Ferdinand POV
Andito kami ngayon nina mama, Imelda at ng mga bata sa hapag-kainan
Naging maganda naman ang takbo ng aking pamamahala pero may mga bagay na naninibago pa rin ako
Dito na rin kami nagdiwang ng bagong taon sa Malacanang
"Oh, your daddy and I will be going to the America next week. Any of you wanna come?" tanong ni Imelda at nagsitaasan ng mga kamay ang mga bata
"Me mommy!" sigaw sigaw nung tatlo
"No one's coming with us. I don't want any of you to miss school for nonsense adult things like this" pinagsabihan ko sila at nakita ko ang mga mukha nilang nag-iba at bumalik sa pag kain
"Fine, maybe some other time pero not now" sabi ko nalang dahil naaawa ako sa mga mukha nila lalo na si Irene na parang nabagsakan ng langit
"Yehey!!" sigaw ng mga bata at paglingon ko sa aking katabi ay sabay na din sumigaw si Imelda at tumawa nalang ako
Konsintidor talaga itong si Imelda
Matapos naming kumain ay pumasok na din ako sa aking study room para magtrabaho
Maya-maya ay pumasok si Imelda. Nilapitan niya ako at parang nagpapalambing
"Sweetheart?" panimula nito
"Mmm?" sagot ko habang ang mga mata ko ay nasa mga papeles parin na nasa lamesa ko
"Di mo naman ako pinapansin eh?" at napalingon ako sa kanya
"Bakit sweetheart? What's wrong?"
"Ang busy busy mo na Macoy" pang-aawa ni Imelda kaya nilapitan ko ito
"You know the first year's always the hardest, darling. Masasanay rin ako nito and I'll try to manage my time a lot better" paliwanag ko habang hawak ko mga kamay nito at hinalikan ko siya sa labi
"How about this? Sabay tayong kakain mamaya? What do you think?" tanong ko total may mga panahon din na hindi kami nagkakasabay kumain
"Ferdinand... di ka naman marunong magluto"
"Ibang kainan ibig sabihin ko, sweetheart" bulong ko sa kaniya at daling namula ang mga pisngi nito
"Ferdinand!!!" sabay sapak sa balikat ko at tumawa lang ako
"Balik muna ako dito Meldy ko, tatapusin ko lang to para maaga akong matapos. I love you" sabi ko sabay halik sa kaniyang noo at umupo ako ulit sa aking upuan
"I love you too" sagot ni Imelda sa akin
Bago paman siya makalabas sa pintuan ay nagsalit ako
"For the meanwhile, dito muna ako mag eenjoy" sabi ko at pinakita sa kaniya ang picture frame na nasa lamesa ko
"Baliw ka talaga Andy!" at tuluyan nang umalis
-
Natapos ko na ang lahat lahat at pagtingin ko sa orasan ay mag aalas tres na pala ng umaga
Pumasok ako sa kwarto ng mga bata para tingnan kung natulog na ba sila
Pumasok na rin ako sa kwarto namin ni Imelda pagkatapos
Nakita ko na nakahiga na ito habang nakabihis pa
Nilapitan ko ito at nakita kong natutulog na
Parang walang loving loving na mangyayari ngayon ah
Kaya nagbihis na ako ng pangtulog at natulog na rin