I

10 2 0
                                    

Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil five minutes nalang bell na!!Bakit ba kasi hindi tumunog ang alarm?May quiz pa naman kami ngayong first subject.

Patay talaga ako neto kay Ma'am Gawain.

Yun ang tawag namin sa kaniya dahil palagi nalang gawain gawain.Hindi naman dinidiscuss ang lesson.

Tanaw ko na ang gate mula dito at ganun nalang ang taranta ko ng akmang isasarado na ni Manong Guard Lolong ang gate.

"Waaah!!!Wag mo munang isara!!Papasok pako!"

Napalingon naman sakin ito at may pailing-iling pang nalalaman.

I look to my kanan and kaliwa muna because diko pa gustong madeads.

Tumakbo naman ako agad ng makitang walang sasakyang paparating.

"Ikaw talagang bata ka,palagi ka nalang late."Lolong Guard

"Bata pa naman talaga ako at tsaka hindi gumana ang alarm."Rason ko sa kaniya.

"Yan din ang sinabi mo sakin kahapon."Lolong Guard

"Oo nalang po.Bye!"

Hindi ko na pinansin ang sunod niyang sinasabi at tumakbo ulit.

Bakit ba kasi nasa third floor pa ang classroom namin?Kainis.

Pagdating ko sa floor namin ay para na akong asong nakalaylay ang dila sa sobrang pagod.

Tatakbo na sana ako ulit ng makita ko si Bibay.Bestfriend slash pinsan slash classmate ko.

"Oh Ping,napano ka?Bakit ka nagmamadali?"Taka niyang tanong.

"Diba may quiz tayo ngayon kay Ma'am Gawain?"Hingal kong sabi.

"Ganun ba?Nako hindi matutuloy ang quiz.Wala si Ma'am Gawain,na LBM daw."Bibay

"Ano?!Anak ng tang juice naman oh!Alam niya bang tinakbo ko galing bahay hanggang dito para lang makaabot sa quiz,tapos wala din naman pala siya?"Inis kong sabi pero tinawanan lang ako ng walang dede kong pinsan.

"Haha,tayo na nga lang sa classroom.Kanina ka pa hinahanap ni Jonathan your love of your life."Bibay

Ganun naman kabilis nagbago ang mood ko dahil sa sinabi niya.

"Hala,mukha pa naman akong haggard."Mabilis kong inayos ang buhok ko at nagpowder at nagpasirit ng pabango.

"Haha tayo na."Bibay at sumabit sakin.

Pumasok na kami sa classroom namin at ganon nalang ang kilig ko ng kinawayan ako ni Jonathan kaya nahihiya naman akong kumaway pabalik.

"Hi, good morning.Late ka ata?"Nakangiti niyang sabi sakin.

Kyaaaah!!!!

"G-Good morning din.Sira kasi ang alarm ko at tsaka p-palagi naman akong late."Napangiwi ako sa huli kong sinabi.

"Hahaha ang cute mo talaga."Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Namula naman ako sa ginawa niya at napangiti nalang.

"Hehe t-thanks."Nakayuko kong sabi.

Naheheye kese eke se kenye,enebe.

"Ping?Pwede ba kitang maka-usap mamayang break?Sa rooftop?"Napaangat naman ako ng tingin sa sinabi niya.

"H-Ha bakit?"Tanong ko.

"Basta may sasabihin ako.So See you there na lang.Sige balik na ako sa upuan ko."Pagkatapos niyang sinabi yun ay bumalik na siya sa upuan niya.

Sinundan ko naman siya ng tingin.Nakikinig siya ng music sa earphone niya habang nakaubob sa mesa niya.

Ano naman kaya ang sasabihin niya?Nakakakaba naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panaginip Lang Pala(One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon