NAPANGITI ako nang makababa ako sa sasakyan ko. Tinignan ko ang asul na kalangitan at napangiti nang mapansin na walang nagbago sa kalangitan kapag tinitignan iyon. Asul pa rin ito at ramdam ko pa rin ang pagiging payapa kapag tinitignan ko ito.
Ganito ako noong bata pa ako. Whenever I was sad, happy or whenever I wanted to, I would look up and sighed. My heart beated fast when I inhaled the cold breeze of air.
I couldn't explain how happy I was when I felt the cold breeze of the air enveloping my whole body. Maaga pa kasi kaya naman malamig pa. Tinignan ko ang mga kabahayan sa gilid namin at may mga bago na roon pero may dalawang bahay na nakapagpangiti sa akin.
Ang bahay ng pamilya ko at bahay ni Theo.
"Ma'am Alex?!" saad ng isang guard at nagmamadali na binuksan ang gate para sa akin.
"Kuya ako nga," saad ko at tsaka ngumiti. I saw how his eyes widened while he was opening the gate for me.
Natawa ako at tinapik ang guard sa kaniyang braso. "Thank you, Kuya," ngumiti ako at bumalik na sa aking sasakyan.
It felt nostalgic. Hindi ko akalain na pagkalipas ng limang taon, nandito na naman ako, nandito na ako at walang sakit na nararamdaman.
Tanging saya at excitement na lamang. Kuntento na ako sa kung anong nararamdaman ko ngayon dahil naniniwala akong mah iaayos pa ang lahat.
Napangiti ako nang makita ko ang iba pa naming kawaksi na kakilala ko. Pagkababa ko sa aking sasakyan ay mabilis ko silang niyakap. Nagtawanan pa kami nang hinalikan ko ang nga pisngi nila.
Hindi ako makapaniwala na nandito pa rin sila. Ilang taon na rin ang nakalipas pero nandito pa rin sila at masayang sinasalubong ako.
Kinuha ko si A sa loob ng sasakyan ko at pagkalapag ko sa kaniya ay masaya siyang pumasok sa bahay at umakyat ng hagdan. I guess he missed the house, just like how I missed it, too.
"Nasaan po sina mommy?" tanong ko sa isang kawaksi nang makapasok ako sa bahay.
"Tulog pa yata silang tatlo, Alex. Hindi pa kasi sila lumalabas ng kwarto," saad naman niya sa akin.
Ngumiti ako dahil doon. Maaga pa kasi kaya alam ko na ang gagawin ko.
Mabilis na nagpunta ako sa kusina at nagsimula na magluto ng agahan ng pamilya ko. While cooking, I was smiling and singing softly.
Natapos akong magluto at wala pa rin sila kaya nagtimpla muna ako ng kape at umupo upang hintayin sila. Nauna kong narinig ang masayang tawa ni Allen kaya naman napangiti ako.
My brother was cute! Hindi ko akalain na magkakaroon pa talaga ako ng kapatid. Siguro noong mga panahon na wala ako at hinahanap ko ang sarili ko, siya ang kinapitan ng mga magulang ko.
Magkakasunod silang pumasok sa dining area at nakita ko ang gulat sa mga mata nila nang makita nila akong nakaupo at nagkakape.
Tumayo ako at iniangat nang kaunti ang aking mga kamay na tila ba sinasalubong sila. "Surprise, guys!" masayang saad ko sa kanila.
"Ate!" tumakbo si Allen sa akin at ngumisi. Kamukhang-kamukha siya ni daddy. Sa bawat ngisi na ginagawa niya, tila ba nakikita ko ang kabataan ni daddy.
"Young man!" Binuhat ko siya at pinugpog ng halik sa kaniyang mukha. Tawa siya nang tawa sa ginagawa ko sa kaniya.
Buhat-buhat ko pa rin siya at naglakad na papunta sa mga magulang ko. Hinalikan ko ang pisngi nila at nakita ko ang pagkinang ng kanilang mga mata.
Alam ko na ang ibig sabihin noon. Masaya sila na nakauwi na ako rito. Masaya rin ako na nakauwi na ako, pakiramdam ko ay kumpleto na ako.
"I'm finally home," saad ko sa kanila. Ngumiti ako at nakita ko ang pagtango sa akin ng aking ina na tila ba hindi niya alam ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Lost Without You
RomanceAlessandra Xander Sebastian's heart has been beating for Theodore Caleb Zaguirre since she was a child. He was her savior, her light, and she spent her whole life with him by her side. Without him, life isn't complete. So she showed him love and did...