CHAPTER LXI

7.2K 158 15
                                    

AIAH'S POV

"Good Morning" Bati sa akin ni Mikha ng bigla siyang pumasok sa kwarto na tinutuluyan namin ni Baby Janna. Nakita ko naman na bihis na siya at ready nang pumasok sa opisina niya kaya taka pa akong napatingin sa kaniya ng saglit pa siyang lumabas para kunin ang isang tray na puno ng pagkain.

"Good Morning" Bati ko na lang din sa kaniya at naupo pero iba yata talaga ng alak sa akin ng bigla ko na lang naramdaman ang sakit ng ulo.

"Arrgh ang sakit" Nasabi ko na lang habang hawak-hawak ang ulo ko, narinig ko naman na natawa na lang si Mikha kaya napatingin na lang ulit ako sa kaniya na ngayo'y nakaupo na rin sa kama.

"Hindi rin sana kita papansinin kasi umuwi kang lasing pero masyado kang maganda para dedmahin, so, wag na lang" Todo ngiting usap pa niya kaya taka na lang akong napatingin sa kaniya. Ang ganda ng umaga niya ah. Sana always.

"Edi kapag nakakita ka ng iba pang maganda, papansin mo na lang rin?" Tanong ko sa kaniya pero nakangiti naman siyang umiling

"Bakit naman?" Takang tanong ko pa kunwari sa kaniya. Ay nako! subukan mo lang talaga Mikha Lim!

"Kasi hindi naman sila ikaw" Sagot niya na siyang kinabigla ko talaga. Hoy! Yawa! Nalasing lang ako pero parang ibang tao na tong nasa harap ko, I mean, parang yung dating Mikha na naaalala pa ako, dating Mikha na naaalala pa ako bilang girlfriend niya.

Maya-maya lang ay nakatanggap na si Mikha ng tawag kaya agad niya rin itong sinagot na tabi ko.

"Yeah, yeah. I'm on my way na, may inasikaso lang importante" Usap pa niya tsaka tumingin sa akin. Ako ba yung importante na yon? Mikhaaaaa!

"Okay, okay, 5 minutes" Sagot pa niya at binaba na ang linya.

"Kumain ka na, inumin mo na rin yang gamot pagtapos mo, pahinga ka na lang muna diyan at ako na bahala kumuha kay Baby Queen, nagtext kasi sa akin si Ate Maloi na nasa kanila raw ni Mommy yung bata" Usap pa niya bago tumayo ng kama. Napatango na lang naman ako bilang sagot.

"Tawagan mo na lang si Aling Fe kapag may kailangan ka, binilin na rin naman kita sa kaniya" Usap pa niya kaya natawa na lang ako

"Hep! hep! hep! Mikha, chill, may hangover lang ako pero hindi ako bagong panganak" Natatawang sabi ko pa sa kaniya kaya napangiti na lang din siya.

"Whatever! Pasok na ako" Paalam pa niya at mabilis na hinalikan ang sentido ko. What the?!

"Kumain ka na ah" Bilin pa niya tsaka naglakad na palabas ng kwarto.

"Pahatid ka na kay Manong Fred ah! Ingat!" Sigaw ko sa kaniya, tumango naman siya at lumabas na ng kwarto.

"I love you" Nasabi ko na lang ng isarado na niya ang pinto. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ulit ang pinto at sumilip pa ng bahagya si Mikha

"Hmm, wala naman, Te quiero, Aiah. Pasok na ako"  Usap pa niya at dali daling sinara ulit ang pinto. Te? ano?

Habang kumakain ay nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Sheena.

"Hoy bo! Ano bang ginawa mo at pinapapunta kami ni Mikha ngayon sa opisina niya?" Tanong niya sa akin sa kabilang linya, napaisip naman ako habang ngumunguya. May ginawa ba ako?

"Wala naman, tulog na tulog nga ako" Sagot ko sa kaniya. Wala naman talaga, hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi e

"E bakit pinapapunta kami?" Tanong pa niya, natawa naman ako

"Aba ewan ko sa inyo, basta ako, dinalhan niya ako ng almusal dito sa kwarto" Sagot ko sa kaniya

"Ayy shala! Sana all" Natouch pang sagot niya

"Ah basta! pag hindi natuloy ang pinangakong concert ticket ni Sarah G na libre sa akin ni Mikha, ikaw sisisihin ko!" Sigaw pa niya at binaba na ang linya. Kaya ka kamukha ni Sarah G. e

Pagkatapos kumain ay agad ko naman kinontact si Mommy Myrla para kamustahin ang anak ko. Mommy ang gusto niyang itawag ko sa kaniya kaya sino ba naman ako para tumanggi, di ba? hahaha

"Good Morning, Mommy! Kamusta po si Baby Janna? Hindi naman po kayo kinulit?" Tanong ko sa kaniya

"Hay nako! Parang si Mikha ang isang 'to! Minsan napaka bibo, minsan napaka tahimik, minsan naman may sariling mundo, kaya hindi naman masyadong mahirap alagaan, maaga lang siya natulog kagabi kaya maaga rin siya nagising kanina, kaya lahat kami rito, gising din sa kaniya" Masayang kwento pa niya sa akin kaya napangiti na lang naman ako.

"Si Mikha na raw po susundo kay Baby Janna diyan mamaya, Mommy. Sinabihan ko na rin yon na magpadrive kay Manong Fred kasi nagmamadali nanaman hong pumasok" Sagot ko sa kaniya.

"Oh sige sige anak, basta pag may alis kayo ni Mikha kahit iwan niyo na lang sa akin yung cute na bata na yon" Usap pa ni Mommy Myrla bago pa namin ibaba ang linya. Kita ko naman na nakatanggap ako ng message mula sa mga kaibigan namin ni Mikha kaya natawa na lang ako

Aiah, wala ka naman sigurong ginawang hindi maganda, hindi ba? -Colet

Mrs. Lim. Sinasabi ko sayo pag nag ala dragon nanaman yung asawa mo hahayaan ko na yung makalimot ng tuluyan -Jhoana

Hoy Aiah! Pag talaga napagalitan kami ni Mikha mamaya, ipapaban kita sa hospital namin! - Stacey.

"Ano ba kasing trip ni Mikha at kabado tong mga 'to?" Tanong ko na lang din sa sarili ko ng mabasa ko lahat ng text nila.






__________________________________________
Uyy ilan chapter na lang tatapusin ko na rin 'to hihihi

We Fell In love in October (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon