CHAPTER 13

1 0 0
                                    

CHAPTER 13

PAGKARATING nila sa beach resort ay asikasong-asikaso sila ng mga staff at pagkalipas ng ilang saglit ay may isang gwapong nilalang ang lumapit sa kanila. Pamilyar ito. Kung natatandaan niya, this is Timothy Degustare?

"Hey, man." Nakipagfist-bump ito kay Ashton. "Where's Bene? I thought you're with them?"

"Naiwan sa bahay. His girlfriend is asleep."

Napangisi ito. "Oh, the lover boy." Dumako ang tingin nito sa kaniya. "Timothy Degustare, madam. You?" Inilahad nito ang kamay sa kaniya. Akmang tatanggapin niya iyon ng hinawakan ni Ashton ang kamay niya.

Kinunutan niya ito ng noo. "Anong problema mo?"

"Don't let him touch you in any way." Madilim ang mukhang sabi nito.

Iling-iling siyang lumingon sa nagngangalang Timothy. "I'm Carisha Alejandrino." Pagpapakilala niya.

Hinagod ng tingin nito ang kabuuan niya. "I see eh. Kaya pala..." Tinignan nito si Ashton ng nakakaloko saka nginisian.

"Shut up, Degustare, if you don't want my fist say hello to your ugly face." Malamig at madilim na sabi nito sa kaibigan na ikinataka niya.

Sumama ang mukha ni Timothy. "Ang-gwapo ko kaya. Right, miss Alejandrino?"

Tumango siya saka ngumiti rito. "Oo,"pag-amin niya. Totoo naman.

Bigla siyang hinila ni Ashton sa kamay at tinalikuran nila si Timothy na tumawa ng malakas saka sinigaw ang 'Cabin 10!'.

Gumamit sila ng golf cart dahil anglawak pala ng resort. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na sila sa Cabin 10. Dala-dala ni Ashton ang dalawang travelling bag saka at si Gabby habang siya ay cellphone at wallet lang ang dalawa. Inilapag nito ang dalawang travelling bag saka ibinaba si Gabby.

Lumapit siya rito. "I think i need to change your diaper baby." Aniya rito. "Ashton, i'll just gonna change Gabby's diaper. Nagle-leak na e." Sabi niya rito saka hinanap ang bathroom. Binukas niya ang pinto at sinarado iyon saka naglatag ng malambot na tela sa malapit sa sink saka doon inihiga si Gabby pero nanguha muna siya ng maligamgam na tubig.

Narinig niyang bumukas ang pinto at pagsarado nito.

Tinanggal niya ang damit ng anak saka diaper. Hinugasan niya ito dahil hindi ito pwedeng maligo dahil gabi na. Pinunasan niya ng malambot na towel ang anak pagkatapos niya itong hugasan.

"Feeling fresh baby?" Natatawang aniya saka ito naman ay humagikgik.

Wala sa sariling napatingin siya sa gilid, naroon si Ashton at pinapanood silang mag-ina. Agad siyang nagbawi ng tingin saka binihisan ang anak ng pantulog nito. One piece jacket pajama na may medyas na rin. 

Pagkatapos ay binuhat na niya ang anak at lumabas ng banyo. Akmang babalik siya ulit sa banyo ng lumabas roon si Ashton.

"Naayos ko na." Tukoy nito sa mga ginamit niya sa banyo.

Nginitian niya ito, "salamat."

"She's still awake at this hour?" Tanong nito kapagkuwan ng dumako ang tingin nito kay Gabby na kung ano-ano ang ginagawa sa malambot na kama.

"Yeah. Parang sanggol nga eh, tulog sa umaga, gising sa gabi." Natatawang aniya saka nilapitan ang anak at kinulit-kulit.

Naramdaman niyang bumaon ang kama sa bandang gilid niya tanda na umupo roon si Ashton.

Bigla ay may naisip siya. "Saan ka matutulog?" Tanong niya.

Amuse na napatingin ito sa kaniya. "Here," anito saka tinapik ang kama.

"So, uhm, sa sofa nalang ako matutulog." Aniya saka akmang tatayo ng hapitin siya nito sa beywang.

"Hindi. Dito ka rin matulog sa kama."

Nag-aalangang napatitig siya rito. "S-Sa kama? Okay lang sa'yo?" Alam niyang well sough bachelor ito. Halatang wala pang balak na mag-asawa kahit nasa tamang edad naman na.

Pinipigil nito ang mapangiti. "Oo, bakit naman hindi magiging okay?"

Naglumikot ang mga mata ni Carisha. "Uhm...kasi baka...hindi...ayaw mo..." Hindi niya alam kung nasagot ba niya ng tama ang tanong nito. Hinili nito ang mga mata niya.

"Ayos lang." Pagkasabi nito 'yon ay bigla itong humiga dahilan para mapahiga silang dalawa.

"Ayy!" Napahiyaw siya na ikinatawa ng malakas ng anak niya. Natawa narin silang dalawa ni Ashton. Gumapang ang anak niya patungo sa kanila ng tumatawa dahilan para lumabas ang apat na ngipin nito. Dalawa sa taas, dalawa sa baba.

"You look like a rabbit baby." Sabi niya sa anak na gumagapang pa'rin na ikinatawa ni Ashton. Nang makarating ito sa kanila ay inabot siya nito.

"Mwa-mwi! Mwa-mwi!" Tawag nito sa kaniya. Niyakap niya ang anak na nakaupo habang siya ay yakap-yakap ni Ashton.

Hinalikan niya ito sa noo, dalawang pisnge,i long at labi. "You better sleep now baby. Diba you wan't to swim on the sea water? Matulog ka na para bukas makapagswim ka." Kausap niya sa anak na tawa ng tawa.

Parang naintindihan naman siya nito dahil gumapang ito pabalik sa gitna ng kama at humiga.

"Mwa-mwi," tawag nito na mukhang alam niya na kung bakit.

Kumawala siya sa pagkakapulupot sa kaniya ni Ashton at gumapang palapit sa anak. "Wait, baby. Wa-wash lang si mommy." Hinalikan niya ito sa noo at kumuha ng spaghetti strap, short shorts at underwear saka pumasok sa banyo.

Madali lang siyang nakapag-linis dahil hindi naman siya naligo pa.

Lumabas siya sa banyo suot at spaghetti strap na kulay blue at short shorts na kulay white. Nasanay na siya na ganoon ang suot kapag matutulog o nasa loob lang ng bahay. Mainit kaya sa pilipinas para magjacket at pajama.

Nadatnan niya si Ashton na nakahiga sa kaliwang bahagi katabi ang anak niya at mukhang hinihintay siya.

Tumabi siya ng higa sa anak saka inilabas ang dibdib para padedehin ito. Ewan ba niya pero wala siyang maramdamang hiya kahit na nga pinapanood sila ni Ashton. Siguro dahil nakita naman na nito 'yon at sa tingin niya ay walang malisya ito rito dahil normal lang naman sa isang ina ang magpadede ng anak.

Hindi niya alam kung kailan balak tumigil ang anak sa pagdede sa kaniya pero ayos lang iyon dahil may laman naman ang dibdib at kayang suportahan ang anak.

Napabaling siya kay Ashton na titig na titig sa anak niya na dumidede at panay ang sipsip sa utong niya.

Parang doon namula ang pisnge niya ng makitang dumilim ang mata nito at may kung anong emosyon sa mga mata habang pinapanuod si Gabby.

"Hindi masakit?" Kapagkuwan ay tanong nito.

"Hindi naman masyado. Minsan nakakagat niya pero okay lang." Aniya rito saka tinignan ang anak na nakapikit na pero dumidede parin.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang anak at halatang tulog na. Ibinalik niya ang dibdib sa loob ng sando na suot at inayos ang kumot nilang tatlo.

"Goodnight." Aniya rito dahil pagod talaga siya ngayong araw. Inaantok na siya.

Dumukwang ito at binigyan ng halik ang nuo niya. "Goodnight."

THE TEENAGER MOMMY Where stories live. Discover now