Kabanata 67

145 15 2
                                    

Kabanata 67

Revelation

ILANG SANDALI ring walang nagsalita pagkatapos umalis ni Kuya Malach. Hanggang sa naramdaman kong may naglakad mula sa likuran ko papunta sa isa pang sofa sa gitna, sila Jumar at Jennie.

Kunot noo ko silang pinagmasdan. Jumar look so worried the way he looked at me while Jennie is obviously pissed. Nagbuntong hininga si Jennie saka siya tumikhim, marahan pa siyang umayos ng upo na para bang hinahanda niya ang kaniyang sarili.

"Tito.. Tita.." malumanay niyang tawag sa mga magulang ko. "I think it's time po para sabihin kay Zaicho ang totoo. A-Ayoko po siyang maguluhan sa mga nangyayari.. ayokong sa iba pa niya malaman." Parang nakikiusap na ang naging tono ni Jennie.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig kila Mommy at Daddy, nanghihingi ng kasagutan. So mayroon talaga akong dapat malaman?

Mariin akong napalunok nang gapangan ako ng kaba. Pakiramdam ko kasi ay mayroon silang importanteng bagay na dapat sabihin sa akin. Nang magtagpo ang mga paningin namin ni Jennie ay sinubukan ko siyang tanungin gamit ang tingin ko.

Nag-iwas lang ako ng tingin sakaniya nang marinig ko ang pagtikhim ni Daddy. Sobrang seryoso ng ekspresyong nakapinta sa mukha niya

"Anak, totoong ampon lang si Malach." Anas ni Daddy saka niya ako deretsong tiningnan sa mga mata ko. "He is the son of your Mom's bestfriend, Helsey."

I swallowed hard as I try to internalize the last line from my Daddy. Mom coughed a bit before she speaks.

"Si Helsey ay anak noon ng isa sa mga trabahador ng hacienda natin, si manong Kenji, ang lolo ni Malach. Napakabait nila, anak. Matagal na nagtrabaho sa pamilya natin ang lolo ni Malach, siya ang nag-alaga sa akin simula pagkabata ko kaya parang kapatid ko na rin si Helsey dahil sa halos sabay kaming lumaki." Bahagyang ngumiti sa akin si Mommy. Pero agad din 'yong nabura nang tila ba mayro'ng biglang sumagi sa utak niya. "Pero hindi ko naman inaasahan na gano'n ang gagawin ng lolo mo sakanila."

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Mommy. Nakita kong kinuyos din niya ang kaniyang kanang palad para siguro pigilan ang kaniyang sarili. Mas lalo tuloy akong ginapangan ng kaba sa mga impormasyong naririnig ko. Muli niya akong tiningnan sa mga mata.

"Zaicho, anak.. pinagbintangan ng lolo Gabrielle mo ang pamilya ni manong Kenji na nagnakaw noon sa mga gintong ibinaon ng lolo mo sa hacienda natin." Bahagyang umawang ang bibig ko. Sa lolo Gabrielle ko, Daddy ng Mommy ko, nanggaling ang lahat ng mga businesses na mayroon kami ngayon. Wala akong masyadong alaala kasama siya pero laging kinukwento sa akin ni Mommy na sobrang strikto niya.

"Pinahirapan ng mga tauhan ng lolo mo sila Helsey at manong Kenji. Napalayas pa sila sa hacienda pagkatapos no'n. Takot silang magsumbong sa nga awtoridad dahil sa tumatakbo ang lolo Gabrielle mo sa pagka-senador no'ng mga panahong 'yon kaya nanahimik nalang ang pamilya nila Helsey dahil sa baka mas malala pa ang mangyari sakanila." May mga naririnig na akong kuru-kuro tungkol sa lolo ko dahil sa pagiging senador niya noon.. pero hindi sumagi sa utak maski minsan na kaya talagang gawin ng isa mga miyembro ng pamilya namin ang gano'ng klaseng bagay.

Nanatili lang akong nakatulala kay Mommy, hindi alam ang sasabihin o gagawin. Hindi na niya napigilan at tuluyan ng rumagasa ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.

"Nag-aalala ako no'n dahil wala silang matirhan. Gustong-gusto ko silang puntahan para tulungan pero lumuwas na daw sila ng Maynila noong mga panahon na 'yon para do'n magtrabaho." Ilang beses siyang humikbi kaya agad siyang hinaplos ni Daddy sa kaniyang likod upang patahanin.

Hanggang sa pinunasan niya ang luha niya gamit ang palad niya saka siya muling tumingin ng deretso sa mga mata ko na para bang desidido talaga siyang ikwento sa akin ang lahat.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now