CHAPTER LVII

6.8K 147 13
                                    

MIKHA'S POV

"Sino ba naman kasing may sabing uminom ka Mikha?" Tanong ko pa sa sarili ko ng magising ako sa sala. Sakit sa ulo ah.

Tanda ko pa naman ang mga nangyari kagabi, sadyang hindi na talaga ako sanay uminom kaya naman ang ulo ko ang nagdurusa ngayon. Agad din naman ako umakyat sa kwarto para mag ayos. Marami-rami na rin kasi akong kailangan tapusin sa opisina ko buhat ng pag reresched ko sa iba ko pang appointment nitong nakaraan.

"Ngayon lang ako natakot sa irap ng isang babae" Kabadong usap ko pa sa sarili ko ng maalala ko ang pag susungit sa akin ni Aiah kagabi.

Pagkababa ay huminga naman muna ako ng malalim bago tuluyan silang samahan sa dining area, nang makita naman ako ni Colet at Jhoana ay pasikreto pa silang natawa habang si Aiah naman ay busy lang sa pagpapakain kay Baby Queen.

"Good Morning. Mainit pa ba ulo ni Mommy Aiah?" Bulong ko kay Sheena, tumango naman ito at sinamaan din ako ng tingin.

"Sorry" Usap ko pa sa kaniya at hinalikan ang sentido niya. Agad din naman ako lumapit kay Stacey na nag aayos ng mga gamot sa kitchen island

"Good morning, Nurse Stacey and I'm sorry" Nag aalangan na usap ko sa kaniya at agad din hinalikan ang pisnge niya.

"Dalhin mo 'to incase na may maramdaman kang hindi maganda ngayon, may paracetamol na rin diyan para sa sakit ng ulo mo" Seryosong usap niya habang inaabot ang lagayan ko ng gamot. Napanguso na lang naman ako.

"Huwag ako ang suyuin mo, yun mag ina mo" Usap pa niya kaya nanlaki naman ang mata ko.

"Baka marinig ka, magalit lalo" Usap ko pa sa kaniya. Napailing na lang naman siya.

Magtitimpla na sana ako ng kape ng biglang...

"Nandito na yung kape mo, inumin mo na bago pa lumamig" Biglang usap ni Aiah habang busy pa rin sa pagpapakain kay Baby Queen. Napatingin na lang naman ako sa mga kaibigan ko na panay senyas na sa kape na tinimpla ni Aiah.

"Thank you, Aiah" Nakangiting usap ko kay Aiah pagkatapos inumin ang kapeng tinimpla niya sa akin ngunit tumango lang ito at agad din umiwas ng tingin.

"Good Morning, Baby Queen" Bati ko pa kay Queen, agad naman itong nagpabuhat sa akin kaya agad ko rin naman itong kinuha kay Aiah. Pagbuhat ko ay pinaglaruan ulit niya ang kwintas kong may eroplano na pendant. Gusto yata talaga mag FA o mag Piloto nitong baby ko na 'to.

"Good morning din sa mommy mong maganda" Bulong ko pa at tumingin kay Aiah, hindi naman ako nakatanggap ni isang salita sa kaniya at dire-diretso lang itong lumabas ng dining area.

"Pinag alala mo kasi ayan tuloy" Biglang usap ni Sheena habang kumakain.

"Nagsinungaling ka pa, sabi mo sa kumpanya tas yung pala sa bar, tsk tsk" Dagdag pa ni Stacey.

"Pati tuloy ako nasermonan ng mas bata sa akin" Usap pa ni Colet kaya natawa na lang kami ni Jhoana

"Ahh ganon? Edi maghanap ka ng mas matanda sayo!" Biglang sigaw ni Sheena kay Colet kaya mas lalong natawa naman si Jhoana.

"Tatawa ka pa? Naturingan ka pa naman din nurse nitong kaibigan mo" Saway ni Stacey sa nobya niya. Hay nako.

Nakatanggap naman na ako ng tawag mula sa secretary ko kaya nagpaalam na ako sa kanila at kay Baby Queen.

"Aalis na ako, baby Queen, behave ka lang ah, huwag mong papahirapan ang mommy Aiah mo" Paalam ko pa kay Baby Queen bago siya tuluyang ibigay kay Sheena.

"Hindi ka na kakain?" Tanong pa ni Sheena, umiling na lang naman ako

"Baka isuka ko lang, may importante pa akong meeting ngayon araw" Sagot ko kay Sheena.

"Hindi ka na magpapaalam kay Aiah?" Tanong ni Jhoana habang mayroon nakakalokong ngiti.

"Gusto ko nga sana kaso baka batuhin lang ako ng mahahawakan niya roon" Natatawang sagot ko. Natawa na lang din naman sila.

"Imposible yon, mahal na mahal ni Aiah yung mga gamit sa bahay lalo na kung may mga pagka vintage yung style, ay nako, very tita" Natatawa pang usap ni Stacey. Napailing naman na ako.

"Oh siya, huwag na kayo mag aaway diyan at nakikita kayo nung bata, pasensya na babawi na lang ako" Nakangiting usap ko pa sa kanila bago halikan ang ulo ni Queen.

Paglabas ko naman ng bahay ay agad na sumalubong sa akin si Manong Fred kaya agad din akong lumapit sa kaniya.

"Ako na lang po muna magdadrive ngayon, hanggat nandito po si Aiah at yung bata kayo na lang po muna bahala magdrive sa kanila, nandiyan naman po yung kotse niya tsaka yung isang suv incase na maisipan nilang umalis" Bungad ko kay Manong Fred. Taka naman siyang lumingon sa akin.

"Pero Mikha, hija, baka magtanong sa akin ang mommy mo" Nag aalangan pang usap niya. Nginitian ko lang naman siya at inakbayan.

"Don't worry, Manong Fred. Ako na bahala kay mommy, doon din naman ako mag lalunch mamaya kaya sasabihin ko rin ho sa kaniya" Sagot ko kaya napatango na lang siya.

"Nga ho pala, may isa pang baby car seat diyan sa garahe, kayo na lang po bahala maglagay sa sasakyan ni Aiah, hingiin niyo na lang po sa kaniya yung susi" Bilin ko pa sa kaniya, tumango na lang naman ito.

"E paano yung nasa sasakyan mo? hindi pa ba natin tatanggalin yan?" Tanong sa akin ni Manong Fred, nakangiti naman akong umiling sa kaniya.

"Diyan na ho yan, baka ho kasi maisipan ulit namin lumabas tatlo kaya sayang lang sa oras kapag tatanggalin pa yan" Sagot ko sa kaniya.

"Hindi ba magiging isyu yan sa kumpanya mo kapag mayroon makakita niyan? Nag aalangan pang tanong niya.

"Hindi welcome sa kumpanya ko ang ganon bagay at isa pa, hindi naman niyo natin makokontrol ang iisipin ng ibang tao sa atin, Manong Fred, kaya hayaan na lang natin kung meron man" Natatawang sagot ko kay Manong Fred, tumango naman siya.

"Tama ka roon, hija. Hanggat masaya ka at wala kang tinatapakan na ibang tao, walang problema yon" Nakangiting usap pa sa akin ni Manong Fred. Wala nga ba?

Oh come on, Mikha. May iba ng mahal si Aiah.

"Mag iingat ka sa pagdadrive ha" Bilin pa niya bago ako sumakay ng kotse, tumango na lang naman ako at nagdrive na paalis ng bahay.

Nandiyan sila sa bahay mo dahil kailangan muna nila ng panandalian na titirhan, hindi dahil gusto ka rin niya at lalong hindi dahil ikaw ang pinili niyang makasama sa pag aaalaga sa bata.













___________________________________________
Todo update kasi gusto ko ng tapusin 'to para masimulan ko na yung isa hahaha.

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon