CHAPTER LVIII

7K 157 1
                                    

AIAH'S POV

"Aiah, ikaw pala" Nakangiting bungad sa akin ni Manong Fred ng lumapit ako sa kaniya pagkaalis ni Mikha.

"Alam niyo ho, Manong Fred. Sa nakikita ko, mas lalong minamahal ko ho yang alaga niyo" Nakangiting usap ko sa kaniya habang tinatanaw ang sasakyan ni Mikha.

"Mahal na mahal ka rin naman ni Mikha, hija. Hindi ka man naaalala ng isip niya, pero sa puso niya, naaalala niya yung pamilyar na pakiramdam na mayroon siyang mahal. At ikaw yon, Aiah. Sa pag aalala pa lang niya sa inyong dalawa nung bata ay hindi mo na talaga maipagkakaila" Nakangiting usap pa niya.

"Huwag kang mapapagod na hintayin siya, Aiah, ah. Dahil naniniwala ako na darating din ang tamang oras para sa inyo" Dagdag pa niya. Napangiti na lang naman ako at tumango.

Alam ng lahat ng tao sa paligid namin kung ano at kung sino ba talaga ako sa buhay ni Mikha, maging ang mga kasamahan niya rito sa bahay ay alam din kung sino ako at iyon ay dahil kay Tita Myrla na mommy ni Mikha.

Last week pa talaga ako nakauwi galing Canada, nakausap ko na ang pamilya ko at ang pamilya ni Mikha patungkol sa mga nangyari noon sa amin. Masaya akong tanggap na nila ang tungkol sa amin ni Mikha at masaya ako rito sa plano nila na rito na muna magstay sa bahay ni Mikha. Ibig sabihin, hindi totoong under renovation ang kwarto ko sa bahay nila Kuya Akira. At ang lahat ng ito ay plano ng pamilya ko at ni Mikha.

"Mabuti na lang at pumayag ka sa plano ng mga magulang niyo, mas lalong may posibilidad na maalala ka na ng alaga ko" Nakangiting usap pa ni Manong Fred sa akin.

"Sana nga ho, maalala na niya ako para maayos na namin ang dapat namin ayusin" Sagot ko na lang kay Manong Fred.

__________________________________________

"Good Afternoon!" Masayang bati ni Mikha sa pamilya niya ng maabutan niya ito sa dining area ng Ate niyang si Maloi.

"Wow! Mukhang masaya ang loko ngayon ah" Asar pa ni Maloi sa bunsong kapatid, napangiti na lang naman si Mikha at hinalikan sa pisnge ang mga 'to.

"May gifts sayo si Tita Mikha pero later mo na tignan sa sala pagtapos mong kumain" Nakangiting sabi pa niya sa pamangkin niya at hinalikan ang ulo nito.

"Si kuya Jl?" Tanong pa ni Mikha sa kapatid niya.

"Nasa kumpanya, napaka busy rin kagaya mo" Sagot ni Maloi sa kapatid.

"May kailangan ka bang sabihin kung bakit ganyan ka kasaya?" Tanong ni Myrla sa bunsong anak. Nang mapansin ang napaka lapad na ngiti ng anak.

"Hmm, wala naman ho" Sagot ni Mikha.

"Wala o magpapa imbistiga ——

"Actually, may kaibigan ho ako na sa bahay ko nagsstay ngayon. Si Aiah. Kilala o nameet niyo naman na siya siguro noon, hindi ba?" Tanong pa ni Mikha sa Mommy at Ate Maloi niya.

"Kilalang kilala" Todo ngiting sagot ni Maloi kaya taka na lang napatingin sa kaniya si Mikha at napatango.

"Nandoon sila ngayon sa bahay ko kasama yung baby niya, ampon niya, actually, pero parang sarili na rin niyang anak yon kaya mali-mali, erase. Hindi niya ampon, anak na niya talaga yon" Tuloy-tuloy na usap pa ni Mikha kaya napangiti na lang napapailing ang Mommy niya.

"Kaya ka ba masaya ngayon? Kasi may kasama ka na sa bahay mo? Kaya hindi ka na rin ba naipagdadrive ni Manong Fred kasi siya muna ginawa mong driver kay Aiah?" Nakangiting tanong pa ni Myrla sa bunsong anak.

"Siguro po, mommy tsaka yes! mas kailangan nila si Manong Fred lalo na't medyo may pagka makulit na si Baby Queen ngayon" Sagot ni Mikha, hindi naman makapaniwalang humarap sa kaniya si Maloi.

"Sigurado ka bang yun lang? O baka naman may gusto ka na kay Aiah" Usap pa ni Maloi sa kapatid kaya gulat na lang napatingin sa kaniya si Mikha.

"See? kilalang kilala kita, Mikha" Natatawang dagdag pa ni Maloi.

"Oo na, kaya nga lang may iba siyang mahal e, kaya dapat alam ko kung hanggang saan lang ako sa kanilang mag ina" Usap na lang ni Mikha.

"Kaya susulitin ko na lang siguro yung mga oras na nandoon pa sila sa bahay ko dahil alam ko minsan ko na lang makakasama yon si Aiah at yung bata pag umuwi na sila sa bahay ng kuya ni Aiah" Dagdag pa ni Mikha, hinawakan na lang naman ni Myrla ang kamay ng bunsong anak atsaka ngumiti.

"Mahal mo?" Tanong ni Myrla sa bunsong anak, natulala na lang naman si Mikha sa tanong ng mommy niya.

"Kasi kung ako ang tatanungin mo, mahal mo na yang si Aiah, anak, halata" Nakangiting usap pa ni Myrla sa anak

"Posible ba yon, mommy? Ilan araw ko pa lang siya nakakasama pero yung dating pakiramdam ko na may kulang, ewan ko, pero binuo niya yon ng ganon ganon lang" Usap pa ni Mikha.

"Hintay-hintay lang, Bunso. Aayon din sayo ang mga gusto mo, pero sa ngayon, hanggang nasayo pa yung dalawa, pakita mo sa kanila na mahalaga na sila sayo, alagaan mo sila gaya ng pag aalaga mo sa amin" Nakangiting dagdag naman ni Maloi sa kapatid at mahigpit na niyakap ang kapatid.

"My god! May pamangkin na ako" Nanggigil na usap ni Maloi sa kapatid, napapailing na lang naman si Mikha sa kabaliwan ng kapatid niya.

"Nga pala, bukas birthday na ng kuya Aki mo, makakapunta ka ba?" Tanong ni Myrla sa anak niya. Nakanguso na lang naman itong umiling.

"Marami ho akong kailangan tapusin sa kumpanya bukas, gustuhin ko man pero mukhang malabong makasunod din ako sa party niya" Sagot ni Mikha. Napatango na lang naman ang mommy niya.

"Papadala ko na lang siguro sa secretary ko yung regalo ko kay Kuya Aki" Nakangiting dagdag pa ni Mikha.

"Tungkol nga pala kay Aiah, Ayokong makikita ko kayong magkakasamang tatlo nung bata ng hindi pa ayos ang sa inyo ni Aiah tsaka na kayo humarap sa akin pag malinaw na ang lahat sa inyong dalawa at please lang huwag na huwag niyo idadamay ang bata sa mga hindi niyo pagkakaintindihan, kung meron man" Seryosong usap ni Myrla sa anak, napalunok na lang naman si Mikha sa kaba at tumango na lang sa sinabi ng mommy niya.

"I guess, wala ka ng choice kundi suyuin nang suyuin si Aiah" Natatawang bulong pa ni Maloi sa bunsong kapatid, hindi na lang naman siya pinansin ni Mikha at pinagpatuloy na lang ang pagkain niya.




___________________________________________
Gusto ko lang sila bigyan ng moment haha

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon