NOT IN THE MOOD
“I gave Bliss your phone number.”
“You did what?!” I griped. Tama ba ang dinig ko na ginawa niya ʼyon? No no no. Imposible mangyari ʼyon, I mustʼve misheard it.
“I gave Bliss your phone number—paulit-ulit Leonardo.” Calvin repeated. “Obviously, because she was asking for it.” he added. The fuck...
“Baʼt mo naman binigay yung number ko?!” mahina ko siyang sinuntok sa tiyan para man lang matauhan siya sa ginawa niya.
“Kasi nga hiningi niya, paulit-ulit.” napabuntong hininga na lang siya sa kaniyang sinabi.
“Sinabi ko bang ibigay mo sa kaniya ʼyon?” galit na saad ko.
“I donʼt need your permission.” he chuckled.
“Fuck you, Calvin.” tanging nasabi ko. Sa sobrang inis ko nakapagbitaw ako ng bad word sa kuya ko. Medyo sumama yung loob ko dahil doon. I rarely use bad words against my brothers, neither my friends.
“Thanks.” he said, then teasingly winked at me. How dare him?
“Aanhin niya ba ʼyung number ko?” tanong ko bigla. Isinantabi ko na muna iyong inis ko.
“She said that you two were friends so why not give her? Friends need to communicate with each other.” seryosong aniya. Kilalang kilala ko ang ugali ni Calvin. Alam kong natatawa na siya sa isip niya. Isa sa mga talent niya iyong natatawa na siya pero ʼyung mukha niya seryoso pa rin at walang bahid ng pagpigil sa tawa, purong seryoso lang.
“Communicate amp. We are not fr—” bigla kong pinutol ang sinabi ko nang maalala ko ang napag-usapan namin kahapon. “I mean we are friends—but I donʼt like other people knowing my number.”
“Friends pero other people.” umirap siya saka ngumisi.
“Pake mo ba. Ikaw nga may nalalaman pang ʼplaying safeʼ.” I snapped.
“I have issues—sabi ni Adrian. Thatʼs why.” aniya. “Baka tumawag si Bliss sa ʼyo ngayon.”
“Tss. Salamat sa pagbigay sa kaniya ng number ko, huh?” sarkastikong saad ko. He showed me a peace sign.
Lintek ʼtong si Calvin. Pag siya ang nagsabi na ʼwag kong ibigay ʼyung number niya sa iba, sumusunod ako. Pero kapag ako na ʼyung nagsabi, wala siyang pake. Grabe na ʼtong kapatid ko. Heʼs so unfair!
“Ano bang meron sa inyo ni Bliss? May relasyon ba kayo?” pag-iiba ko ng usapan.
Medyo nagsalubong ang kilay niya. “Gusto ko siyang kaibiganin, bakit ba?” masungit na tanong niya.
“Kaibiganin mo mukha mo. Ang isang Calvin Scottsdale marunong makipagkaibigan?” pang-aasar ko sa kaniya. Gumaganti lang ako sa kaniya. Nakakarami na siya e.
“Bastos ka ah!” pananaway niya saka binatukan ako.
“Ang bastos, nakahubad.” ngumisi ako.
“Ah, yes, bastos ka nga.” aniya. “Nakahubad ka e. Try to put on a shirt, Leo.” dagdag pa niya.
“Ikaw ang bastos kasi pinagnanasaan mo ʼyung katawan ko!” sigaw ko saka dinuro siya. Napaatras naman siya sa kakatawa niya. Nababaliw na ata itong kapatid ko.
“Wow! Coming from you?” tuloy pa rin ang pang-aasar niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba, kapag inasar niya na ako at alam niyang umeepekto, magiging non-stop ang pang-aasar niya sa akin. “Ang isang Calvin Scottsdale ay hindi nagnanasa sa isang hampas lupang katulad mo.”
BINABASA MO ANG
Three Steps To You ✔︎
Fiksi Remaja[COMPLETED] TO LOVE SERIES BOOK 3 "If you want to fight, Lorraine, then let me fight with you." December 30, 2021 - August 10, 2022