“Magandang gabi, Sol!” Pasigaw na sabi ng dalagang si Luna sa binatang nasa itaas na bintana. Tila hindi siya nito narinig kaya hinayaan na lamang niya iyon at inisip na lang na may susunod na gabi pa naman.‘Magandang gabi, Sol...’ Dinig ng binatang si Sol na halos pabulong lamang, lumingon siya sa ibaba ngunit purong kadiliman lamang ang kanyang nakikita. Kaya naman ipinag sa walang bahala na lamang niya iyon.
__
“Magandang umaga, Luna!” Masiglang bati ni Sol kay Luna na tila nag mamadali sa pag pasok sa bahay nito at hindi na narinig ang pag bati niya.
Ganon niya laging naabutan ang dalaga, hindi niya alam kung ano ang itsura ng mukha nito dahil lagi niya itong nakikitang papasok na sa bahay nito at laging nakatalikod sa kanya.
Ang alam niya lang ay mayroon itong mahabang kulay abong buhok at ang ibang parte noon ay kulay puti, umaalon iyon kaya alam niyang bagay na bagay ito sa dalaga. Tama lang din ang hubog ng katawan nito pero nasisiguro niyang mas malaki siya ng 'di hamak dito.
Hindi siya nag kakaroon ng pagkakataon na makita at makausap ang dalaga dahil mailap ito, tila laging natutulog na lamang tuwing sisikat ang araw, siguro'y dahil na rin sa pag tatrabo nito. Pero alam niya na laging itong nariyan lamang.
__
Palabas na ng bahay ang dalagang si Luna upang gawin ang kanyang trabaho nang matanaw niya si Sol. Hindi niya naabutan sa labas ang binata kapag gabi, siguro'y maaga itong natutulog, hindi kagaya niya na may nililibot pang iba't-ibang lugar bago mag umaga at mag pahinga.
Matagal na niyang hinahangaan ang binata dahil sa taglay nitong positibong enerhiya, na tila ba lahat ng makakakita rito ay makukuha rin ang enerhiyang iyon mula sa binata.
Madalas niyang isipin na ganoon din kaya ang nagagawa niya sa iba? Alam niya kasing masyado siyang mahinhin sa mata ng iba kaya madalas lamang siyang titigan ng mga ito.
Kung meron man siyang naidudulot sa iba siguro ay minsan maganda iyon, minsan din naman ay hindi. May isang beses na isinama siya ng kanyang itay sa pamimingwit pero biglang na lamang tumaas ang tubig at biglang umalon ng medyo malakas kaya napag pasiyahan na lamang ng itay niya na umuwi na lamang sila.
Ngunit ng araw ding iyon ay bumalik ang itay niya sa lugar ay maayos na ang lebel ng tubig at hampas ng alon. Inisip niya palagi na siguro'y malas lang talaga siya sa paghuli ng isda.
Dinungaw niya ang bintana ni Sol at nakitang nakakunot ang nuo nito at nakatingin sa ibaba kung nasaan siya kaya naman, dali dali siyang tumakbo paalis doon. Alam niyang madilim doon pero nakakahiya naman kung makita siya roon ni Sol.
‘Haaay! Magandang gabi na lang ulit, mahal kong Sol.’ Matamis niyang sabi at malakas na bumuntong hininga at saka lang naisip kung ano ang sinabi.
‘Ang ibig kong sabihi'y, magandang gabi, Sol! Ano ka ba, Luna?! 'Wag ka ngang pala-desisyon! Gwapo si Sol, oo, pero hindi pwede.’ Bulong-bulong pa niya sa sarili.
‘Pero, bakit nga ba hindi pwede, Luna? Haayy, bahala na si Neptune!’
____
Tahimik na naka tanaw si Sol sa kaniyang bintana. Wala na ulit siyang makita sa labas, kahit na ang mga kabahayan, lagi iyong nangyayari pag sapit ng gabi. Tila siya na lang ang liwanag sa kadilimang iyon.
Nakatitig lang siya sa ibaba at nag ba-baka sakali na may makita sa labas, ngunit sa kanyang dismaya, wala talaga. Bulag siya sa labas sa ganitong oras, kahit ang sigaw doon ay bulong na lang ang umaabot sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/297617019-288-k655180.jpg)