Chapter 21✔️

112 6 0
                                    



Coshae pov

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na nakita ko si Alex, hindi ko inaasahan na dito kami mag kikita. Para akong natatae na ewan dahil sa kaba, kailangan ko mag panggap na di S'ya kilala sumulyap ako kay joman at nakatingin din s'ya saakin kaya sinamaan ko ito ng tingin pero ngumisi lang ito.

"Ahh so isa kang model na transwoman?" Namangha saad ni lola. Natatawang tumango si Alex. Grabe ang daldal na nya ngayon, di ko alam na mahilig s'ya sa matanda. Sabagay nakakatuwang tignan sila lola, sana ganun din kami ni Alex.

"Pero iha, matanung lang nag ka Girlfriend ka na ba?" Tanong ni lolo kaya nabulunan ako sa kinain ko at napaubo. Agad na kumilis si Cy na bigyan ako ng tubig.

Sh*t! Gulat ako doon ah.

"Iha Coshae ayos ka lang ba?" Nag aalalang saad ni lola. Tumingin ako sakanila at tumango na ngumiti di ako mag papahalata baka ma huli ako.

"Hoy Coshae bat na bulunan ka?" Nakangising buling saakin ni Cy, sinamaan ko ito ng tingin.

"Opo, nag karoon na po pero di kami nag tagal." Malungkot na saad ni Alex bigla ito napa sulyap saakin pero blangko ako Tumingin para hindi nya maramdaman ang emosyon ko.

"Hala bakit naman?"

"Kasi po kinuha agad s'ya saakin. Patay na po s'ya." Malungkot nyang ani kita ko pag hawak ni lolo sa kamay ni Alex

"Paumanhin sa aking narinig iho, ikinalulungkot ko sa nangyari sa Girlfriend mo." Malungkot na saad ni lolo ngumiti lamang si Alex

"Actually po kamukha po ni Cosh-" hindi ko na tinapos sasabihin ni Alex na nag salita ako.

"Lo,la paumanhin pero kailangan ko na po umalis." Paalam ko sumulyap ko si Cy at nilakihan ko s'ya ng mata kaya napatayo ito.

"Ahh ganun ba o sige ingat kayo enjoy!" Nakangiting saad nila lola. Muli ako napasulyap kay Alex na Malungkot ito Tumingin saakin kaya napailing ako at tumalikod na umalis.

Napa buga ako ng hangin napapikit na mariin at sunod sunod pag bagsak ng aking luha. Nararamdaman ko pag hawak ng kamay saakin ni Cycole.

"Shh magiging maayos din ang lahat."saad nito tumango ako at tumungga ng alak. Nasa bar kami ngayon gusto lang uminom.

"Ewan Cy, nasasaktan ako para kay Alex, hindi ko alam mung bakit ganito ang sitwasyon namin dalawa." Umiiyak na saad ko. Hinimas ni Cy ang likod ko.

Bakit dito pa kami nag kita? Ano ba plano ng tadhana saamin?

"Coshae!" May narinig ako tumawag sa pangalan ko. Dali ko pinunasan ang luha ko at inayos ang sarili.

"Joman, ano ginagawa mi dito?" Takang tanong ko. Ngumiti ito umorder ito ng alak at humarap saakin.

"Gusto lang kita kumustahin, i see na galing ka sa iyak? Ano plano mo ngayon?" Saad nito. Napa buntong hinga muli ako.

"Ewan, hindi ko naman inaasahan na mag kikita kami ni Alex dito." Saad ko

"Sorry beshie 'di ko naman alam na mag kakasabay tayo ng barko, ok naman yan wala naman ma kakakilala sa'tin noh kaya enjoy lang pinag tagpo ulit kayo ng tadhana." Nakangising saad nya.

"Hoy Joman sino kasama ni Alex?" Tanong ni Cy.

"Sabi nya gusto nya mapag isa kaya iniwan ko." Ani joman at tumungga ng alak. Napailing ako

"Labas muna ako mag papahangin, iwan ko muna kayo." Paalam ko tumango lang sila kaya umalis na ako.

Alex pov

Umiikot ikot ako ngayon pinagmamasdan ang dagat, madami ding mag kasintahang nag yayakapan, napangiti ako gusto ko yakapin si Coshae kanina dahil halos kamukha kamukha nya si Coesha pero matured nga lang ang mukha nito kumpara huli kong kita kay Coesha.

Napakunot noo ako at napahawak sa hawakan, napansin ko na parang may pagkakapareho yung letter sa pangalan ni Coesha At ni Coshae parang nirambol lang. parehas din ng First letter sa pangalan. Imposible bang?

Maari pang mabuhay si Coesha dahil hindi ko man lang makita katawan nito. Imposible bang si Coshae at si Coesha ay iisa?

"Alex?" Napalingon ako sa tumawag saakin. Si Coshae pala, pati boses parang parehas nararamdaman ko pag bilis ng tibok ng puso ko sa pag tawag nya sa pangalan ko.

"Ah Coesh- i mean Coshae may kailangan ka?" Nauutal na saad ko at ngumiti. Ngumiti lang s'ya ng saglit at tumabi saakin.

"How are you? I heard that your Girlfriend is dead? I feel so sad to hear that." Anito at sumulyap saakin.

"Yeah, until now i still love her." I said napabuntong hininga ako Muli ako mag salita-"actually kamukha mo s'ya Coshae nakikita ko s'ya sayo." Saad ko

"Kaya pala, iba yung tingin mo saakin kanina na para bang makungkot, kasi kamukha ko s'ya?" Saad nya tumango na lang ako.

"Coshae are you sure na hindi ikaw si Coesha? Kamukhang kamukha mo s'ya yung pangalan halos magnkaparehas pero iba nga lang ang spelling pero yung letter sa pangalan halos parehas." Tanong ko humarap s'ya saakin

"No. I mean bilog ang mundo maaring may mag kamukha lang kahit ikaw baka may kamukha ka din na di mo alam." Saad nito natawa na lamang ako.

"Na mimiss ko na s'ya, alam mo bang dati ako basher ni Coesha, lagi ako naiirita sakanya pag nakikita ko mga larawan sa socmed, dumating nga sa punto naging boss ko s'ya sa pinag tratrabahuan ko noon eh. Pero mabait naman pala s'ya, hanggang sa nag tagal napamahal ako sakanya at naging kami pero di rin kami nag tagal dahil wala na s'ya." Malungkot kong kwento. Nabigla ako na na niyakap nya ako, feeling ko niyayakap ako ni Coshae.

"Isipin mo ako si Coesha sabihin mo saakin yung nararamdaman mo habang yakap mo ako." Saad nya. Naiyak na ako at niyakap s'ya ng mahigpit.

"Coesha, mahal pa rin kita gusto kitang makasama hanggang sa pag tanda gusto kita hagkan. Balik ka na Coesha mag hihintay ako gaano katagal basta makita lang kita." Umiiyak na saad ko

"Shh..."

Bigla nag flashback sa isip ko na huling kita ko kay Coesha. Sabi nya mahal nya ako bakit iniwan nya ako?

"Napaka sinungaling nya, sabi nya hindi nya mahal nya ako pero bakit iniwan nya ako?" Umiiyak saad ko.

"Alam mo Alex siguro may Rason kung bakit nangyari yun, siguro prinoprotektahan ka lang nya kasi ayaw ka nya mapahamak." Saad nya

"Protektahan? Para saan? Hindi ko alam kung ano takbo isip nya, parang ang dami nyang tinatago." Pag dududa ko parang may hindi ako nalalaman na alam nya. Pero ano ba iyon?

"Alex! Tara na nandito na tayo." Tawag saakin ni joman Lumingon ako sa likod sumenyas sya na lumapit saakin.
"Coshae aal-" di ko naituloy ang sasabihin ko dahil pag harap ko ay wala na si Coshae kaya napabuntong hinga ako at lumapit na kay Joman.

My number 1 Basher Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon