Kabanata 66

167 16 10
                                    

Kabanata 66

A Man

NAGISING AKO nang parang may malaking bagay na nakadagan sa akin. Pero nang magmulat ako ay wala naman. Sadyang mabigat lang talaga ang pakiramdam ko.

Hindi ko na alam kung ano'ng oras ako nakatulog kagabi. Hinintay ko pa kasing umuwi si Kuya Malach dahil sa umalis siya ng bahay pagkatapos niyang makipag-usap kila Mommy at Daddy kaya nag-alala ako. Umuwi siya ng lasing na lasing. Kumatok pa nga siya sa kwarto ko pero masakit man sa akin ay hindi ko siya pinagbuksan.

Medyo naiinis lang ako sa parte na hindi niya agad sinabi sa akin na hindi kami magkapatid. Pero ang mas ikinakainis ko ay hindi ko naman maalalang inampon siya ng mga magulang ko, hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko. Gusto kong ipaalala niya sa akin 'yon, I wanted to hear his side pero gusto ko ay 'yung normal siya at hindi lasing. Pupunta rin naman na ulit ang mga Tito, Tita at mga pinsan ko dito sa bahay para mag-usap-usap kami.

This is it. The day that I have been scared to come. I want to hear everything, I want to divulge everything.. and I'm ready to face everything.

Nagising ako nang mugto ang mga mata ko dahil sa panay ang iyak ko kagabi sa mga nangyari. Narinig ko pang nag-away sila Kuya Zachy at si Daddy kagabi bago ako nakatulog, rinig na rinig ko sa boses ni Daddy ang galit at pagkadismaya niya sa amin.

Wala sana akong balak na tumayo sa kama ko pero may bigla akong narinig na kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad naman akong napabaling doon. Kahit na pakiramdam ko ay tuluyan na akong nilubayan ng enerhiya ko ay pinilit ko paring tumayo at maglakad para mapagbuksan ko ng pinto 'yung kumakatok.

Pagkabukas ay ang lalaking namumungay pa ang mga mata at magulo pa ang nga buhok na si Kuya Zachy ang bumungad sa akin.

"Zaicho, prepare yourself. Mag-ayos ka na, nasa baba na sila." Antok na sambit niya saka rin mabilis na tumalikod saka naglakad papalayo.

Pagkasara ko ng pintuan ay agad kong isinandal ang likod ko dito. Tumingala ako saka mariing napapikit nang maramdaman ko ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata ko.

Nawa'y hindi kami pabayaan ng sansinukob. Ano mang mangyari ngayon, sana'y hindi na maulit ang mga nangyari noon na mailalayo sa akin si Kuya Malach. Mabigat na para sa akin ang limang taon na hindi namin pagkikita, pero sa pagkakataong ito, papaano kung mas higit pa do'n ang mangyari?

Nag-ayos lang ako ng sarili ko saka rin ako lumabas ng kwarto. Nakita kong bukas na ang pintuan ng kwarto ni Kuya Malach, baka nasa baba na.

Bawat yapak ko pababa ng hagdan ay siya rin namang pagsisimula ng mabilis na pagtambol ng puso ko. At nang makababa ako ay do'n ako muling ginapangan ng kaba dahil sa nando'n na nga silang lahat, ang angkan namin.

Sa sala sila nakapuwesto. May dalawang sofa ang nando'n, sa kaliwang sofa, doon nakapuwesto si Mommy at Daddy kasama ang ilang mga Tito't Tita ko, nasa gitna si Kuya Malach na malumanay na nakatitig sa akin. Gustong-gusto kong tumitig din sakaniya pero baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Sa likod nila ay ang ilang mga pinsan kong sila Irene at Kuya Dustin, agad na nailipat sa akin ang mga tingin nila kaya mabilis akong napayuko. Nando'n din si Lite na hindi ko alam kung matatawa ba o ano habang deretsong nakatitig sa akin.

Sa kanang sofa ay ang pagpu-puwestuhan ko siguro. Nando'n si Tito Dante at sa gilid niya ay si Jumar at Jennie. Sa likod ng sofa ay ang mga lalaki kong pinsan. Nando'n din sila Sachzna at Zerachiel na siyang bahagya kong ikinabigla, katabi rin nila si Kuya Zachario, bakas na bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala sa akin.

Nanatili akong nakayuko nang makaupo ako sa gitna ng kanang sofa. Sandaling katahimikan na muna ang bumalot sa amin hanggang sa may marinig akong tumikhim.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now