Coshae pov
"Wow Coshae ang ganda dito! Grabe first time ko lang Sasakay sa barko!" Na e- excited na ani ni Cycole. Ngumisi na lamang ako at inilibot ko ang aking tingin. World class ang mga gamit mukhang mamahalin.
"Sinabi mo pa Cy, osya dalhin na natin yung gamit natin sa room para maka ikot ikot tayo dito
"Ok!" Masayang saad ni Cycole at nag tatalon pa ito, napailing na lamang ako at nauna nang mag lakad.
Alex pov
Nasa tapat na kami ng barko tinignan ko ang kabuuan nito, sobrang laki pala first time ko lang sasakay ng barko. Ewan ko ba kay joman kung bakit sa barko pa bakit hindi na lang sa airplane, pupunta kasi kami sa ilocos tsk.
Sabi ni joman trip lang daw nya mag barko today pero ang weird.
"Hoy alex ano tinutunganga mo d'yan?! Aba tara na baka ma late tayo baka iwan nila tayo." Saad ni joman kaya napairap ako at hinihila ko na ang maleta ko papasok.
Namangha ako sa nakikita ko grabe ang ganda dito mukhang mamahalin pa yung mga gamit, yung dingding mala gold style tapos madami ding paintings.
Habang iniikot ko ang aking paningin parang may nakita akong familiar na tao Napakunot noo ako at pinagmamasdan ito, hindi ko masyadong makita ang mukha dahil medyo malyo s'ya saakin.
"Alex tara na!" Aya ni Joman saakin ngumiti lang ako sakanya at sumunod pero sumulyap ulit ako doon sa babae bigla na lamang s'ya na wala. Napailing na lamang ako. Pero ramdam ko pag bilis ng tibok ng puso ko. Imposible...
***
Nakalimutan ko kung ano tawag dito pero nasa labas kami may mga upuan at lamesa madami ding taong kumakain. Ngumiti ako napapikit at nilalasap ang hangin.
"Grabe napaka grande dito, luxury cruise ship pala ito kaya pala maganda hahaha" natatawang saad ni joman habang nakahawak sa bakal nakalimutan ko kung ano tawag para bang pang harang hehe.
"Sobra, madaming mayagaman pala sumasakay dito." Saad ko
"Yes usually dito sila nag memeeting kaya ganun o di kaya may pupuntahan silang lugar mas pinili nila ang barko para makapag usapan kung ano mang bagay." Ani ni Joman kaya tumango ako.
Inilibot ko ang aking tingin at pinag mamasdan ko ang mga tao sa baba habang kumakain. Hindi naman ganun kataasan kung nasaan kami naka pwesto, napangiti ako dahil may mga pamilyadin na nag sasalo salo tapos may nag dadate na matanda.
Nag pasya ako kunan ang dalawang matanda na nagyayakapan kasi ang chte tignan, sana kung mag mamahal ulit ako gusto ko s'ya makasama hanggang sa pag tanda.
Napangiti ako dahil sa litrato.
"Ano yan Alex?" Tanong ni Joman at sumilip sa phone ko.
"Kinunan ko kasi yung dalawang matanda ang cute kasi." Naka ngiti saad ko. Tumingin si Joman sa gawi ng dalawang matanda. Pero pinag tataka ko lang na nanlaki mata ito
"Oy may problema ba?" Takang tanong ko pilit ngumiti lang si Joman.
"Uhmm siguro sa loob na lang tayo kumain." Saad nito hinawakan nya ang kamay ko at akmang hahatakin nya ako na pinigilannko s'ya
"Joman gusto ko dito! Ano ba nan dito na tayo." Saad ko sakanya pero halata sa mukha nya na kinakabahan.
"Eh kasi.."
"Please dito na tayo kumain at tiyaka sariwa ang hangin dito kaya masarap tumambay dito." Saad ko nag dadalawang isip pa ito kung papayag ito.
"Sige." Sabi ni Joman kaya napangiti ako
"Tara doon tayo sa dalawang matanda!" Masayang saad ni Ko kita ko pag laki mata nito . Hindi ko naniyon pinansin at hinatak ko na s'ya
"Ano ba Alex! Nakakahiya!"saway ni Joman
"Ayos lang yan mukhang mabait naman sila! Wag kang kj!" Inis kong ani. At hinatak ko na S'ya papunta sa dalawang matanda.
Pag kalapit namin ay di ko inaasahan na may kasama pa silang dalawang babae pero naka talikod sila may bakante pang upuan dalawa.
Lumapit ako sakanila.
"Hello po! Pwede po ba maki upo? Wala na po kasi bakante." Saad ko at ngumiti. Ngumiti din ang dalawang matanda at tumango
"Sige iha pwedeng pwede!" Nakangiting saad ni lola. Kaya umupo na kami ni joman. Napasulyap ako sa dalawang babae sa harapan namin at nanlaki mata ako.
"Coesha?!" Gulat na ani ko pero seryoso lang ito nakatingin saakin.
"Ay iha hindi s'ya si coesha, si Coshae yan." Saad ng kasama nito kaya Napakunot noo ako, hindi ako mag kakamali na s'ya si Coesha kasi alam na alam ko ang mukha nya.
"May problema ba iha?" Saad ni lolo umiling lang ako.
"Alam nyo po lola lolo natutuwa po ako sainyo kanina Habang nakatingin sainyo, kasi kahit matanda na kayo eh nag mamahalan pa rin kayo." Nakangiting saad ko. Kita ko sa mukha nila ng tuwa, pero napasulyap ako kay Coshae? Na seryoso nakatingin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Nako iha, ganun talaga pag nag mamahalan sa hirap at ginhawa pag mahal nyo ang isa't isa ay mag tatagal talaga kung talaga kayo ay nag mamahalan," saad ni lola
"Oo nga nangako kami sa diyos na mag sasama kami hanggang sa pag tanda kaya ito kami ngayon nag mamahalan parin." Nakangiting saad ni lolo at niyakap nila ang isa't isa. Napangiti naman ako
"Ahh, ako po pala si Alex tapos ito naman po si Joman kaibigan ko po." Pakilala ko at nakipag shake hand.
"Ako naman si Nerisita tapos ito naman si Don ang asawa ko pero lola at lolo na lang itawag nyo saamin." Nakangiting saad ni lola
"Kinagagalak ko po kayo makilala." Nakangiting saad namin ni joman.
"Hi Alex! Ako naman si Cycole pinsan ni Coshae!" Nakangiting pakilala ng babae kasama ni Coesha, i mean si Coshae.
Ngumiti ako saka nila
"Nice meeting you" saad ko at nakipag kamay kay Cycole at nakipag titigan ako kay Coshae ngumiti ako sakanya
"I'm Alex."
"Coshae." Saad nito at nakipag shake hand. Napaka lambot ng palad nya naalala ko tuloy si Coesha namimiss ko na s'ya.
"Nakaka tuwa naman at ang dami natin kasama Mahal ko." Saad ni Lola
"Oo nga nakaka tuwa. Osya mag si kain na tayo." Nakangiting saad ni lolo kaya tumango kami at napasulyap ako kay Coshae na ngayon abala sa pagkain nya.
Napa buntong hininga ako, imposible ibang tao ito dahil kamukha kamukha nya si Coesha ang pinag kaiba nga lang ay medyo Matured na ang mukha nito.
Napailing na lamang ako at kumain na.
BINABASA MO ANG
My number 1 Basher
RomansaSa buhay natin Hindi talaga natin maasahan na may mangyayari di mapaniwala. Yung basher mo naging jowa mo na? Pero magiging masaya ba kung dadating Yung araw na kailangan mag hiwalay? Sa pag katao ni Alex ay Hindi nya pa lubusan kilala Ang sarili n...