Yung buhay na kahit sobrang hirap na kailangan mo pa ding umahon. Isang mali baka mawawala lahat pero sa isang pagkakataon nagbago ang lahay dahil sa dalawangNakatira kami ni mama sa bahay na barong-baro nang lola at lolo ko na siyang nag alaga sa akin sa mga panahon na nagtatrabaho si mama bilang Maid sa pamilyang Neascos.Sila ang pangalawang pamilya na siyang pinakamayaman sa siyudad namin.
Di ipagkaila na kung ano ang gusto nila makukuha nila agad pero ayun sa mga sabi ng tao dito di sila pinagpalad sa kanilang anak na lalaki na sobrang laki nang ulo sa mga bagay-bagay. Kung ano ang gusto niya ay dapat sundin at bilhin dahil Kung hindi lalabas daw ang pagkahalimaw nito.
Eh ako nito isang kayod isang tuka, sakto lang sa pang araw-araw naming pagkain o pangangailangan ang sweldo ni mama tapos si lolo at lola matanda na hirap na ngang maglakad silang dalawa. Kaya ako nito nag pa part-time job ako bilang taga linis nang apartment tuwing Sabado at Linggo prana naman meron akong pang project sa paaralan.
Graduating na ako sa High school kaya't nag iipon talaga ako pang kolehiyo, gusto kung mag aral sa sikat na paaralan na siyang tinitingala ang RA o kilala bilang Roz Academy. Makakapasok ako dito kung pasado ang average ko o kaya magiging scholar ako.
Sabi nang mga tsismis dito sa amin na halimaw din daw ang nag mamay-ari nang paaralan na yan dahil di daw nagpapakita tapos yung mga professor daw na di siniseryoso ang trabaho nila ay pinapatalsik agad. Tama naman yun diba? Na ipatalsik talaga yung mga magtuturong di naman isasapuso ang kanilang trabaho. Tapos ito pa, ang nag mamay-ari daw nang paaralang ito ay siyang heir o tagapagmana nang pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa nasasakupan nila di lang nila alam ang apelyido nito dahil di daw sinasabi nang mga nakapasok sa paaralang yun. Sobra naman siguro sila pati apelyido lang ay secret talaga.
Pero bahala na ang mga tsismis o balita na yan basta't yung ang pangarap kung makapasok ako diyan ang inaalala ko at kung makapagtapos na ako siguradong malaki ang opportunidad kong maka trabaho nang maayos dahil itong paaralang Roz Academy ay maraming koneksyon at maari ka nilang tulungan sa pagpasok ng trabaho.
Isa akong SSG President dito sa School namin dinaman ako sobrang matalino pero sabi nang mga Guro dito, meron daw ang akong taglay na kayang mamahala kaya ako ang ninominate nila. Sa section namin ako ang Highest Honor pero sa ibang section meron pang mas matalino dun.
Diko ikakahiya na mahirap lang kami tapos wala pang ama. Binubully nga nila ako dahil wa daw akong ama, tapos di maka afford ng mga makabagong gamit at pangit daw ako di ka aya-aya. Kasi naman kung pupunta ako sa paaralan may jacket ako kahit may uniform at mainit, tapos lahat nang mga medyas ko ay itim na abot hanggang tuhod ko, sakto lang din sa taas nang palda namin na 2 inch below nang tuhod. Sa mukha ko naman always na meron akong eyeglasses dahil malabo na ang paningin ko pasalamat nga dahil nakapag ipon ako pampa sukat lang kaya iniigatan ko to. Always ponytail ang buhok parang walang suklay at minsan naka mask pako. Ngayon binansagan akong Nerd sa mga isipan nila pero di sila maka angal kung ako na ang mag aanounce nang mga rules sa paaralan at kung magsisita na ako nang mga estudyante dahil kung aangal sila diretso sila sa detention. Lumalaban kasi ako eh kung mali sila sa rason. tinatapakan na yung pagkatao ko at pinakailaman ang buhay ko.
May isa lang talaga akong kaibigan na si Drianna Rend Neascos at Yes isa siyang Neascos ang pangalawang pamilya na mayaman sa siyudad pero isa lang siyang adopted daughter ng isang Neasco din pero ang nag kup-kup sa kanya ay ang kapatid nang pangalawang pinakamayan dito sa amin. Ang ama nang kaibigan ko ay siyang third son nang mga Neasco nasa kanila ang mga negosyong maliliit lamang pero mayaman parin sila dahil galing din sa mayamang pamilya ang kanyang Ina. Kinup-kup nila si Drianna dahil di nakapagbuntis ang ina niya dulot sa sakit na dinadala nito. Si Drianna ang siyang magmamay-ari nang mga negosyo nila sa tamang panahon kong saan marunong na siyang magpatakbo nito.
Mayaman si Drianna at ako mahirap lamang pero di niya tinatanaw ang panlabas kung struktura kundi dahil daw sa mabait ako at di siya tinuturing na mataas.
Tinutulungan niya ako kung minsan di na kaya nang budget ko ang mga project namin sa paaralan lalo na kung di ako maka trabaho dahil sa mga responsibilidad ko sa paaralan.
Iba sa Drianna sa mga ibang mayayaman na namamasukan sa paaralan namin dahil di niya minamaliit ang pagkatao ko at isa pa wala na din siyang tunay na ama at ina, kagaya ko rin na iniwan nang aking babaerong ama noong 10 years old ako.Nakita ko kung paano niya binugbug si mama sa dati naming tirahan, naranasan kong masuntok dahil lang sa diko nasunod ang pagbili nang maiinom niyang alak tuwing uuwi siya galing sa sinasabi niyang trabaho pero nalaman ni mama na wala na pala siyang trabaho dahil na gulpi ni papa ang kanyang katrabaho. Isang araw na namamalengke kami ni mama galing sa ipon niyang panglalaba, nakita namin si papa na may kahalikang ibang babae sa may kanto, di nalang pinansin ni mama ang pangyayaring iyon pero alam ko na sobrang sakit ang naranasan ni mama sa panahong yun.
Sa pag uwi namin nag impake si mama nang mga damit at importante naming mga dadalhin para lalayas kami sa pamamahay. Kalaunay umuwi si papa na lasing sa gitna nang pag iimpake ni mama. Nabigla si papa sa kanyang nakita at muntik niya nang mapatay si mama sa aking paniniwala dahil pag suntok niya nang paulit-ulit sa ibat ibang parte nang katawan ni mama. Iyak lang ako nang iyak noon walang magawa.
Sa nangyari nang gabing iyon nagpahinga si mama at diko alam kung ano ang susunod na mangyayari. Sabi lang ni mama na lalayas kami at pupunta kina lola. Sa pag lalim nang gabi nakatulog na si papa at yun ang tiyempo namin para makalabas nang bahay.
Sa mga nangyari sa aming buhay nang aking ina ay sobrang sakit at hirap ang aming naranasan. Mabuti nalang at nandiyan palagi sila lolo at lola ang mga magulang ni mama na handa kaming tulungan.
Naisip ko sa aking paglaki na sa kahit gaano kahirap ang buhay babangon parin tayo at kung matapilok man ulit babangon padin.
Gusto ko kung magiging maginhawa ba ako sa aking paglaki o kung ano ba ang aking tadhana sa hinaharap ay ibabangon ko sina mama, lola at lolo sa kahirapan. Sa iisa kaming mansion titira at ako ang susuporta sa kanila pero...
Iibig ba kaya ako?
Would i love? someone?Takot akong maka hanap nang kagaya ng aking ama na abusado at walang pakialam kay mama at sa akin. Natatakot akong mangyari ulit ang naranasan ni mama. Kung mararanasan ko lang ang pag-ibig na yan sisiguraduhin kung di ako magkakamali sa aking decisyon o kikilitasin ko muna ang lalaking iyon bago ko ito papasukin sa aking buhay.
Pag ibig sa aking sarili na siyang una.
Pag-ibig sa Pamilya na parati kung inaalala.
At panghuli Pag-ibig na aking tatanggapin para makabuo nang sariling pamilya.I am Cerein Eve Marinde, this is my adventures of life and understanding love not just loving myself nor my family but loving and accepting someone who truly loves me in the upcoming future of my life.
.................................
- A/N -
This is my first time writing a story.
Sorry for any typos and wrong grammars.
I don't know if anyone will read this but i hope this will be notice.
YOU ARE READING
Would I Love?
De TodoWould I Love?... Despite this kind of life? Full of adventures and roadblocks? A girl becoming a woman despite of every challenges and adventure of her life then until she met this two monstrously dangerous guys.. But... Her Decision of... The One s...