CHAPTER 1

7 0 0
                                    

CHAPTER 1

PAGOD NA napaupo si Carisha sa kama at napatingin sa duyan na pangbaby kung saan natutulog ng mahimbing ang anak. Napatingin siya sa wall clovk at napagtantong alas tres na ng madaling araw.

Napangiti nalang siya dahil ang dahulan ng pagod niya ay ang magandang anak.

Pagkalipas ng isang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Alam niyang posible iyon dahil wala siyang maalalang nagsuot ng proteksiyon and kaniig habang may ginagawa sila.

Naalala niya parin kung paano nawalan ng pag-asa ang mga mukha magulang ng magulang niya at kung paano gumuho ang pangarap nito sa kaniya.

Nagkulong siya sa kwarto at hindi kumain ng maayos ng ilang araw. Hinahatiran siya ng pagkain ng nakagatandang kapatid niyang si Kuya Carlo na dinamayan siya habang ang mga magulang niya ay hindi siya kinikibo pero ang mga ito ang nagluluto ng mga masusustasyang pagkain para sa kaniya.

Kahit galit at dissapointed ang mga ito ay ramdam niya ang pag-aalala ng mga ito. Pagkalipas ng ilang buwan at lumaki ng lumaki ang tiyan niya at sinamahan siya ng pamilya niya at si Hannah na pumunta sa  OBgyne. Tanggap na nila ang nangyari at ang anak niya.

Sa bawat araw, linggo at buwan na lumilipas ay kinakabahan siya para sa nalalapit niyang pagsilang sa anak. Labing anim na taong gulang palang siya noon at hindi kaya ang responsibilidad ngunit kinaya niya para sa kaniya at para sa anak.

Lumabas itong premature baby at isang buwan itong nasa incubator habang siya ay nagpapagaling at hinihilom ang tahi niya sa tiyan dahil hindi normal delivery ang panganganak niya sa anak kung'di ay cesarian dahil hindi pa kaya ng katawan kahit na nga ay malusog siya.

Tumigil na siya sa pag-aaral ng dahil do'n at binigyan ng oras ang anak. Pagkalipas ng ilang buwan na umayos na ang lagay niya ay nagsimula siyang magtrabaho sa isang cafè na hanggang ngayon ay pinagtratrabahuhan parin niya at naging kaibigan ang boss niya.

May kaya naman sila ngunit mas pinili niyang humiwalay sa mga magulang at tumira sa isang apartment kasama ang anak na babae. Nagtrabaho siya sa araw simula 8 hanggang 5 ng hapon at uuwi para sa anak.

Kahit ganoon ay nabibili niya naman ang gatas at pangangalangan ng anak sa tulong narin ng pamilya niya, ni Hannah at ni Fashie na amo niya.

Isang taon at ilang buwan palang ang anak niya kaya't dumidede parin ito sa kaniya. Sa tuwing magtratrabaho siya ay pumupunta rito si Yunna—na yaya ng anak niya—para alagaan ang anak niya.

Humiga siya sa kama at ilang sandali pa ay nakatulog niya.

KINAUMAGAHAN ay nagising si Carisha dahil sa tunog ng alarm clock niya na araw araw tumutunong kapag pumatak na ang 5 o'clock.

Bumangon siya, naligo at nagluto ng agahan saka naglagay ng gatas niya sa isang milk bottle. Ilang minuto pa ay rinig niya na ang iyak ng anak kaya't dali-dali siyang nagtungo sa kwarto para kunin ang anak. Sigurado siyang maghapon na naman lang itong tulog at mamayang gabi naman gising.

"Hush, Hush. Andito na si Mommy, baby Gabby. Anong gusto ng baby na iyan, ha?" Binuhat niya ito saka inalo-alo para tumigil sa pag-iyak. Ilang sandali pa ay tumigil na ito at humagikgik. Pinisil niya ang pisnge nito. "Angcute-cute talaga ng anak ni Mommy Carisha. Tignan mo o, ang cute." Nangigil na aniya saka pinugpog ng halik ang mukha nito habang naglalakad palabas sa kwarto.

Pinadede niya ito habang hinihintay si Yunna dahil kailangan na niyang pumasok sa trabaho. Sabado ngayon kaya't day off niya bukas. Gusto niyang ipasyal ang anak sa isang park para hindi laging bahay ang nakikita ng mga mata nito.

"Hello, beautiful Mommy. Goodmorning." Bati ni Yunna na naging kaibigan niya narin. Parang hindi naman talaga ito mukhang yaya dahil ganda ng mukha nito at hubog ng katawan pati ang kutis nito. "And goodmorning baby." Englishera pa.

"Good morninh din, Yunna. Sige, tulog na si Gabby , kailangang ko ng pumasok e. " Aniya saka binigay rito si Gabby na hindi nagising. Medyo sanay kasi ito kay Yunna. Hinalikan niya ang noo, dalawang pisnge at labi nito. "Aalis muna si Mommy, baby ha?" Aniya saka hinarap si Yunna. "May pagkain sa kusina, kumain ka kapag nagutom ka. Sige na, pupunta na ako." Aniya saka kinuha ang bag at naglakad patungo sa pinto.

"Bye bye, pretty Mommy."

Nagpara siya ng trycicle saka sumakay at nagpahatid sa Fly Sweet Butterfly Cafè.

Pagkapasok na pagkapasok mo palang ay iwe-welcome ka na ng mga paro parong laruan na parang totoong paru paru sa itaas. Mala garden ang buong lugar at mga kahoy ang upuan at lamesa. Sa baba ng lamesa ay may naka-ayos na iba't ibang libro at magazine. Meron din book shelves sa isang gilid. Para kang pumasok sa isang fairy-tale ukol sa tema ng cafè. Kaya sikat ito dahil sa freshness na binibigay nila at magandang serbisyo ng bawat staff. Malawak ito at walang second floor dahil ay iyon ni Fashie. May ilang branch ang FSFC at maituturing na wala iyong pinagkaiba sa main branch nito.

"Good morning." Bati ng mga staff na nadadaanan niya.

"Good morning din." Aniya. Saka nagpunta sa maliit nilang locker room at nagpalit ng damit at nagsuot ng apron bago lumabas at magsimulang magtrabaho.

Ilang oras na ang nakalipas at hindi naman siya pagod dahil sapat ang waitress and waiter ng cafè.

"Mukhang hindi stress ngayon ang mommy ah." Bungad sa kaniya ni Fashie na kararating lang.

Napatawa naman siya ng mahina. "Sabado ngayon, Madam Fashie. Malamang naman sa alamang." Madam parin ang tawag niya rito kapag nasa trabaho sila.

"Oh siya, punta lang ako sa opisina ko. Keep yp the good work." Nagthumbs-up siya bago ito naglakad patungo sa office nito.

Naglilinis siya ng table ng daanan siya ng isa sa katrabaho. "Cari, table 25." Anito saka nagpatuloy naglagay at pumasok sa kusina dala ang mga nagamit ng kagamitan.

Mabilisan niyang tinapos ang pagpunas sa lamesa at inilagay ang pamunas sa bulsa ng apron saka inilabas ang ballpen at papel saka naglakad patungong table 25. Ibinigay niya ang menu rito. Dahil sa dami ng inooffer nila ,may menu na.

"What is your order, maam?" Nakangiting tanong niya.

Ngumit naman ito sa kaniya pabalik. "Uhm, what is your specialty here?"

Sinabi niya ang specialty nila at pagkatapos nitong magorder ay nagtungo siya sa kusina.

Ilang minuto lang ay natapos na ito kaya't kinuha na niya ang tray saka lumabas at ihatid sa babae. Ng maihatid nito iyon ay agad rin siyang umalis para punasan ang ibang table.

Babalik sana siya sa kusina para kumuha ng ibang basahan ng sa hindi sinasadya ay may nabunggo siyang isang bagay, matigas iyon na may pagkamalambot.

Napaangat ang tingin niya at nanlalaki ang matang isang gwapong nilalang pala ang nabunggo niya at hindi bagay!

Natatarantang lumayo siya rito. Kung and height niya ay 5'5 ,sa tingin niya ang kaharap ay nasa 6'2 or 6'3. Angtangkad.

Napatikhim siya saka humingi ng pasensya. "Sorry po ,Sir. Hindi ko sinasadya." Pinilit niyang maging pormal at hindi nauutal na aniya. Hindi ito nagsalita at pinagkatitigan lamang siya. "Are you going to order sir?" Tanong nalang niya. "Table 6 is—"

"I don't accept sorry." Malamig na anito sa kaniya.

Napamulagat naman siya. "H-ho? Bakit naman...?"

"Come into my office and i'll make you pay for bumping me." Anito saka may binigay na card na may address. Nag-aalangang tinanggap niya iyon kahit ayaw niya. Customer parin nila ito at dapat na hindi idissapoint at dapat igalang.

"S-Sir, kung pera ho ang pangbayad, wala akong malaking—"

"Did i say the payment is about money?" Napailing siya. Hindi naman talaga. Hindi niya alam kung tama siya o imahinasyon niya lang ng kaunting umangat ang sulok nito bago naglakad papunta sa table six.

Hindi mapigilan ni Carisha na mapaisip. Parang ang sobra naman kung pag-babayarin siya nito dahil lang sa nabunggo niya ito. Ngunit kaya nga ng sabi niya, kailangang irespeto ang customer kahit gusto mong singhalan.






THE TEENAGER MOMMY Where stories live. Discover now