Chapter 44

316 20 26
                                    

Y/N POV

Ilang mga linggo na ding nakalipas nung huli kong nakakausap si Luis at ikinansela ang kasal

"Y/N, tumawag nanaman siya dito" banggit sa akin ni Rosa

"Sabihin mo ulit na wala ako dito" sabi ko

"Kausapin mo nalang kaya?"

"Wala na akong kailangan sabihin, Rosa. Nasabi ko na lahat"

"Ganun nalang yun? Dahil lang sa mama mo?"

"Kilala mo si mama, Rosa. Alam mo kung anong kaya niyang gawin" sabi ko at hindi na sumagot si Rosa

"Wala siya dito, Luis. Umalis" sabi ni Rosa sa telepono

Ilang beses sa isang araw dito tumatawag si Luis

Nagpapadala din siya ng mga sulat

Inaamin kong namimiss ko siya pero hindi ko kayang gawin sa kaniya ang maaaring gawin ni mama kung ipagpapatuloy pa namin ito. Mas mabuti na yung ganito

Tumayo ako sa aking inuupuan nang para akong mahilo

Anemic ba ako?

Naligo na ako para maghanda kasi may pupuntahan pa akong hospital

Nagsusuklay ako nang nag-iiba lalamunan ko. Nasusuka ako

Tumakbo ako patungong banyo at sumuka. Nanlaki ang aking mga mata

Ito nanaman tayo, kung ano ano nanaman ang pumapasok sa aking isipan

Lumabas na ako ng banyo at patuloy nang nag-ayos

"Rosa, aalis muna ako pupunta ako ng hospital mag ra-rounds. Mauna ka nang kumain, baka gutumin ka wag mo na akong abutin" bilin ko

Paglabas ko ay pumunta muna ako ng pharmacy para bumili ng pregnancy test. Para maka siguro, hindi naman siguro masamang ipagpalagay na ganito diba?

Pagkatapos kong bumili ay pumasok na ako ng sasakyan at nagmaneho papuntang hospital. Nagpasiya akong doon nalang din ako iihi kaya pumunta ako ng banyo

Habang nagpapaabot, lumabas na ako ng banyo nang nabangga ko si Pacifico

"Paco! Oh, nandito ka pala?" bati ko

"Y/N! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nakatingin sa aking kamay

"Ano iyan?" dagdag nitong tanong

"Ah wala" at ibinulsa ko na rin ang pregnancy kit

"Andito ako for rounds. May tumawag kasi na doctor sa akin nagpapa substitute kasi mag a-out of town daw" paliwanag ni Paco

"Ako rin eh, oh siya? Mauna na ako?" at umalis na ako para mag rounds

Buong araw akong nag check up ng mga pasyente kaya ginabi na rin akong umuwi

Pag-uwi ko ay nakita kong naka off na lahat ng mga ilaw

Mukhang tulog na ata si Rosa kaya pumasok na ako sa kwarto at naligo

Matapos maligo ay nagbihis na para matulog nang naalala ko ang pregnancy kit na nasa bag ko

Hindi ko pa pala alam ang result

Kaya kinuha ko ito sa aking bag at pagtingin ko...

Positive

Nabigla ulit ako

Buntis ako?

Pero sino ang ama?

DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon