"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong pa ni Mikha kay Angela, napangiti na lang naman si Angela at napailing
"Tsk! Tsk! Oo nga pala, wala kang naaalala" Kunwari pang nakalimutan na usap nito
"ANONG IBIG MONG SABIHIN?!" Sigaw na ni Mikha, bahagya pang nagulat si Angela pero agad din natawa ng makita nito ang galit na galit na mukha ni Mikha.
"Okay, chill!" Pangangasar pa ni Angela atsaka lumapit pa ng bahagya kay Mikha.
"Si Aiah lang naman ang nakakabatang kapatid ni Ceo Akira Arceta at bunsong anak ng dating piloto na namatay sa plane crash na si Mario Arceta"
"In short. Si Aiah at si Maya na kababata mo ay iisa, Janna Lim" Madiin na usap pa ni Angela kay Mikha
"Ano?!" Tanong pa ni Mikha. Napangiti na lang naman si Angela
"Narinig mo ko, Mikha. Ang pamilya lang naman ng taong mahal mo, ang sinira mo"
"Kaya ngayon, ikaw ang tatanungin ko" Usap pa nito at lumapit pa ulit kay Mikha
"Ang isang katulad mo ba ang karapat dapat para kay Aiah?" Seryosong tanong nito sa pamumukha ni Mikha. "Katulad mo na siyang dahilan kung bakit namatay rin ang sarili niyang magulang?" Tanong pa nito kaya napaiwas na lang ng tingin si Mikha.
"Umalis ka na" Nasabi na lang ni Mikha, natawa na lang naman si Angela at akma pang magsasalita
"UMALIS KA NA AT BAKA AKO PA MISMO ANG KUMALADKAD DITO SAYO PALABAS!" Sigaw na ni Mikha, wala naman na nagawa si Angela at lumabas na lang ito ng opisina ni Mikha.
"Aaarrrggghhh" Sigaw ni Mikha, maya-maya lang ay napaluhod na lang bigla si Mikha ng biglang sumakit ang ulo niya.
"Aarrrggghhh!! Manong Fred! Beneice!" Tawag pa ni Mikha sa driver at secretary niya hanggang sa hindi na niya maramdaman ang sarili niyang katawan na siyang dahilan ng pagkakabagsak niya sa sahig.
Janna? Ikaw si Janna?
Tangina Mikha! Mamamatay tao ka! Mamamatay tao ka! Pinatay mo ang daddy ko
Pinatay mo ang daddy ko! Pinatay mo ang daddy ko!
Kung hindi ka lang sana selfish, edi buhay pa sana ang daddy ko! kung hindi mo lang sana ginamit yang sakit ng puso mo edi sana hindi nakipag shift ng flight ang daddy mo sa daddy ko para lang sayo!
Tangina! Putangina talaga Mikha! Masaya ako sayo pero hindi ko alam na yung taong minahal ko pala ay yung taong pumatay sa daddy ko!
Siguro nga tama lang na hindi ka na kilalanin anak ng sarili mong magulang dahil ikaw din mismo ang pumatay sa sarili mong ama! Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente ang kotseng minamaneho ng daddy mo kakamadaling makauwi sayo!
Tangina Mikha! Ikaw rin ang pumatay sa daddy mo!
Simula ngayon, kahit na anong mangyari huwag na huwag ka ng lalapit sa akin
At please lang, huwag mo kong patayin
"I'm sorry"
__________________________________________
"Nandito ka nanaman?!" Inis na tanong ni Stacey ng makasalubong si Angela ng makalabas ito ng elevator.
"Hoy, Stacku. Lagot tayo kay Mikha kapag gumawa ka ng eskandalo rito" Bulong pa ni Sheena sa kaibigan ngunit hindi naman ito pinansin ni Stacey at mataray na muling hinarap si Angela.
"Fred! Fred! Fred! Iready mo ang sasakyan! Si Ma'am Mikha!" Natatarantang sigaw ng secretary ni Mikha ng makita si Manong Fred na nakatayo sa labas ng kumpanya. Sabay naman napatingin si Sheena at Stacey sa secretary ni Mikha na sumigaw kasabay ng paglingon din nila sa mga taong lumabas ng elevator.
"No way" Nasabi na lang ni Sheena ng makita na niya si Mikha na buhat buhat ng isa nitong body guard. Hindi naman na nakapag timpi si Stacey ng makita niya si Mikha sa ganon kalagayan kaya muling hinarap ulit niya si Angela at ni wala ano ano'y bigla na lang niya itong sinampal ng napakalakas.
"Ito ang tatandaan mo, Angela. Kapag may nangyaring hindi maganda sa kaibigan ko, ako mismo ang puputol diyan sa buhay mo" Galit na galit pa niyang usap kay Angela na halatang nabigla rin sa nangyari kay Mikha. Hinila na lang naman ni Sheena si Stacey palabas ng kumpanya para sundan na ang kaibigan.
Nang makarating sa emergency room ay tinawag na nila Sheena at Stacey ang mga dapat nilang tawagan pala ipaalam ang nangyari kay Mikha.
"Manong Fred, pakisundo naman ho si Aiah, baka ho kasi mapano pa yung kung siya pa ang magdadrive, tawagan niyo na lang po ako kapag nandon na kayo para ako na po tatawag sa kaniya para sabihin ang nangyari kay Mikha" Pakiusap pa ni Sheena kay Manong Fred. Tumango na lang naman ito at agad na lumabas ng hospital. Napaupo na lang naman ang dalawang magkaibigan ng bigla naman dumating ang kani-kanilang nobya.
"Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Colet sa nobya at kaibigan.
"Hindi rin namin alam, pagdating na pagdating namin sa kumpanya niya, nakasalubong na lang namin si Angela na todo ngiting lumabas ng elevator tas maya maya lang, sumigaw na si Ate Beneice na mayroon ngang nangyari kay Mikha tas yung sumunod na nangyari, hindi na namin malaman, basta nakita na lang namin si Mikha na buhat buhat ng isang body guard niya na wala ng malay" Umiiyak na sagot ni Sheena, agad naman siyang niyakap ni Colet para patahanin.
"Mapapatay ko talaga yung babae na yon kapag may nangyari talaga kay Mikha" Galit na biglang usap pa ni Stacey kaya wala na lang nagawa si Jho kundi hawakan na lang ang kamay ng nobya na kanina pang madiin na nakakuyom.
"Jho, ikaw na muna bahala sa kanila" Pakiusap ni Colet sa kaibigan. Taka naman tumingin ang tatlo sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Jhoana sa kaibigan.
"May cctv sa buong building ng kumpanya ni Mikha at ilan sa kwarto at opisina niya doon mayroon audio recording" Sagot ni Colet sa mga kaibigan.
"Ipapacheck ko sa empleyado ang mga cctv, baka sakaling makatulong para malaman natin kung ano ba talagang nangyari, tatawagan ko si Kuya Akira at Kuya Jl para mas mapadali ako" Dagdag pa ni Colet, napatango na lang naman si Jhoana at Stacey.
"Babalik din ako, kayo muna bahala kay Mikha" Usap pa ni Colet bago halikan ang noo ng nobya atsaka tumakbo na palabas ng hospital.
Ilan minuto lang ang nakalipas ay dumating na rin ang Mommy ni Mikha at si Maloi sa hospital na nagmamadaling makita si Mikha. Tumawag na rin naman si Manong Fred na nasa bahay na nga siya kaya agad din binalita ni Sheena kay Aiah ang nangyari kay Mikha.
Ilan minuto lang ang nakalipas ay agad din nakarating si Aiah na bakas sa mukha ang sobrang pag aalala kay Mikha.
"Nasan si Mikha?" Nag aalalang tanong nito sa mga kaibigan. Hindi naman agad nakasagot ang mga kaibigan nila kaya inis pa niyang pilit na binubuksan ang emergency room.
"Aiah! anak! please, magiging okay din si Mikha, magiging okay si Mikha" Pagpapakalma ni Myrla kay Aiah. Napaiyak na lang naman si Aiah sa sobrang pag aalala kaya niyakap na lang naman siya ng mommy Myrla nila kaya hindi na niya maiwasan ang umiyak nang umiyak.
BINABASA MO ANG
We Fell In love in October (MIKHAIAH)
RomancePapano na lamang kung nagtagpo ang dapat na hindi na lang nagtagpo? Papano na lamang kung mahagip ng camera ng isang travel vlogger na si Maraiah Queen Arceta ang pinaka iiwasan ng pamilya nila. Ang mga piloto. Ang piloto na malapit pa sa bestfriend...