AIAH'S POV
Nandito na kami ngayon sa park kung saan kami madalas na tumambay noon ni Mikha sa tuwing day off niya o kung hindi kaya ay kung wala kaming magawa sa condo niya.
Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno kung saan din kami madalas na maupo ni Mikha habang si Baby Queen naman ay tahimik lang na inienjoy ang ice cream niya.
"Buong akala ko talaga, totoong anak mo si Queen" Biglang usap ni Mikha sa tabi ko habang nakapikit na nakasandal sa puno, napailing na lang naman ako.
"Anak siya ng kababata ko, si Gelo, kaya lang dahil sa aksidente sa site ay hindi na rin niya nakita ang anak niya" Kwento ko sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa akin na may pagtataka
"Ibig sabihin patay na ang daddy ni Queen at engineer din siya kagaya niyo ni Sheena?" Paninigurado pa niya. Tumango naman ako bilang sagot.
"Kaya nung nawala siya, naiwan na sa akin ang fiancè niya kaya nga lang nung ipanganak naman niya yung bata ay hindi na rin niya nakayanan" Kwento ko pa, napaayos naman ng upo si Mikha at seryosong tumingin sa akin.
"Ibig sabihin patay na mga totoong magulang ni Queen Janna?" Gulat na tanong niya, tumango naman ako habang hindi naman siya makapaniwalang tumingin sa bata.
"Laking pasalamat ko non dahil doon naisipan pumunta nila Sheena para magbakasyon, kaya agad ko silang tinawagan nung araw mismo na ipanganak ang bata"
"Pinaliwanag ko sa kanila lahat lahat tungkol sa bata, pinaliwanag din nila sa akin ang lahat lahat ng nangyari sayo. Kaya nung araw na yon ay parang isang napaka swerteng araw ng buhay ko kasi napatawad ako ng mga kaibigan ko sa mga nagawa at nasabi ko noon. Plus may Queen Janna pa ako sa buhay ko tas yung mga akala ko hindi ko magagawa ay nagawa ko, nakahanap ang kapatawaran ng lugar sa puso ko, kaya simula non parang gustong gusto ko ng umuwi sa taong mahal ko" Kwento ko pa sa kaniya. Napatango na lang naman siya.
"So, single ka pero yung puso mo taken na?" Tanong pa niya, tumango na lang naman ako. Kita ko naman na napahinga na lang siya ng malalim kaya napapangiti na lang akong napailing na nakatingin sa kanya.
"Kaya nga lang yung taong yon ——
"Gusto kita, Aiah" Biglang usap niya tsaka seryosong humarap sa akin. Gulat lang naman akong napatingin sa kaniya kaya agad din naman siyang umiwas ng tingin.
"Sorry nabigla yata kita" Paghingi pa niya ng paumanhin. Napangiti na lang naman ako at binalik ang paningin sa mga puno.
"Alam ko, pinarinig sa akin ni Colet at Jhoana kanina yung pinagsasabi mo sa kanila kagabi" Natatawang sabi ko sa kaniya, hindi naman siya makapaniwalang humarap sa akin
"Two years ago, may nameet akong piloto sa Airport and it turns out na kaibigan din pala siya ng kaibigan ko hanggang sa nagkayayaan sa Siargao, sa Siargao, kung saan nagsimula lahat, nagtampo pa ako sa taong yon kasi ayaw niya akong maging kaibigan kasi nga piloto siya at ayaw ng pamilya ko sa mga piloto pero may inamin siyang isa pang dahilan kung bakit ayaw niya akong maging kaibigan" Natatawang kwento ko pa sa kaniya.
"Bakit daw?" Curious na tanong ni Mikha.
"Dahil ayaw niyang hanggang magkaibigan lang kami" Natatawang sagot ko sa kaniya, napangiti na lang naman siya
"Yung Siargao namin, nasundan ng Baguio, Palawan at ilan pang mga gala hanggang sa isang araw nagkita ulit kami sa Airport para ihatid na yung kababata ko roon, yung daddy ni Queen. Nung araw na yon alam ko sa sarili kong may gusto na rin ako sa taong yon kaya naman sinundan ko siya ron, mabuti na lang talaga sinundan ko siya non kasi may sakit na pala siya, ang taas ng lagnat niya non kaya sinamahan ko na siya pauwi sa inuuwian niya" Napatango naman siya habang focus na focus pa rin sa pakikinig sa akin. Isa rin talaga 'to sa minahal ko kay Mikha, tahimik pero alam mong kapag nagbukas ka na sa kaniya ng saloobin mo talagang nakikinig siya.
"Doon na rin siya umamin ng nararamdaman niya sa akin, ang sabi pa nga niya 'Gusto kita, Aiah' haha. Alam ko sa sarili ko na gusto ko na rin siya pero natakot pa rin ako non, kaya halos hindi na rin ako nagparamdam sa kaniya non" Kwento ko pa sa kaniya, tumingin lang naman siya sa akin.
"Wala na siyang ginawa pagtapos non?" Takang tanong ni Mikha sa akin. "Kasi kung ako yon tas alam kong iniiwasan ako ng taong gusto ko, ay nako! makikidnap ko talaga" Natatawang sabi pa niya.
"Parang ganon na nga rin ang ginawa niya, binuhat niya ako na para bang isang sakong bigas para lang isakay ako sa kotse niya, sabay kami nanood ng sunset nung araw na yon, hanggang sa doon na rin ako umamin sa kaniya"
"Ilan buwan lang ang nakalipas, sinagot ko na rin siya" Pagtatapos ko pa ng kwento.
"Siya na siguro yung pinaka masayang tao nung mga panahon na yon" Nakangiting sabi pa niya. Siguro nga, kasi ganon din ako ng mga panahon na yon.
"Anong nangyari?" Tanong pa niya
"Hindi ko rin alam, ako yung natakot, ako yung hindi na lang basta nagparamdam sa kaniya, hindi ako sumipot sa date namin, hindi ko sinasagot mga text at tawag niya. Hanggang sa pumunta na lang siya sa bahay namin, pumunta siya sa bahay namin nung saktong paalis na ako papuntang Canada" Sagot ko sa kaniya, taka naman siyang tumingin sa akin.
"Huwag mong sabihin na hindi niya alam na aalis kang papuntang Canada non?" Tanong niya.
"Hindi niya alam" Sagot ko, napabilog naman ang bibig niya at humawak sa dibdib niya
"Aww, sakit" Usap pa niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin. I'm sorry, love.
"Pero don't worry kung talagang mahal ka naman talaga non ay maiintindihan ka rin non, kung may valid reason, syempre. Bigyan mo lang ng oras" Pagpapalakas pa niya ng loob sa akin.
"Kahit sabihin mong, crush na kita kahit hindi pa kita nakikita simula ng magising ako, kahit sabihin mong pakiramdam ko kumpleto na ako ngayon, mas gugustuhin ko pa rin magkaayos kayo ng taong mahal mo" Nakangiting sagot niya.
"Dahil yan" Nakangiting turo pa niya sa mga mata ko
"Yang mga mata na yan, hindi nagsisinungaling yan. At kitang kita ko kung gaano mo siya kamahal" Dagdag pa niya. Sana makita mo rin na ikaw yung taong mahal ko.
Hanggang sa hindi ko na namalayan na may luha na palang pumatak sa mga mata ko.
"Ssshhh, magiging okay din ang lahat" Nakangiting usap pa niya habang pinupunasan ang luha ko. Sana nga love, sana nga.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...