"Sa Kabilugan Ng Buwan,
Sa Ilalim Ng Karagatan,
Inang Reyna Ay Magsisilang,
Panghuling Anak Na Babae Ay
Ilalabas."
"Normal Na Tao Ay Mapupusuan,
Pag-ibig Na Ipinagbabawal At
Kailangan Iwasan,
Sapagkat Ang Kanilang Pag-Iibigan
Ay Maaaring Magdulot Ng Kapa-
Hamakan At Magiging Dahilan Ng
Pagwawakas Ng Maraming Buhay.."Ito ang sabi ng matandang babaeng kalahating tao at octupos sa Hari na nasa kanyang harapan. Ang matandang babae ay kilala sa tawag na "Octa" ang itaas ng kanyang katawan ay tao at ang kanyang bewang naman pababa ay parang octupos. Siya ay kilala sa kaharian ng Oceania dahil nakikita niya ang mga pangyayari sa hinaharap. Ngunit kalahati lamang ang kanyang nakikita sapagkat nawala ang kanyang kanang mata dahil sa pag atake ng mga Shokoy dati sa kanya. Meron siyang libro ng Propesiya at siya lamang ang nakakababasa nito.
Napahawak nalang sa ulo ang Hari dahil alam niyang kahit gusto niya pa alamin ang maaaring mangyari sa hinaharap ay kalahati lamang ang nakikita ni Octa.
"Ano ang maaari kung gawin Octa upang mapigilan ang pangyayaring yan?" Tanong ng Hari sa matandang si Octa.
"Alam mong hindi mo mapipigilan ang mangyayari sa hinaharap mahal na hari." Malungkot naman na saad ni Octa sa kanya.
"HINDI PWEDE!" At dahil sa sigaw ng Hari ay nagsimula naman ang malalaking alon sa ibabaw ng tubig.
"Mahal na Hari kumalma po kayo maraming barko po ang nasa itaas ngayon baka marami po ang lumubog." Mahinahon na sabi ni Octa sa Hari upang maiwasan ang maraming barko na lumubog sa dagat.
"Pasensiya na Octa." Sagot naman ng Hari habang kinakalma ang kanyang sarili.
"Ito ang mapapayo ko saiyo mahal na Hari." Sabi ni Octa habang pinupunasan ang kanyang libro.Agad naman na nakinig ang Hari sa kanya sapagkat isa ito sa pinagkakatiwalaan niya.At para nadin itong taga payo niya.
"Sabihin mo sakin Octa, Gagawin ko lahat upang maiwasan ang pangyayari na yan." sabi ng Hari.
"Hindi mo ito mapipigilan tandaan mo yan mahal na Hari pero maaari mo itong pagsamantala na iwasan muna ngunit tandaan mo mangyayari at mangyayari ang nakasaad sa libro." Mahabang bilin ni Octa.Agad naman na nakinig ang mahal na Hari sa mahabang payo ni Octa. Ilang oras silang nagusap at nagplano upang maiwasan muna ang pangyayaring ito. Dahil kapag ang nakasaad sa propesiya ay mangyayari maraming tao at sireyna o sireyno ang manganganib ang buhay. At bilang Hari kailangan na siguraduhin niya ang kaligtasan ng kanyang kaharian at nasasakupan.
***************************************
Nasa labas ng palasyo ngayon ang Hari. Nakatayo ngayon ang Hari sa Cenrale habang pinalilibutang nga mga kawal ng kaharian. Kitang kita niya ang mga mamamayan na dumalo dito. Tumunog ang trumpeta at ito ang hudyat na magsisimula nang magsalita ang Hari at kailangan na nilang tumahimik.
"Mga mamamayan ko sa Kaharian ng Oceania. Simula sa Araw na ito ay Ipinagbabawal ko na ang pagmamahalan ng Tao at Sireyna o Sireyno. Alam kung pabigla bigla ako sa naging desisyon ko ngunit sana magtiwala kaso saakin dahil ginagawa ko ito para sa kaligtasan nating lahat." Ma awtoridad at makapangyarihan na boses ng Hari ang namayani sa lugar.
Maraming mga tao ang nagsimulang magbulungbulongan. May mga nagtataka, may mga walang pakealam, at may mga hindi pumapayag.
Napapikit nalang ang Hari sa ingay ng kanyang mga mamamayan pero naintindihan niya ito dahil alam niyang biglaan ito.
"TAHIMIK!" Malakas na sigaw ng Pinunong kawal.
Agad naman tumahimik ang mga mamamayan at nagsimula ulit na magsalita ang Hari.
"ANG HINDI SUSUNOD SA AKING UTOS AY MAKUKULONG HABANG BUHAY O HAHARAPIN ANG BINGIT NG KAMATAYAN!" Makapangyarihan na sabi ng Hari at kasabay nito ang paglakas ng kulog at kidlat sa itaas.
***************************************
Pagkatapos ng Pagtitipon ay pumunta agad ang Hari sa Silid nila na mag asawa dahil pagod na pagod na siya. Pagdating naman ng Reyna ay nakita niya ang Hari na nakaupo sa harapan ng kanilang Veranda ang Hari at tinatanaw ang kanilang Kaharian. Nag aalalang lumapit ang Reyna sa kanyang kabiyak dahil alam niya sobrang pagod ito at sobrang stress na.
"Mahal magpahinga ka muna hindi nakakabuti saiyo ang sobrang pagod." Malambing na sabi ng Reyna sa Hari.
" Okay na ako Mahal nandito kana sa tabi ko alam mo naman ikaw lang ang nakakatanggal ng aking pagod." sagot ng Hari at binigyan ng halik ang Reyna.
"Ikaw talaga Mahal." Mahinhin na tawa ng Reyna.
"Nag aalala ako sa ating mga mamamayan baka maraming mag rebelde dahil sa aking bagong batas." Sabi ng Hari at napahawak nalang sa kanyang ulo dahil sumasakit ito."Marahil marami ang hindi sang ayon mahal pero alam kung maiintindihan nila ito pagdating ng panahon. Sadyang nagulat lamang sila dahil marami sa uri natin ang umiibig sa isang tao. Kung meron man ang hindi sumangayon ay mas marami parin ang nagtitiwala saiyo mahal ko at isa na ako dun." Sabi ng Reyna at niyakap sa likod ang Hari.
"Gagawin ko ang lahat para sa ating mamamayan at lalo na para sa ating pamilya." Binigyan ng Hari ng matamis na ngiti ang Reyna at hinawakan ang tiyan nito.
"At habang ginagawa mo yun ay nandito lang ako sa tabi mo para suportahan ka at alagaan ka mahal ko." Sagot din ng Reyna at hinalikan ang Hari. Agad naman siyang kinarga ng Hari at dinala sa kanilang kama.At simula noong araw na iyon ay ipanagbabawal na ang pagmamahalan ng Sireyno/sireyna sa mga ordinaryong tao.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Centrale-Para itong Moa ngunit doble ang laki nito.Dito ginagawa ang malaking pagpupulong kung saan kahit ang mga mamamayan ay kasali.Dito din minsan ginagawa ang mga malalaking piging na kasali ang lahat na taga Oceania
BINABASA MO ANG
The Pearl In The Phropecy
FantasiPearlisha Oceania isang Princesang Sirena sa ilalim ng Dagat sa Kaharian ng Oceania .Pangatlo sa magkakapatid. May angking gandang taglay na maraming nabibighani at may angking mga kapangyarihan na marami ang humahanga. Lahat at gagawin niya upang...