"Mauna ka na, ikaw unang naging kaibigan niyan ni Aiah e" Tulak pa ni Jhoana kay Sheena papasok ng opisina ni Mikha. Agad din naman tumakbo papalayo si Sheena ng bigla naman itong tumabi kay Stacey.
"Hoy! Ikaw ang mauna at ideya mo naman na painumin natin si Aiah" Tulak pa ni Sheena kay Stacey, nang makarating na si Stacey sa pinto ay bigla naman itong bumukas kaya napangiti na lang ang magkakaibigan.
"Hi!" Sabay-sabay pa nilang bati kay Mikha. Tumingin lang naman sa kanila si Mikha at tuluyan na lang sila pinagbuksan ng pinto.
Tahimik lang naman silang naupo sa sofa ni Mikha sa loob ng opisina nito at nagbubulungan kung sino ang magsasalita.
"Thank you, Manong Fred. Kumain na rin po kayo" Rinig nilang usap ni Mikha kaya sabay-sabay silang napatingin sa dalaga. Sabay-sabay din naman napabilog ang mga bibig nila ng makita nila ang mga pagkain na pinabili ni Mikha kay Manong Fred.
"Sana sinabi mo na lang na kailangan mo lang pala kasabay kumain, hindi yung magtetext ka ng ganon, My god!" Inis na usap ni Stacey atsaka kumain ng slice ng pizza.
"Hayss! Thank You, Lord! Akala ko magiging bato na yung Sarah G. Concert ticket ko" Sigaw pa ni Sheena at huminga ng napaka lalim.
"Oh ito, bago magbago pa isip ko" Biglang usap pa ni Mikha at inabot ang dalawang vip concert ticket kay Sheena.
"Okay! Let's Go! Buti na lang kabisado ko na yung kanta niyang, Sa iyo!" Natatawang sigaw din naman ni Colet at niyakap ang nobya habang inarapan na lang naman siya nito.
"At kayong dalawa naman, hinga muna kayo" Usap pa ni Mikha sa magnobyang si Jhoana at Stacey atsaka binigay ang dalawang plane ticket papuntang Bohol.
"Nagbook na rin ako ng hotel para sa inyong dalawa tsaka ng ilan niyo pang kakailanganin" Dagdag pa ni Mikha, agad naman napatalon sa kaniya si Stacey para yakapin ang dalaga.
"My god! Mikhs! Thank you pero paano kung biglang ——-
"Stacey, okay na ako tsaka may gamot naman akong baon lagi, pasasalamat ko na rin sa inyo ni Jhoana yan, sa inyo nila Colet at Sheena sa mga nagawa niyo para sa akin" Usap pa ni Mikha at iniwan na ang mga kaibigan para maupo na sa swivel chair niya. Nakatingin lang naman sa kaniya ang mga kaibigan niya kaya nakangiti na lang niya itong hinarap.
"Kahit na may tinago kayo sa akin" Dagdag pa ni Mikha, sabay-sabay naman takang napatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya.
"Tinago?" Takang tanong ni Jhoana sa kaibigan
"Ako yung pilotong nakarelasyon ni Aiah, di ba? Ako rin yung kwinekwento niya na mahal niya?" Tanong ni Mikha sa mga kaibigan, nanlaki naman ang mga mata ng mga kaibigan niya at saglit pa itong mga nagpalitan ng tingin.
"NAALALA MO NA?!" Sabay-sabay nilang sigaw kaya napailing na lang si Mikha.
"Sana nga naalala ko na lahat kaso hindi pa" Sagot ni Mikha at ngumiti ng pilit
"E paano mo nalaman?" Takang-takang tanong pa ni Colet. Napangiti naman si Mikha
"Hindi ko talaga alam, hinuhuli ko lang kayo at nagpahuli naman kayo" Natatawang sagot ni Mikha, gulat naman nagkatinginan ulit ang magkakaibigan.
"Tangina! Seryoso?" Gulat na tanong ni Stacey, seryoso naman umiling si Mikha sa kaibigan.
"Syempre hindi, ayoko naman mag assume na ako yung taong mahal na sinasabi niya 'no" Sagot ni Mikha sa kaibigan
"E paano mo nga nalaman?" Tanong pa ulit ni Jhoana.
"Kay Aiah, kay Aiah ko rin mismo nalaman, nilasing niyo kasi ng todo kaya kung ano-ano na ang nasabi kagabi" Seryoso ng usap ni Mikha, napatango na lang naman ang mga kaibigan nito.
"Ang pinagtataka ko lang, ayon sa mga kwento niya, siya yung bigla na lang hindi nagparamdam, na aalis siya papuntang Canada noon ng hindi alam ng taong mahal niya pero nakwento niya rin na natutunan niya lang magpatawad at patawarin yung taong mahal niya simula ng dumating si Baby Queen sa buhay niya" Kwento pa ni Mikha sa mga kaibigan niya. Tahimik lang naman nakikinig ang mga kaibigan habang nagpapalitan ng mga tingin at hindi malaman ang sasabihin.
"Sabihin niyo nga sa akin, saan ba talaga ako papunta nung araw na naaksidente ako? Ano ba talagang nangyari sa amin noon ni Aiah? Ano yung nagawa kong kasalanan para mahirapan siya na patawarin ako?" Sunod-sunod na tanong ni Mikha sa mga kaibigan niya. Wala naman sumagot sa mga ito kaya naglakas loob na si Stacey na tumayo at lumapit kay Mikha
"Alam mo, Mikha, Kung pwede lang na ikwento namin sayo yung mga masasayang araw na nangyari sayo noon na kasama kami at si Aiah, matagal na namin ginawa, pero alam mo naman na hindi natin pwedeng ipilit, di ba?" Seryosong usap ni Stacey kay Mikha.
"Tama si Stacey, masyado pang delikado kung ipipilit mo agad na makaalala ka. Sa ngayon, mas makakabuti sayo kung magfofocus ka sa kung anong meron sa inyo ni Aiah at ni Baby Queen" Dagdag pa ni Jhoana sa kaibigan.
"Ang isipin mo na lang sa ngayon, na kahit ano pang nangyari sa inyo ni Aiah noon, nandiyan ka, nandiyan siya plus may baby Queen na kayo, ayon na lang ang isipin mo" Seryosong usap pa ni Sheena.
"Oo nga, tol! tsaka atleast ngayon medyo okay ka na kasi alam mong ikaw pala talaga yung mahal niya, kami, sigurado naman na talaga kaming si Aiah din yung mahal mo" Todo ngiti pang usap ni Colet kay Mikha. Napailing na lang naman si Mikha at napangiti.
"Pero mukhang kailangan ko pa rin bumawi kahit na wala akong naaalala" Natatawang usap pa ni Mikha sa mga kaibigan.
"Kami may kaniya-kaniya kaming date nang dahil sayo, kaya bawi bawi rin, Mikhs! idate mo rin si Aiah, bumawi ka naman, kinalimutan mo yung tao oh" Biro pang sabi ni Stacey sa kaibigan.
"Kaya pala may pa libre ang Ceo niyo! Kasi may nalamang maganda kagabi" Tawang-tawa na sabi ni Jhoana kaya napailing na lang naman si Mikha ng nakarinig nanaman ng kung ano-ano sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
Roman d'amourPapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...