May kwento ako
Noon, meron ikaw at ako
Sobrang saya ko nun
Kasama ka araw araw
Kausap, kahawak ang kamayNgunit tila lahat ng kwento
Ay may kasamang sakit, pagsubok
Sinubok tayo
Di tayo lumaban
Nadapa tayo
Pinilit bumangon
Ngunit sa pagbangon
Hindi na ikaw ang kasama
Malayo ka na
Hindi ka na nakakausapKala ay maayos na ang lahat
Kaya na tumayo sa sariling mga paa
Ilang taon din ang lumipas, ilan nga ba?
Ilang taon ang sinayang
Dahil sa dahilan na akala ay kaya ko naNgunit nakausap kang muli
Hinanap hanap ka
Nanabik sa pagmamahal
Na dati sayo lang naramdaman
Ngunit iba na ang kwento ngayonDi na tayo pwede
Malayo na ang narating ng bawat isa
Kailangan na gawin ang tama sa ngayon
Na talaga nga naman tama dahil ganon talaga
Kaya pipilitin nalang muli isara ang aklat
Itatago nalang itong libro sa kabinet
Di na muling bubuksan
Dahil bawat pahina ay puno nang sakit
Ngunit panigurado ako
Itong librong to, ang paborito ko sa lahat
BINABASA MO ANG
PUSO (TAGALOG POEMS)
PoetryMga pakiramdam at damdamin na isinulat upang maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman.. Salita na tungkol sa pag-ibig at pagkabigo. At kahit masakit, sa lahat ng libro, ikaw, ang pinaka paborito ko