Prologue

17 0 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


———


"Maam, Mr. Rivera is on his way here for a small discussion." Sabi ng secretary ko habang abala ako sa mga papeles na kailangan pirmahan.


Tinanguan ko lang siya at tinapos na ang pag pirma sa mga papel na halos ilang araw ng nakatambak sa lamesa ko bago ako tumayo para mag ayos.


Kung bakit ko ba kasi pina move nang pina move ang meeting na to kaya ito, kailangan ko pang tumigil sa ginagawa ko para dito. Nakaka stress.


Inayos ko lang ang lamesa ko bago ako nag ayos at nag lagay ng kung ano-ano para maging maaliwalas ulit ang itsura ko. Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko para mas presentable ako tignan.


Hindi naman gaano ka-importante ang pag-uusapan pero kliyente pa din yon kaya kailangan ay presentable pa din.


Kumatok si Nica, secretary ko, bago binuksan ang pinto at pumasok. "Maam Bianca, nandito na po si Mr. Rivera."


"Let him in." Tumalikod siya para buksan ng tuluyan ang pinto at saka niya pinapasok. Tumayo ako para bumati. "Good afternoon, Mr. Rivera, have a seat." Nakangiting bati ko.


"Good afternoon, Miss Cruz. Thank you."


"Do you want some coffee, tea or juice?"


Pormal itong ngumiti bago sumagot. "Sure, I'm fine with juice, Miss Cruz."


"Alright." Nilingon ko si Nica saka ito sinenyasan. Tumango siya bago buksan ang pinto at lumabas.


Nilingon ko si Mr. Rivera at nginitian. "We can now start, Mr. Rivera." Anunsyo ko dito saka siya ngumiti at nag labas ng ibang dokumento para ipakita sakin.


Gaya ng sabi ni Nica it's just a small discussion, hindi din nag tagal ang pag uusap namin at natapos din. Tumayo ito upang mag paalam kaya naman tumayo din ako. "Thank you so much Miss Cruz, it's nice to see you again."


Binigyan ko ito ng magandang ngiti saka ko inabot ang kamay ko. "My pleasure, Mr. Rivera." Nag kamayan lang kami at pag tapos ay umalis na siya.


Huminga ako ng malalim saka inayos ang lamesa ko. Balak kong umuwi ng maaga ngayon para makapag pahinga dahil balak ko namang mag over time bukas para sa mga naiwan kong papeles. Sa dami kasi ng site visit ko nitong mga nakaraang araw ay natambakan nako ng papeles kaya pati ang mga meetings ko ay na move nang na move.


Napalingon ako ng may kumatok bago pumasok. "Maam, may bisita po kayo." Si Nica.


Kunot noo ko tong tinignan bago umupo. "Bisita?" Nag isip pa ko kung sino bang pwedeng bumisita sakin sa ganitong oras ngunit wala namang pumasok sa isip ko na ideya. "Sino?" Kunot noo pa ring tanong ko.

Promises Of Time (Mercado Series #1)Where stories live. Discover now