FEB-IBIG

180 6 5
                                    

FEB-IBIG

Ang buwan ng Puso kung saan kinikilig ang mga babae sa mga lalaking malambing lang tuwing pebrero dahil nga buwan ng mga Puso.

Uso ngayon ang bigayan ng Tsokoleyt , bigayan ng bulaklak, paggawa ng mga mukhang parol na papel na kulay pula na hugis puso na may taling pula na sinasabit sa kisame sa mga paaralan, pagsuot ng pulang damit, pagharana kahit laos na yun, pagiging malambing sa buwan na ito, pagdikit na kung ano anong kabaliwan sa dingding ng libro ng mukha, paghanap ng mamakadate sa internet at kung ano ano pa.

Yung iba may kasama na, may kapalitan ng regalo, may kasamang kakaen sa labas, may kahawakan ng kamay, at kasamang mamasyal sa SM at hindi napapagod kahit na paulit ulit ng umikot sa buong mall. Yung iba nasa park para makipagmeet sa taong sa text lang nakilala. Yung iba pati ang sementeryo ginawang meeting place wag lang mahuli ng magulang nila na may karelasyon na sila. Yung iba naman kunware magpapasamang bumili pero sa totoo, gusto lang nilang makasama ang taong yun. Pero hindi lahat masaya ang balentayns. Yung iba kasi kung kelan ang araw ng mga puso, dun sila iniiwan, Doon sila pinapaasa, kaya kung isumpa ang BALENTAYNS DAY eh parang ang araw ang nakipaghiwalay sakanila. Yuing totoo ? Mapakla ka lang? Anong kinalaman ng araw na yun sa paghihiwalay niyo?

May mga taong  ginagawang hotel ang swimming pool, ineenjoy talaga ang panahon. Sa totoo lang, ito ay naglalaman ng mga reklamo sa buhay. Gaya ng bakit nga ba tinawag itong buwan ng mga puso pero mas sikat pa ang pagbibigay ng bulaklak at tsokoleyt kesa sa pagmamahal, na yun talaga dapat ang matanggap ng bawat isa? Bakit ang mga nag iisa, tawag sa balentayns ay independence day? ang sarap tuloy nilang ibalik sa GRADE ONE. Pag ba balentayns dapat laging may kapartner? Pwede namang gawin mong kaDATE ay mga magulang mo o kaya mga kaibigan mo.

Ang BUWAN NG MGA PUSO ay buwan ng PAGMAMAHAL. Hindi porket wala kang kasintahan ay wala kana ding balentayns. Basta may mahal ka at may nagmamahal sayo, dapat mong ipagdiwang ang balentayns. (WOW DRAMA?) Sa totoo lang, alam kong walang patutunguhan ang mga reklamo kong ito pero ito ang mga realisasyon sa buhay, ito ang totoo.

LOVE is not just about to a relationship between opposite gender. It is also about love to everyone that everybody can feel.

- naman? Inglis ! :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FEB-IBIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon