Chapter 11: Wound
"SHY, ano'ng gusto mong ulam natin bukas?" tanong ko at napahinto sa ginagawang assignment. Napatitig ako sa kaniya na paulit-ulit na pinipindot ang remote kaya nagpapalit-palit ng estansyon ang pinapanood nito.
Nakabusangot ito at halos mag-isa na ang dalawang kilay. May subo-subo rin itong lollipop at nakadantay ang dalawang paa sa center table na sinusulatan ko.
Suddenly, her feet moved kaya tumuntong iyon sa papel na natapos ko na. Gumalaw ulit ito kaya tuluyang nagusot iyon.
Napasimangot ako at sinita si Shydeen, "Ano ba 'yan, Shydeen? Look what you did, nagusot tuloy." Pinalo ko ang paa nito kaya napatingin siya sa akin saka napunta sa papel na nalukot niya.
Napatuwid ito nang upo, ibinaba ang paa saka inayos ang papel ko. "Hala! Sorry, Ash. 'Di ko kasi nakita. Bakit mo ba rito nilagay?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako ang nauna sa 'yo rito, ikaw ang nangbubulabog sa mga ginagawa ko."
Napakamot siya sa ulo nang ma-realize na tama ang sinasabi ko. Nag-peace sign din siya at tumawa.
"Ano 'yong tinanong mo sa 'kin kanina? Sorry, I'm too gorgeous to hear what you said." She flipped her hair kaya napangiwi ako.
Inirapan ko lang siya. "Ano nga 'yong gusto mong ulam bukas?" ulit ko.
"Want ko ng adobo. 'Yong sweet naman at may atsuwete, ha? Ah! May kaunting anghang na lang din." She smiled sweetly that made my eyes rolled. "At itlog pa pala, Ash. 'Yong nalaga na? Ilagay mo na lang do'n s adobo, ha?" dagdag pa nito.
"Oo na, oo na! Subukan mo rin kayang magluto, ano?"
"Aba, sure! Basta, walang sukahan ng kinain. Nguyain mo hanggang sa mawalan ka ng lakas!" Humalakhak si Shdeen kaya napailing na lang ako. Tinapos ko na ang ginagawa para makapag-dinner na kami.KINAUMAGAHAN, alas-singko pa lang ng umaga ay gumayak na ako para sa lulutuin. Kinuha ko ang manok na nasa frezeer at nilagay sa lababo. Binuksan ko ang gripo at doon iyon nilagay para mabilis na matunaw sa tubig.
When I was waiting, I boiled two eggs for Shydeen's request. Ilalagay ko iyon mamaya sa adobo para manuot ang lasa nito roon.
Gustong-gusto talaga nito ang itlog na nalaga na at ilagay sa adobo. T-in-ry ko rin naman iyon pero ayaw ko talaga ng kumbinasyon. Only Shydeen wanted that taste.
Nang makita kong tuluyan ng naghiwa-hiwalay ang mga parte ng manok ay sinunod kong hinanda ang mga gagamitin sa paggisa.
Nasa kalagitnaan ako nang pagluluto ng adobo ng mapansin kong hindi ko pa pala nakukuha ang itlog na nilalaga.
"Hala!" Taranta akong kumuha ng pot holder at mabilis na kinuha ang maliit na kasirola sa stove.
Why did I forgot about this? Na-divert ang atensyon ko sa adobo kaya nakalimutam ko talaga iyon. Mabuti na lang talaga at naparami ang lagay ko ng tubig.
When I was about to put it on the sink, hindi sadyang napalapit ang palapulsuhan ko sa gilid ng kasirola.
"Sh*t naman!" Mabilis kong nabitiwan ang pinaglutuan kaya lumikha ng ingay na umukupa sa lugar na ito. Sapat na para ako lang rito sa kusina ang makarinig.
Sapo ang kamay ay halos mapatalon ako sa sakit na naramdaman. Parang nanunuot sa mga buto ko dulot nang pagkapapaso sa bibig ng karisolang iyon.
Ilang ulit kong hinipo ang parteng ng kamay na namumula na. Natitiyak kong magtutubig ang pasong 'to sa balat ko mamaya. Kapag pipisain ko 'yon, mas lalo lang sasakit at hahapdi pa.
BINABASA MO ANG
Falling to the Campus Playboy (Leehinton Boys #2)
Teen Fiction(COMPLETED) Leehinton Boys #2 Ash was a distant girl who preferred to read books than dating guys who liked her. She has no experienced having a relationship because of what her family have been through. She thought that fairytales only exist on boo...