OUR ASYMPTOTIC LOVE STORY
Pinagtagpo pero hindi tinadhana,
O tinadhana pero hindi pinagtagpo,
Alin nga ba 'yong mas masakit?
'Di ba 'yong pangalawa,Oo sabihin na nating tayo na talaga hanggang sa huli,
Na pareho nating mahal ang isa’t isa,
Na pareho tayong handang ipaglaban ang ‘tayong dalawa’,
Na pareho nating panghahawakan ang salitang ‘mahal kita’,Sa kabila ng anumang trahedyang dumating,
Lindol, bagyo at iba pa,
Ang mga puso natin ay mananatiling iisa,
At hinding-hindi mababawasan ang ating nararamdaman ni katiting man lang,Pero paano kung may mga bagay talaga na hindi pwede?
Na kahit anong pilit nating gawin,
Ikaw at ako ay di magiging tayo,
Kaya, tama na,Tigilan na natin 'to,
Dahil ang linya nating dalawa kahit pilit nating pinaglalapit,
Kailanman ay hindi magtatagpo,
Kaya, gising na.*Asymptotic
- Lines that move closer to each other but never met.
YOU ARE READING
SALITANG MAGKATUGMA
PoetryMga salitang hindi na kayang itago pa, isusulat na lamang gamit ang papel at pluma.