Kabanata 68

150 21 1
                                    

Kabanata 68

A Brother

Tumakbo ako ng tumakbo kaya hindi ko na alam kung malayo na ba ako sa bahay namin o hindi. Pero may isang bagay akong hindi maipagkaila, pakiramdam ko ay nakalaya na ako.

"Malach!" Sigaw ko na para bang nasa malapit lang siya. Medyo malabo na ang nakikita ko dahil sa pamumuo ng mga luha sa aking mga mata.

Tumigil na ako sa pagtakbo ko nang makaramdaman ako ng pagod. Biglang nanlambot ang tuhod ko kaya inilagay ko ang dalawang mga kamay ko dito saka ako bahagyang yumuko dahil sa doon na rumagasa ang mga luha mula sa aking mga mata kasabay ng paghangos ko.

Gustong-gusto ko siyang makita ngayon at makasama. Wala na akong pakielam kung tatalikuran kami ng mundo. I want to be in his arms again and feel his presence. Ngayon na alam ko na ang totoo, pwede ko na siyang ipagsigawan sa buong mundo. Pagod na akong magtago. Pagod na akong maging tagasunod sa kung ano'ng sasabihin ng ibang tao.

Sa pagkakataong ito, gusto ko namang piliin ang sarili ko katulad ng pagpili sa akin ni Malach.

Nasa gano'n akong sitwasyon nang makarinig ako ng busina ng isang kotse mula sa aking likuran. Umayos ako ng tayo, hindi na muna ako lumingon at pinunasan ko na muna ang mga luha ko.

Nang lumingon ako sa likuran ko ay agad kong namataan si Kuya Zachy na nasa loob parin ng kotse niya. Sobrang seryoso ng ekspresyong nakapinta sakaniyang mukha habang deretso siyang nakatitig sa akin. Sobrang diin ng pagkakaigting ng kaniyang mga panga at pansin ko rin ang madiin niyang pagkakahawak sa manibela habang seryosong nakatitig sa kabuuan ko.

Bumaba siya ng kotse at inakala kong pipigilan niya ako sa pagpunta kay Malach at iuuwi niya na ako, pero hindi. Tumigil siya sa harapan ko.

Sandali niyang tinitigan ang mukha ko. Hanggang sa nagtapos ang tingin niya sa mga mata ko. Bahagyang umawang ang mga labi ko nang inilagay niya ang palad niya sa pisngi ko para punasan ang mga natitirang luha kong nando'n. Nabigla pa ako nang makita ko ang pamumuo ng luha sakaniyang mga mata.

"My baby brother.." halos pabulong niya ng sambit. Mukhang hindi na niya napigilan at tuluyan nang nahulog ang ilang butil ng luha mula sakaniyang mga mata.

Hanggang sa inalis niya ang kamay niya sa pisngi ko saka siya bahagyang tumikhim at umayos ng pagkakapostura, halatang pinipigilan ang kaniyang sarili. Muli niya akong tinitigan sa mismong mga mata ko.

"Ihahatid kita sakaniya," sambit niya kaya agad akong natigilan.

"You know where he is?" Gulat kong tanong, nangungunot pa ang mga noo.

"Sakay." Tugon niya lang saka siya tumalikod sa akin at naglakad papunta sa kotse.

Napakurap pa ako ng dalawang beses habang nakatitig sa likuran niya. He knows where he is. Gusto ko pa sana siyang tanungin pero pakiramdam ko ay wala ng oras. Hanggang sa businahan niya ako kaya agad akong nagmadali sa pagpasok ko ng kotse.

Habang umaandar ang kotse, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kapatid ko. Gusto ko sanang tanungin kung bakit at papaano niya ako ihahatid kay Malach. I'm not that vocal to him on how I feel inside, pero alam kong nababasa niya ang kung ano ang nasa mga mata ko.

At ihahatid niya ako kay Malach.. na minsan kong kinilala bilang isang tunay na nakatatandang kapatid. So meaning.. tanggap niya?

"Do you remember the day that you admitted to me that you're gay?" Agad akong napaangat ng tingin sakaniya nang binasag niya ang katahimikang kanina pa namamayagpag sa pagitan namin.

Napaawang ang labi ko, hindi alam ang sasabihin. He just laughed a bit when he saw my reaction. Nahihiya naman akong napayuko dahil sa hindi ko maalalang umamin ako sakaniya, marahil ay isa sa mga memorya ko na natanggal nang dahil sa naging sakit ko.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now