Gaano ba kalakas ang mga tingin?
Pasulayap sulyap lamang ang kanyang kayang damhin. Mga salita niya hindi kailangang bigkasin. At bugsong damdamin ay kaya niyang tiisin.
Lahat ay tatahimik at walang iimik kapag siya ay nais nang bigyang pansin. Lumilipad ang isip sa malayo at hindi na makabalik. Ang realidad ay kanyang tinalikuran, mayroon pa kaya siyang babalikan.
Kaharap ang salamin ay kanyang naisipan ang trahedya gusto niyang kalimutan. Kumusta na aking sarili? ay ang kanyang katanungan.
Kahit mahirap ay tuloy pa rin ang agos. Malayo naman raw ang kanyang mararating kung hahayan niya itong mairaos. Dahil mga tingin lamang ang kaya niyang ibigay sa taong walang kamalayan sa kanyang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
kagiliran
PoetryAno nga ba ang ibig sabihin ng kasabihang "Eyes are the windows to the soul" ?. Ito ba ang pagkakataong hahayaan mong magsalita ang iyong mga mata? o Pagkakataong manahimik na lamang at hintayin na maintindihan ka niya?.