CHAPTER 2

7 0 0
                                    

CHAPTER 2

KINAKABAHAN si Carisha habang naglalakad papasok sa isang kompanya. Hindi niya rin alam kung bakit siya nagpunta rito e nabunggo lang naman niya ito. Pero kasalanan parin naman niya at baka may gawin itong masama sa kaniya matapos ang nalaman niya. Kaya naman pala ganoon ang tindig nito ay dahil ito ang CEO ng famous GA airline! Ang tinatawag ng iba na Hitler. Kaya mas lalo siyang kinabahan ng ituro sa kaniya ng employee nito kung saan ang opisina ng nagngangalang Grego Ashton Guerrero.

"Salamat." Aniya rito saka tinungo ang opisina nito na nasa ikatatlo sa huling palapag. Huminga siya ng malalim bago kumatok ng isang beses.

"Come in." Dinig niyang baritono nitong boses sa loob ng silid.

Binuksan niya ang pinto at dahan-dahang isinarado ito at naglakad palapit sa mesa. Nag-angat ito ng tingin mula sa kung ano ang pinagkakabusy-han nito sa laptop nito. Ng makitang siya ang pumasok ay tumigil ito sa ginagawa, sinarado ang laptop at sumandal sa swivel chair.

"Do you know what can i do to you because you bumped me?" Napakaintimadating ng boses nito at seryoso. Kinakabahan na naman siya. Sampong doble ang kaba kagaya kanina. Sabi na niya eh! Sa simpleng bangga, ganto ang nangyari.

Napatingin siya ng tingin rito dahil kanina ay nakatungo lang siya. "S-sir... B-baka naman pwedeng pag-usapan natin 'to. Yes, i bumped you p-pero bunggo lang naman—" Pinutol nito ang sinasabi niya. Bakit ba anghilig nitong hindi magpatapos magsalita?

"Precisely. Nabunggo mo ako kaya dapat pagbayaran mo iyon. Because of you, i left the cafè and left the millions contract that i have to deal with that day in FSFC." Napakagat labi siya. Kaya naman pala. Pero tama daw ba na sisihin Ako? Kasalanan mo rin naman ,Carisha. Umigting ang panga nito at nandilim and paningin.

"A-ano pong gagawin ko?" Kinakabahan na aniya.

Prente lang itong nakasandal at nakacross-arm sa upuan nito. "Pay me."

"S-sir, wala akong malaking halagang pera—"

"Didn't i say yesterday that money is nor connected with it?" Tumango siya. Nai-intimadate sa kaharap.

"Edi ano ho?"

Binasa nito ang nanunuyong labi. "Work in my company and..." Bumaba ang tingin nito sa dibdib niyang nagmamalaki—mas lumaki dahil sa pagdadalaga at mas lalong lumaki noong pinagbubuntis niya si Gabby—dahil sando lang ang suot niya at manipis na jacket saka jeans. "Be my slave slash katulong." Anito.

Nanlalaki ang mga matang napatitig rito. Hindi pwede... "Sir, baka naman may iba pang paraan para mabayadan ko kayo. Hindi ho ako pwedeng—"

"Okay then. Pay me money instead."

"Ano?! Angsabi mo walang konek iyon sa pera." Hindi na niya napigilan pang nagtaas ng boses.

"Oo nga. But you refuse my preposition so money instead."

"Sir, sinabi ko na. Walang akong malaking halaga ng pera." Pambili iyon ng gamit Ng anak ko at gata.

Ngumisi ito. "Edi sana tanggapin mo ang alok ko. May bayad naman eh."

Kahit na may bayad, hindi pwede. Paano nalanh ang anak niya? Sa Cafè, pwedeng-pwede siyang umuwi ng maaga at pumasok din ng late, ganoon kaconsider si Fashie. Kaya mahal na mahal ito ng mga staff nito dahil sa kabaitan nito. Kaya't hindi siya nawawalan ng time para kay Gabby. Pero dito, sa tingin niya ay mawawalan siya Ng oras sa anak at ayaw niya 'yon.

"Hindi parin pwede sir. Sir naman,please, maawa kayo. Ayaw kong mawalan ng time sa... anak ko." Nakatungonh aniya.

Napaayos ito ng upo at gulat ang ekspresyon sa mukha ngunit seryoso parin. "Anak?" Paanas na anito. Tumango siya sa hindi tumingin rito. "You doesn't look like a mommy. How old are you? I bet you're nearly 25." May gulat rin sa boses nito.

Napatingin siya rito. "No, i'm...i'm 18 years old." Nahihiyang pag-amin niya. Lahat ng lalaking lalapit sa kaniya at nalaman na may anak siya ay agad-agad na umaalis ang mga ito. At kapag meron tumitingin sa kaniya at sa anak niya at nagtatanong ng edad niya at parang nandidiri ang mga ito kapag nalaman na bata palang siya pero may anak na.

Napamulagat ito at parang hindi makapaniwala. "Eight...een?" Tumango ulit siya saka tumungo.

"Kaya please sir. May anak ho ako kaya hindi ako pwedeng mag—"

"You're too young to be a mother. How old are you when you got pregnant?"

Kahit hindi naman na dapat malaman nito ay sinagot niya baka sakaling maawa ito sa kaniya. Kahit awa lang, tatanggapin niya. "Fifteen... turning sixteen."

"You stopped studying?" Tumango lang ulit siya dahil sa hiya. Hindi niya ikinakahiya ang anak, nahihiya lang siya dahil sobrang bata pa niya noon para mabuntis.

"Pero... may alam naman po ako." Habang buntis siya at inaalagaan ang anak at kapag may free time siya, nag-aaral at nagbabasa siya ng libro lalo na tungkol sa kurso niya. Gusto niyang maging fashion designer.

Nakapalumbaba ito habang tinititigan siya. Tumingin ito mula ulo hanggang paa at parang hindi talaga makapaniwala sa nakikita. She know, She doesn't look like eigtheen years old and a mommy because of her body and face, but that's the thruth. May anak siya at bata siyang nagkaroon ng anak.

Ngunit ang kaibahan sa lahat ng iba, wala siyang mabasang pangungutya o pandidiro sa kaniya ang lalaking kaharap. Bago iyon. Dahil lahat pagkatapos malaman na may anak siya ay may pangungutya sa mata at pandidiri. Hindi man niya pinapansin ang mga ito pero nasasaktan parin siya. Hindi niya naman ginusto na mabuntis ng maaga at palakihin ang anak ng mag-isa.

Tumukhim ito. "My mind won't change. Take it or leave it." Anito na nagpakaba sa kaniya.

"S-sir naman—"

"Look, i know Fashie 'cause she's my cousin and i already talk to her. She said it's fine kung kukunin kita sa kaniya dahil mas kailangan mo ng malaking pera na sinasahod—pero hindi niya sinabing para sa anak mo—kaya pala kailangan mo 'yon. I will pay you. Maging katulong at sekretarya kita, sampong doble and sahod mo sa sinasahod mo sa Cafè ni Fashie." Seryosong sabi nito at stoic ang mukha.

Napamulagat siya at napalapit sa mesa at inilagay ang kamay roon. "T-Talaga? P-Pero paano ang..." Napatigil siya ng mapagtantong hindi ito sa kaniya nakatingin kundi sa dibdib niyang expose na expose ang cleavage. Tumikhim ito at siya naman ay umayos ng tayo at inayos ang sando pero hindi parin natakpan ang cleavage niya.

"Yes. And if you're thinking about your baby, no worries. Umupo ka at pag-usapan natin and schedule mo para may oras ka sa anak mo." Hindi niya alam ngunit ang kabang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng saya.

Hindi niya akalain na...magiging sekretarya siya nito kahit High School graduate lang siya. Hindi niya akalain na...mabait ito at tutulungan siyang kumita ng pera para sa anak niya.

Ngumiti siya rito at umirap lang ito sa kaniya na nagpakunot ng noo niya.

Ang attitude.

THE TEENAGER MOMMY Where stories live. Discover now