NAALIPUNGATAN si Andie nang maramdaman niyang may nakayakap sa kaniya. Iminulat niya ang mga mata at bahagya lang nagulat nang nakita kung sino ang nakayakap sa kaniya. “Paul?! Bakit ka nandito? Ang aga pa ah,” bulalas niya habang kinukusot ang mga mata.
“Good morning, Best! Naisipan ko lang na tabihan ka sa pagtulog. Bawal ba?” bungad ni Paul at tumayo na. “Oh, tumayo ka na diyan. Dalian mo.”
Bumangon siya pero nanatiling nakaupo sa higaan. “Ha? Anong mero’n?” Anas niya.
Binatukan siya nito. “Grabe ka. Nakalimutan mo na ba? Birthday ni Mama ngayon at pupunta tayo sa bahay.”
Tila nawala ang antok niya at tumayo agad at inayos ang higaan. “Ay oo nga pala.”
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Oh, dalian mo na. Pumunta na tayo sa ‘min.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ngayon na?!”
“Oo. Maraming tao do’n mamaya. Kailangan nating mauna dahil matakaw ka.” Paul laughed.
Itinulak niya ito. “Baliw ka! O sige na. Wait lang, maliligo lang ako.” Pagtatapos niyang ayusin ang hinigaan ay nagtungo na siya sa banyo.
“Bilisan mo ha.”
Si Paul ang best friend ni Andie. Simula noong paslit pa lamang sila ay kaibigan na niya ang binata. As in like they're best friends already when they're only in pre-schools. Paano ba naman? Their mothers were close friends too. Kumbaga'y mag-amiga ang mga ito noon pa lamang kaya siguro'y mas madali silang napalapit sa isa't-isa.
Andie and Paul were like bread and butter. Sa tagalog namang idioma, para silang puto't dinuguan. Lagi silang magkasama. Sa school, sa galaan, at kung saan pa. Kaya naman hindi rin maiiwasang mapagkamalan sila ng ibang tao na mag-nobyo.
Andie was in her third year in college now. At hindi lang basta-basta ang pagiging third year college niya. Actually, she was a working student, a part-time service crew at McDonald's kung saan siya nagaaral. Kinailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil gusto niyang makatulong sa ina niyang si Sylvia.
Andie never had a father. The time that Sylvia was pregnant with her, her dad died of an accident. Ngayon ay sila na lang ng Mama Sylvia niya at ang bunsong kapatid na si Shirley ang magkasama sa buhay. Kaya mas kailangan niyang magpursigi para sa pamilya niya.
"HOY, PAUL. Ready na ako." ani Andie sa kaniya.
Siya naman ay nanatiling nakatitig dito.
"Best, ano ba? May dumi ba ako sa mukha? Pangit ba ang suot ko?" untag ni Andie sa kaniya.
Noon lang nakapag-react si Paul. Kinurap-kurap niya ang mga mata. "What? Uhh... Hindi. Wala. I mean, ayos lang ang suot mo." agad na sabi niya.
Nalukot ang ilong ng kaibigan. "E bakit kung makatitig ka sa 'kin kanina?" nagtatakang tanong nito.
Umiling-iling siya at tumayo na. "Wala. May naalala lang ako." tanggi niya.
Ngumiti lang si Andie na tila hindi kumbinsido sa sagot niya.
"Let's go?" aya niya rito.
Andie looked so charming ang sweet sa suot nitong sleeve-less dress na kulay asul na dark ang shade. Hanggang sa binti ang haba ng dress na iyon. Napakanda ng best friend niya sa suot nito. Hindi niya sigurado kung dahil iyon sa ngayon lang uli ito nagsuot ng bestida o talagang gumaganda ang kaibigan niya.
Andie was tall and slim. She had tan skin. Morena, at makinis. She had long, wavy black hair. She had the face of a perfect architecture. May jawline ito na sa tingin niya ay hindi babagay sa ibang babae. Biniyayaan din ito ng magagandang mata, katamtamang liit ng ilong, malaman at natural na mapupulang labi.
Ang itsura ng kaibigan ay maikukumpara sa aktres na si Lovi Poe. Filipinang-Filipina ang kagandahan.
Nagpaalam lang sila sa Mama Sylvia ni Andie at umalis na sila gamit ang motor niya.
BINABASA MO ANG
Untitled yet
RomanceA story of best friends. Seperated by destiny. And reunited by destiny. The story became exciting when they slowly discovers feeling for each other. Will they end up being lovers? or They are better off as best friends?