Gising na ang diwa ko pero parang tulog naman ang katawan ko, dahil sa hindi pa rin ako ako bumabangon sa higaan kahit alam kung mala- late na ako sa eskwela, ewan ko ba parang tinatamad yata ako ngayon."Anak, bangon na. Mala- late ka na sa ekswela."katok ni mama sa'kin kaya bumuntong hininga ako at bumangon na lamang.
"Opo, mama."tamad na sigaw ko bago pumuntang banyo upang maghilamos at magmumog bago bumababa upang kumain.
"Mama, alis na po ako."sigaw ko kay mama sa may pintuan.
"Sige anak, ingat."balik na sigaw rin nito galing sa kusina kaya lumakad na ako papunta sa may gate namin at lumabas na.
Huminto muna ako sa tapat nang bahay namin at bahagyang napangiti dahil walang mukha ni Steven ang makikita ko ngayon.
Hay, salamat naman.
"Where's my painting?"mabilis na napawi ang aking ngiti at napalitan ng pagkagulat nang may biglang magsalita sa aking gilid.
Lumipat ang aking tingin sa pinanggalingan ng baritonong tinig na iyon ngunit mas nagulat pa ako ng mapagtantong si Ethos pala iyon, naka sandal sa may pader namin, nakapamulsa habang humihithit ng sigarilyo at deritso ang tingin sa'kin.
Napalunok ako bago bumaling ang aking tingin sa kanyang suot, simpling puting damit pero halatang mamahalin, at black jeans.
Napaubo ako nang malakas ng walang alinlangan siyang pumunta sa direksyon ko at binugahan ako ng walang hiya niyang sigarilyo.
Tinakpan ko agad ang aking ilong sa'ka siya sinamaan ng tingin pero ang hudyo ay nakangisi lang.
"TANG'INA, ANO BA'NG PROBLEMA MO?"galit na sigaw ko sa kanya.
Biglang nawala ang kanyang ngisi at biglang sumeryoso." Don't curse."mariing sabi niya sa'kin kaya napa-irap ako.
"Wala ka'ng paki-alam kung magmura ako, gago ka."inis na inis na sambit ko sa'ka siya tinaasan ng gitnang daliri bago inis na tinalikuran.
Punyeta siya, pano kung magkasakit ako dahil sa lintek na usok ng sigarilyong 'yun, sa'ka napaka-pakialamero pa.
Impit akong napasigaw ng may malakas na kamay ang humawak sa dalawang balikat ko at pwersa iyong pinaharap sa kanya.
"ANO BA! BITAWAN MO NGA AKO."gigil na bulyaw ko kay Ethos na ngayo'y madilim na ang mukha.
"Yan ba ang tinuro ng boyfriend mo sa'yo, 'yung magmura ha?"mariing tanong niya sa'kin.
Natigilan ako, ano ba'ng pinagsasabi niya?
Tinaliman ko siya nang tingin."Eh, ano naman sa'yo."matapang na sagot ko sa kanya na mas ikinadilim ng kanyang mukha.
"That's not right." Laban pa niya kaya napa-irap ako at pagak na tumawa.
"Wow, hiyang hiya naman ako sa'yo, ba'ka mas malala pa nga ang tinuturo mo sa mga naging girlfriend mo, ba'ka nga tinuruan mo silang uminom, magyosi, magcutting at iba- ibang p---"
"How could you accused me like that?Why, do you have any evidences?"
"Tsk, wala nang ebide-ebidensya dahil halatang halata na----"
"You would really not going to believe me cause you only see the bad side of me."napatingin ako sa sinabi niya, may munting lungkot roon na ikinabahala ko." Be my girl, for you to be able to know."panghahamon niya na literal na ikinanganga ko.
"Ayoko."mariing tugon ko sabay iwas ng tingin.
"Why?"mahinang tanong niya.
Napalunok ako."Kasi..kasi..may boyfriend na ako."mahinang sagot ko.

YOU ARE READING
The Greek has Fallen(Greek Series #1)
RomanceGreek Series #1 Greek Ethos Smith from VSU. The troublemaker guy. He always go to school with a lot of bruise on his face. But despite of that, lots of women and even gay's still admired him. Not only, because of his power, money and connection, but...