Chapter 34: Legendary vs. Legendary • Part 4
A|N:[ Hindi ba kayo nalito sa POVs shifting? Sana hindi :) Enjoy reading!]
Jeremy's Point Of View
"Your next." Bulong ni Skull sabay matalim na nilingon si Yeaver. And in just a split-second naabot nga ng kanang kamay niya ang leeg ni Yeaver at mahigpit itong sinakal.
Naiangat pa nito ang buong katawan ni Yeaver pero hindi ako nagsayang ng oras at mabilis ding nag sprint papunta sa kanila, "Don't even think about it." Pero mabilis din namang nakaharan sa daan ko si Setsuna.
He then tried to slash downward his sword towards my very face pero nag step sideward lang ako sabay mas binilisan ang sprint kaya't hindi ako naabutan ng atake nito at nakalagpas ako ng mabilisan.
Nung sandaling isusuntok na ni Skull ang kamao sa dibdib ni Yeaver na sinasakal pa rin niya mabilis din naman akong nakarating sa gilid nila sabay mabilis na sinubukang putulin ang braso niya ng espada ko pero mabilis din naman niya itong nabawi bago pa tuluyang matamaan ng swing ng sandata ko kaya't nabitawan niya sa pagkakasakal si Yeaver.
Pagkatapos din nun ay paikot ko namang sinipa ng diretso ang mukha niya pero mabilis din naman nitong naiharang ang isang braso dun kaya't gaya nga ng inasahan hindi siya naapektuhan ng blast. Just as i thought.
"Your getting dumber and dumber—"
"Explosive kick!" Hindi kona siya pinatapos sa sinasabi niya dahil nung sandaling masipa ko nga siya ay agad ko din namang ini activate ang skill ko nayun kaya't malakas na sumabog ang buong katawan lalong-lalo na ang parte ng mukha niya.
The ground crumbled for a second then the cracks went bigger and wider nung sandaling tumalsik din siya kung saan napuno din ng usok ang paligid.
Nang mawala ang usok napansin ko si Skull na napatalsik ng halos sampung metro mula sa akin at mapapansin talaga ang nasunog na mukha at damit niya pero hindi kalaunan ay bumalik lang din naman ito sa dati. 71%, yan nalang ang natira sa LB niya after taking hit of that attack.
"Kuya Shadow!" Mabilis na nakuha ang atensiyon ko nang sumigaw si Yeaver at nung sandaling mapalingon ako sa aking likuran,
Setsuna successfully ELIMINATED Elfin!
Patay na si Elfin nung sandaling maibalik ko kay Setsuna ang tingin ko. Yeaver is a second late bago pa niya malapitan at maprotektahan si Elfin mula kay Setsuna.
Their plan is incredibly perfect. Skull made me move to protect Yeaver, then at that moment Elfin is left off-guard. Kung ganun, bluff lang ni Setsuna na pigilan ako para lang mawala ang buong atensiyon ko kay Elfin dahil magiging desperado na ako dun na protektahan si Yeaver.
Mukhang tama si Skull, I am getting dumber and dumber by the minute. Sh!t!
"Kainis!" Nung sandaling tuluyang nakalapit si Yeaver kay Setsuna mabilis nitong pinaliyab ang espada sabay paikot na iwinasiwas pahalang sa leeg ng kalaban ang sandata niya.
Pero sa sobrang nakakagulat na pangyayari ay mabilis din namang lumitaw si Skull sa pagitan nilang dalawa at mabilis na patayong sinalag ang espada ni Yeaver gamit lamang ang kanang braso ni Skull.
There's not even a single cut or dripping blood from Skull's arm where the flaming blade hits, at kasabay din nun ay mabilis na nahawakan ni Skull ang buong mukha ni Yeaver gamit ang kaliwang kamay nito.
Hindi pwede to. I need to rescue him—
"First skill: Skull breaker!" Pabulong lamang yung sinabi ni Skull at kasabay din nun ay tila ba'y mas lumakas ang pwersa sa kaliwang kamay ni Skull at nung sandali ding maikuyom nito ang kamay ay tila isang hinog na kamatis na nadurog ang buong ulo ni Yeaver kaya't wala na akong ibang nagawa kundi gulat at nanlalaki ang matang napatigil sa aking pagkilos.
BINABASA MO ANG
War Of Ranks Online: Volume 3 [COMPLETED]
FantasyThis book is the Volume 3 edition of my finished story entitled "War Of Rank's Online". Find and read first the volume 1 and 2 is on my profile before proceeding here. The Summer Cup tournament is still not finished and we're already at it's peak so...