Sabine's POV
HUWWWWWAAAAAATTTT?? Nababaliw na talaga si Red. Una, dinala ako sa lugar na ito. Pangalawa, para siyang baliw kung magsalita. Pangatlo, ang gwapo niya. Pang-apat, niyaya ako ng date! Pang-lima, tinatanong pa ako kung anong gusto ko sa first date ko. Ano namang isasagot ko sa kanya? Wala namang sinehan dito kaya hindi pwede ang sine.
"Hindi ko alam. Ikaw? Anong gusto mong gawin kapag nagkita na kayo ng true love mo?" Shit. Bakit pa ako nagtanong? Napa-stop siya. Tapos biglang nag-isip.
"Tara." Saan?
Tapos ayun kinaladkad na ako palabas ng gubat. Napakaganda naman ng place na ito. Sasabihin ko nga kay Mama na bumili din kami ng gubat. Haha Sumakay kami ng jeep papuntang bayan. Kanina kasi part pa yun ng resort nila. Malamang. Haha. Mga ilang minuto na rin kaming nasa jeep. Hindi naman siya nagsasalita.
"Saan ba tayo pupunta?" Tumingin lang siya sa labas. Dedmahin ba daw ako?
"Manong, para po." Andito na kaagad? Katatanong ko palang ah.
Tapos hinawakan niya yung kamay ko. Kyyaaaaa~!
"Ano ba~!" Kaasar toh. Baka kasi pagpawisan yung kamay ko kahit hindi naman ako pasmado.
"Ano? Pasmado ka ba?" Bakit galit siya?
"Hindi."
"Ako din kaya maki-ride ka na lang. Tinanong mo kung anong gusto kong gawin di ba? Ito na yun kaya wag ka ng umangal. Ikaw din naman ang may gusto nito." Tapos nag holding hands na ulit kami. Jusko. Ang heartbeat ko. Please lang wag sana akong atakihin sa puso dito or worse maihi sa sobrang kaba.
Saka bakit parang siya pa ang galit? Niyaya ko ba siyang makipag-date sa akin? At talaga namang may karapatan akong umangal dahil kamay ko yung hawak niya ngayon. Nanginginig pa nga ako eh. Kinakalma ko na lang yung sarili ko.
Breathe in. Breathe out.
"Magdadasal ka?" Andito kasi kami ngayon sa simbahan. Umupo na kami sa may bandang unahan sa may right side.
"Oo. Na sana makita ko na ang true love ko." Ahhhh. "Saka kapag nakita ko siya dito ko siya unang dadalhin sa harap ni Lord." Weh? "Magpapasalamat ako kay Lord kasi nakita ko na yung babaeng matagal ko ng hinahanap" Tapos tumingin siya sa akin. "Nandito siya sa tabi ko at sana wag niya na akong iwan."
OMG. Kinilig naman ako doon. Hindi naman sa umaambisyon ako na sa akin niya sasabihin yun kaya lang yung mga mata niya ay napaka-sincere nung sinabi niya yun. Ramdam na randam ko yung parang longing niya na makita na yung babaeng yun at ang happiness kapag nakita niya.
Ang sweet naman talaga. Napa-smile na lang ako sa mga sinabi niya. Nag-pray na lang ako kay Lord na sana makita niya na ang true love niya at sana huwag siya masyadong pahirapan. Nakakatuwa naman na sa itsura niyang yan ay maiisip niyang gawin yung mga sinabi niya. Maswerte yung babaeng yun kung sakali kasi gwapo na ang romantic pa ng magiging boyfriend niya. Sana lang talaga magpakatino na siya.
After naming mag-pray ay umalis na kami. Sabi niya pumunta muna kami sa may park. Umupo naman kami doon sa isang upuan na may payong. Medyo sumisikat na kasi si haring araw. At habang nakaupo kami doon ay naka-akbay siya sa akin. Aalisin ko na nga sana kaso pinandilatan ba naman ako ng mata! So ayun nahiya naman ako kaya yumuko na lang ako.
"Paano mo malalaman na siya na yung true love mo?" Bigla kong naitanong.
"Basta malalaman ko na lang yun. May mga bells na magri-ring." Amp. Bells? Naniniwala siya dun? "May magic na mangyayari. Basta ganun." Magic? Talaga naman oh. Napaka-hopeless romantic naman pala ng lokong ito. Akalain mong may pagka-chickboy ito?
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?