang magreklamo. "Just do what you're told."

Nakita ko namang nag-pout siya, "Kelan?"

Tumayo ako. "Ngayon na."

Gulat na napatingin sila Bea sa'kin, "Chris, ang bilis naman," ani Bea. "Kailangan natin ng plano."

"Of course," nilingon ko si Sohe na nakatingin sa'kin, "Sohe, locate RSG."

"Got it," sagot niya at nagsimula nang magtype. Habang ginagawa niya ang trabaho niya, nagsimula akong bumuo ng plano sa isip ko.

Pagkatapos ng ilang oras tinawag kami ni Sohe. "Nasa isang lumang building sila located sa chocolate road," aniya.

Tumayo na ako at nagpagpag, "Let's go," nagsimula akong maglakad. Sumunod naman yung iba.

-

Nandito kami ngayon sa loob ng van namin.

"Gano ba kahirap ang magpalit ng damit? Bakit ang tagal niya?!" Reklamo ni Bea.

Kanina pa namin hinihintay si Jaz magpalit ng damit. Twenty minutes na ang lumipas hindi pa rin siya lumalabas sa abandoned room. Baka natulog na naman yon! Lagot talaga siya sa'kin.

Mayamaya nakita na namin siyang naglalakd papunta sa van namin. Naka all black siya na suot. Black leather jacket, black tank top, black leggings, at combat shoes. Okay na sana pero may isang nakakaabala sa damit niya. May umbok doon sa bulsa nung jacket.

Pagkapasok na pagkapasok niya binatukan agad siya ni Bea, "Gaano ka ba katagal magbihis? 'E, yan lang pala suot mo!"

"Aray! Grabe ka, hindi naman ganun katagal. Ang sikip kaya ng damit!" Sabi nito habang hinihimas yung parteng binatukan ni Bea.

"Sabi ko sayo tumataba ka na naman," pang-aasar ni Bea.

"Kung mataba ako, 'e ano tawag sayo?" Banat ni Jaz. At yun ang simula ng pag-away nila sa loob ng van.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang magulo, maingay at makulit.

Tumingin ako sa likod ko. Nagbabanyagan parin silang dalawa.

"Pag hindi kayo tumahimik ibabato ko kayo sa bintana," I threatened. Hindi ako nagbibiro, gagawin ko talaga 'yon pag hindi pa sila tumahimik.

Agad naman silang tumahimik, nakita ko pang nag-iirapan sila. Tsk, mga bata.

Umupo na ako ng maayos. Si Sohe ang magdadrive ngayon. "Let's go," utos ko sa kaniya.

Nagsimula na siyang magdrive.

We stopped in front of an abandoned building. "Eto, para marinig namin pinag-uusapan niyo kung nakita ka nila," binigyan ni Sohe ng earpiece si Jaz.

"Ready ka na?"

Ngumiti at tumango si Jaz. She looks so innocent. Mukhang hindi niya kayang pumatay ng langgam sa hitsura niya kahit alam ko na kaya naman niya ang sarili niya. I'm a little worried about her. Teka, inisip ko bang worried? Hindi. Ang ibig sabihin ko ay annoyed. Dapat lang sa kaniya yan. Parusa sa palaging walang pakielam sa mundo. Tsk.

"Okay, everything is all set. Pwede ka nang bumaba."

Bababa na sana si Jaz ng may sabihin ako, "Don't bring your PSP,"

Ngumiti si Jaz, "Nasa bag ko yung PSP, no need to worry," tuluyan na siyang lumabas ng van. Umiling ako.

She's good at lying pero hindi makakatakas sakin ang umbok na nasa bulsa ng jacket niya. Ang tigas talaga ng ulo.

Heiresses to GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon