Chapter 2

15 3 0
                                    

*Claire's POV





Pagkabukas ng aking mga mata ay, nasa kakaibang lugar ako. Nasa aking harapan ay ang mga matataas na gusali. "Nasaan ako at ba't ako nandito?" Pagtataka kong tanong sa sarili.



"Uy sis! Anong ginagawa mo diyan? Tara na't malelate tayo sa work." Sabi ng isang babae.



Lumingon ako para masiguradong hindi ako ang kausap niya. Ngunit walang tao sa aking likuran. Tumingin ako sa kaniya at tinuro ang aking sarili na may halong pagtataka sa aking pagmumukha.



"A-ako?" Tanong ko sa babae.



"Para ka namang ewan, aba'y malamang. May iba pa bang tao dito?"



Hinila niya na ako papasok sa building. Wala akong choice kung hindi sumunod sa kaniya. Ngunit hindi ko maiwasang mag tanong.



"A-ate saan po tayo pupunta?" Pautal utal kong tanong.



"Anong ate?! Nababaliw ka na ba Claire?" Inis niyang sabi.



Teka paano niya nalaman pangalan ko?  Nasaan ba kasi talaga ako? Huhu! Hindi naman to mukhang panaginip dahil napaka vivid (wow vivid) ng paligid at pakiramadam ko totoong nandito ako.



Tahimik lamang ako, habang nakasakay kami sa elevator. "Aba, tahimik yata ngayon si Ms. Monteno ah, or soon to be Mrs?" Nakangisi niyang pagkasabi.



Nagulat ako sa sinabi niya, Ano daw? Soon to be Mrs? Eh wala pa nga akong ka jowa jowa eh, magpapakasal pa kaya? Nakakalokaaa.



"Anong ibig mong sabihin soon to be Mrs? Hehe!" Curious kong pag tanong. Gosh! pinagpapawisan ako. Imposibleng pagpapawisan ka sa panaginip.



"OMG! Did something happen between you and your jowabels?!" Gulat niyang pagkasabi.



Kung gulat siya, mas gulat ako sa mga pinagsasabi niya. Parang kulang nalang dalhin to sa mental hospital eh. At kailan pa ako nagkajowa? Sumasakit tuloy ulo ko sa babaeng to.



Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya, dahil hindi ko naman alam ang mga pinagsasabi niya. Nag change topic na lang ako.



"Anong oras yung break time?" Tanong ko.



"12pm sis, ano ka ba syempre may lunch break din tayo noh."



Nga pala umaga ngayon, kaya nakakapag taka dahil lunch break ako pumunta ng Library at nakaidlip yata ako at nananaginip nanaman. Hays napailing nalang ako. Sana magising na ako huhu.



Pumasok na kami sa office. Medyo kinakabahan ako dahil wala akong kaalam alam sa trabahong ito. Umupo na yung kasama ko pwesto niya, habang ako nakatulala dahil hindi ko alam kung saan yung pwesto ko. Agad naman akong tinawag ng kasama ko, at tinatapik niya yung empty office table. Halos magkatabi lang pala kami, kaya pala parang ang close namin.



Wala naman masyadong ginagawa, umuupo lang kami at nag aasikaso ng mga papers. Nakikigaya na rin ako sa mga ginagawa nila para hindi ako mahalata.



Habang busy sa pag aayos ng mga papel, may lumapit saakin. Walang iba kung hindi yung babae nanaman. Ano ba kasi ang pangalan nito?



"Sis, kanina ka pa hindi mapakali, may nangyari ba sa inyo ni Sir?"



Sinong sir nanaman yan?



"Sinong Sir? hehe"



"Jowabels mo di mo kilala?" Gulat nanaman siya. Teka sir? So what's the meaning of that? Sir as in co-worker? Or sir as in Boss? Aaarghh hindi ko na alam huhu. Kailan ba ako magigising



Wait may naisip ako, kailangan kong malaman ang pangalan ng jowa ko kuno. May naisip akong paraan at sana magtagumpay.



"Ahh haha, madami kasing sir hehe! Nga pala-" naputol ang dapat kong tanungin dahil may biglang pumasok na pinagtitilian ng mga ka office mate ko.



Pagkalingon ko ay lumabo ang aking paningin, ngunit kita ko ang kanyang mala berdeng mata. He's familiar. Hindi na ako nagpaligoy ligoy at tinanong ang aking kasama.



"Sino siya?" Pabulong kong tanong



"Baliw, nag away nga talaga yata kayo at pati pangalan niya binura mo na." Pabiro niyang sabi.



"Seryoso ako sa tanong ko" sabi ko na nagpaka seryoso kuno.



"Oo na! Okay sasabayan ko nalang ang pagiging topak mo. Okay, his name is Ath-" biglang naputol dahil may nag alarm, fire alarm! Wait, may nasusunog ba?



Biglang nagsi takbuhan ang mga tao. Hinila naman ako ng lalaki at tatakbo palabas ngunit noong nasa pinto na kami biglang nasilaw ang aking paningin na para bang sikat ng araw. Agad akong napapikit at pagbukas ng aking mga mata ay nasa na Library ako ulit.



Nahabol sa aking paningin ang unti unting pag wala ng silaw ng libro at kusa itong nagsara. Nagulat ako at napaatras.



"What did I just saw?!"











Hello again! Advance sorry sa mga incorrect spellings ang wrong grammars. Promise edit ko yan soon. Please do support me! Thankyouuu ☺😘

Bound To Marry Someone I HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon