Tired of Loving You </3

436 12 7
                                    

“Ella!” tawag sakin ng baliw kong kaibigang si Eunice Basco. Nilingon ko ang baliw kong kaibigan na may hawak na payong at binigyan siya ng ano-yun-look. “Adik ka ba ha? Bakit ka nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?” sigaw niya na parang alalang alala siya sakin.

Tinitigan ko lang siya at saka lumakad palayo. Pilit niyang tinatawag yung pangalan ko, halo halo na rin ata ang emosyon ng babaeng ito. Umuulan kasi ngayon, at eto ako, basang basa sa ulan. Walang masisilungan. Joke lang. May masisilungan naman, ayaw ko nga lang talaga.

Sa totoo lang, umiiyak ako ngayon. Buti nalang eh nakikiisa sakin ang panahon. Kasi feel na feel ko ang pag-iyak ko. Narealize ko bigla, ang sarap pala sa pakiramdam ang umiyak noh? Kasi nalalabas mo ang kahit anumang masama sa loob mo. Nalalabas mo siya at ang sarap dahil kahit papaano nababawasan yung sakit.

By the way, ako nga pala si Ella Mae Gomez. 2nd year highschool ako sa TSIA. Pamilyar kayo sa school ko? Dito kasi nag-aarala ang sikat na grupo na Big Bang. Sila Taeyang. Grabe lang talaga, ang daming kumakalat na tsismis ngayon tungkol kay Taeyang, kay Aliyah, at kay Renesmee. Nakakaasar nga lang eh, sumabay pa sila sa problema ko. Ayan tuloy, hindi ko makampihan si Renesmee.  >____<

Naglalakad lang ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ang alam ko, lahat ng taong nakakasalubong ko, napapatingin sakin. Yung iba pa nga tinatanong ako kung okay lang daw ba ko. Yung iba naman, pinapayungan ako. Pinapabayaan ko lang sila, basta ang alam ko naglalakad ako ngayon, habang iniiyak ang sakit.

 ---------------------------------------------------------------------

Eyes Open.

Hala? Asan ako?

TEKA.

NASA KWARTO NA KO?!

How come. Teka, kwarto ko ba talaga to? Ang huling naaalala ko lang is naglalakad ako under the rain. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko. Ay, oo. Kwarto ko nga to. Hindi naman nakapagtataka dahil sa nakikita kong napakalaking poster ni Taylor Swift sa harapan ko. Okay, kwarto ko nga.

Nakaupo lang ako sa kama ko habang nakatitig sa poster ng idol ko. Hay, ang ganda niya talaga noh? At everytime na may nagugustuhan siya, nagugustuhan din siya. Well, the power of beauty. Sana may ganung ganda din ako. Para magustuhan din niya ako.

*Tok tok tok*

Ayokong buksan ang pinto. Gusto ko munang mapag-isa. Pero ang kakulitan nitong kumakatok, hindi mapasusublian. Lalim lang ng tagalong eh noh? Nagulat nalang ako nang naglalakad na ko palapit sa pinto. Nako, nagkaroon na ata ng sariling utak itong mga paa ko at lumapit sa pinto. Pagdating sa harap ng pinto, huminto ako.

“Sino yan?” tanong ko sa kumakatok. “Nak, buksan mo ang pinto. Baba ka na, andyan ang kaibigan mong si Eunice.” Sagot niya sakin. Ah. Si mama pala tong kumakatok. At andyan nanaman pala ang lokaret kong kaibigan. “Paakyatin mo nalang po siya dito, ma.” Pakiusap ko kay mama.

Narinig ko ang steps ni mama palayo sa kwarto ko. Inalis ko ang lock ng pinto at saka bumalik sa higaan ko. Nagtalukbong ako na prang antok na antok pa at ayaw tumayo. Maya maya lang narinig ko na ang malahiganting hakbang ni Eunice Basco. Tumatakbo siya, nako. Magdahan dahan nga siya baka madapa.

Tired of Loving You &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon