Chapter 28

1.8K 48 7
                                    

NGUMITI AKO nang makita ko si Theo na nasa labas ng pastry shop ko kaya naman lumapit ako sa kaniya pagkalabas na pagkalabas ko sa aking sasakyan. Maaga pa at wala pang araw kaya naman nagulat talaga akong makita siyang nandito na siya kaagad.

Sinabi niya sa akin kagabi na pupunta siya rito pero hindi ko naman akalain na ganito siya kaaga. May bahay siya sa kabilang bayan kaya mabilis lang sa kaniya ngayon ang pumunta dito sa akin.

"Hello," mahinang saad ko sa kaniya nang magkatapat kami. Pakiramdam ko tuloy ay tila ba kami teenagers sa ginagawa namin.

He said we'll start. . . from the beginning. Kaya heto kami ngayon, nasa dating phase. Nakakatuwa at hindi siya mukhang nagmamadali. Tila tinatantsya niya muna ang sitwasyon.

Para sa akin ay wala naman nang dapat pang hintayin. Sapat na ang limang taon para sa aming dalawa para masiguro naming mahal namin ang isa't isa. Sapat na panahon na para sa amin iyon para malaman na handa kaming salubungin pa ang mga susunod taon na magkasama.

"Good morning!" dagdag kong bati sa kaniya nang makita kong natulala siya nang kaunti.

I chuckled and kissed his cheeks.

Doon siya tila matauhan at ngumiti sa akin. "Good morning, baby. How was your sleep?" tanong niya sa akin. Tinulungan na niya ako sa mga hawak ko at ako naman ay binubuksan ang pastry shop ko.

"Okay naman, love. . . sorry pala kagabi, natulugan kita," saad ko sa kaniya at nilingon siya. Pagkatapos ay binuksan ko ang glass door ng shop ko at pumasok kami.

He just shrugged his shoulders. "Okay lang naman iyon, Alex. Mabuti nga at maaga kang nakatulog. Nakapagpahinga ka kaagad."

I pouted because of that. I pivoted and looked at him before crossing my arms at him. "Hindi ka man lang nagtampo!" saad ko sa kaniya at inirapan siya.

Nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata. "B-Baby? Bakit?" tanong niya sa akin. "Bakit naman ako magtatampo sa'yo?"

"Kasi tinulugan kita, Theo!" giit ko sa kaniya. "Hindi ka man lang nagagalit sa akin."

He looked confused. "Bakit nga ako magagalit? Alam ko naman na pagod ka, baby. Kailangan mo magpahinga kasi maghapon kang nagtrabaho kahapon," giit niya sa akin.

I sighed because of that. "Hindi ka talaga nagagalit?" tanong ko sa kaniya. "Gusto lang naman kitang suyuin!"

Sukat doon at humalakhak na siya nang malakas. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ko para tawanan niya ako pero hindi siya matigil sa kaniyang pagtawa sa akin. Tila ba nawiwili siya sa aking ginagawa.

Mabilis na hinapit niya ako dahilan para magtama ang mga katawan namin. He chuckled and looked straight into my eyes. Nakita ko ang kaniyang pagngisi nang titigan ko siya.

"My little dragon," he chuckled and kissed my lips quickly. Mabilis na hinalikan niya ako ng ilang ulit.

Binuhat niya ako at ipinalibot ko naman ang mga hita ko sa kaniyang bewang at kumapit sa kaniyang leeg. He chuckled when I did that.

"Good morning, baby," bati niya ulit sa akin at hinalikan pa ako ng ilang ulit. He chuckled when I pouted at him and my eyes widened when he kissed my lips.

Ginaya niya ang ginawa ko sa kaniya. He pouted and I laughed because of that. Napakalakas ang halakhak ko at pinuno nito ang buong shop ko.

Hindi kalaunan ay pinaupo na niya ako sa counter at natatawa pa rin kaming dalawa. Hindi ko na alam kung anong nakakatawa pero dahil tumatawa siya ay natatawa na rin ako. His laughters were infectious and that was the best.

Lost Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon